PASKO NA NAMAN 2011

Dalawang tulog na lang at Pasko na. Abalang-abala ang lahat ng mga tao sa kani-kanilang mga gawain; grocery, decoration, party, pagbalot ng aginaldo atbp.
Pero, bakit parang minsan hindi kumpleto ang pasko sa puso ng bawat isa. Ito ay marahil sa kakulangan ng kalinga at pagmamahal sa kapwa.  Ang mga materyal na bagay kasi ay secondary lang naman para makapagpasaya sa atin sa araw ng pasko.
Yung mga bagay na kaugnay ng ating puso ang makapagbibigay talaga ng tunay na ligaya! Sana, maramdaman ng bawat  isa sa atin ang tunay na kahulugan ng kapanganakan ni Hesus at nawa'y maramdaman ng bawat isa ang pagmamahal na ating inaasam-asam.

Umagang kay Ganda! Kape tayo...

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...