Posts

Showing posts from December, 2011

INARU TAKA

Patapos na ang taon kaya dapat sabihin na ang dapat sabihin.... "Inaro taka"... Tapos... Umagang kay Ganda! Kape tayo...

LITTLE BIT HAPPY

Kakatapos lang ng christmas party namin kagabi sa barangay.. Pag-uwi ko, nagbukas agad ako ng internet;; ewan ko ba bakit parang naramdaman ko ang isa sa mga pinakamasayang araw ko nitong mga nakalipas na araw.   Medyo sentimental kasi ang feeling nitong buwan ng Disyembre; ganun siguro talaga ako kapag panahon ng pasko.  Basta masaya ako kagabi! pati ngayon maganda ang gising ko! Umagang kay Ganda! Kape tayo...

Eng BeeTin Hopia

Image
 Hindi naman ako Chinese pero hopia mula sa Ongpin ang inalmusal ko!  Last year ko lang nalaman na may ganitong store pala sa Ongpin. Late bloomer yata ako sa mga tsibog! Sarap! parang gusto kong magtayo ng sariling ShoeMart... Umagang kay Ganda! Kape tayo...

MOMENTS OF LIFE

Isa sa mga pinakamagandang gift na kaloob sa akin ng panginoon ay yung kakayahan kong maalala ang mga pangyayari at mga lugar sa aking buhay.  Nakakalimutan ko pa nga ang pangalan ng mga tao na nakasalamuha ko pero ang pangyayari hindi lalo na yung mga masasaya at memorable sa aking buhay.  Hindi ko kailan man makakalimutan ang mga bagay na nagpasaya sa akin minsan; yung mga panahon na wala kang nararamdaman kundi kaligayahan lamang ng iyong puso.   Salamat po sa panginoon sa kakayahang ito.. Gandang gabi! Kape tayo...

DAMDAMIN

Minsan kahit tahimik ang panahon ay nananatiling maingay at magulo ang mga bagay sa iyong isipan. Lately, daming gumulo at gumugulo sa isipan ko. May mga tao na akala ko nakalimutan ko na pero nagkamali ako... Dati akala ko noong dati matagal ko nang hindi nakita siya, moved on na ako; pero mali.  Siguro, may mga tao o bagay na paminsan-minsan sa buhay mo ay kukurot sa iyong puso at magpapatalima sa iyo at magpapaalala ng ilang mga masasaya at matatamis na nakaraan. Dumarating minsan ang pagkakataon na ang akala mo ay nakalimutan mo  na ang mga bagay o tao na ito; lalo na sa mga pagkakataong hindi mo sila nakikita o nakakausap. Pero, nagkakamali ka, kasi sa panahong nagkaroon kayo ng pagkakataong magkita o makapagusap ay bumibilis na nanan ang tibok ng puso mo; pag-tulog mo ay naguguluhan at ang mundo mo ay nawiwindang! ang baduy noh? Ang buhay nga naman... Kapag narinig mo yung kanta ni Michael Jackson na "One Day In Your Life", .. You'll remember me somehow... sana...

GEORGE'S FIRST BIKE RIDE

Image
FIRST BICYCLE RIDE - Nag-bicycle session kami ni George noong isang araw (araw ng pasko); tinuruan ko si siyang magbisekleta; hindi ko alam kung bakit hindi sya nahirapan; seems he is a natural athlete. Kanina, sumemplang una ang tuhod at dibdib pero nung tinanong ko, "are you hurt?" ang sagot "no daddy Im fine" (maluha-luha at halatang tinitiis) At least masasabi ko na si daddy ang nagturo kay george mag-bike... Moments in time! ang saya! Gandang Umaga! Kape tayo...

SIYA DAW... SIYA NGA...

Nabasa ko sa cellphone ang isang text message sakin mahigit isang linggo na ang nakakalipas.   Reply nya sa akin ito ng sinabi kong may nagsabi sa akin ng isang quote na maganda...  At ang reply; "Ako.. Ako po ang nagsabi nun.. At totoo pa rin naman un.  Pwedeng magbago ang ctwasyon pero hindi cguro un"... Parang totoo, ang sarap paniwalaan...  Tsk tsk tsk

SEVEN ELEVEN

Kung pumayag lang sana sya dun sa offer ko dati sana tapos na agad ang boxing. Dapat kasi hindi nya tinigasan ang puso nya kahit alam nya naman na yun ang gusto niyang gawin. Yung de-color sana ay nahiwalay na sa mga puti para hindi mahawa kapag nilabahan. Pero kapag nasa laundry shop na wala ka nang magagawa kundi hintayin ang resulta ng pagkakalabada. Sayang... ang gulo... ang labo... pero ngayon malinaw na... malinaw pa sa sampung beses na binabad at ikinula... Gandang gabi! Kape tayo...

OLD V. LUNA HOSPITAL PICTURE

Image
V. Luna Hospital April 1998  (photo courtesy of Maebelle Pagorogon Na-tag ako sa facebook ng isa sa mga datin kong kaibigan... Isa itong larawan nung internship namin sa AFP V.Luna Hospital... Natatandaan ko kung anong buwan at taon ito.. April 1998.. sure ako... Sa Physical Medicine and Rehabilitation Department ito ng nasabing hospital.. Kasama ko dito ang ilang ding mga interns mula sa ibat-ibang medical schools sa bansa...Miss you all guys!

CHRISTMAS MORNING

Kahit madaling araw na ako nakatulog kanina, maaga pa din po ako gumising sapagkat maagang dumating din ang ilan sa aking mga minamahal na inaanak.  Natutuwa ako dahil ang iba sa kanila ay ilang taon ko na ring hindi nakikita lalo na yung mga nakatira sa ibang lugar. Pagkatapos ay tumuloy na ako sa simbahan ng aming parokya dahil may kumuha sa akin ulit bilang ninong ng kanilang mga anak.. Medyo matagal bago magsimula ang binyagan dahil na rin sa dami ng tao at saka na rin dahil medyo maingay ang ilang mga tao sa loob ng simbahan na nagpadagdag sa pagkakaalintala ng seremonya. Hindi na ako nagtagal sa reception ng binyag sa kanilang tahaanan sa Guerrero dahil hinihintay na ako ng buong pamilya sa West Avenue Kamay Kainan para sa isang pampamilyang salu-salo.  Masaya naman at busog na busog ang lahat. Kakarating ko pa lang sa bahay ng nagyayang magpaturo sa akin ng bike si George kung kayat kahit pagod pa ay agaran ang tumalima sa hiling sa akin ng aking poging panganay kayat heto

KAIYAK

For no particular reason (siguro), bigla akong naiyak.. may naalala akong tao.... haayyy.....

HECTIC EVE

Minsan naiisip ko ang mga bagay na sinabi sakin kanina ng isang tropa ko na nasa ibang bansa... Totoo ba yun? akala ko wala na pakialam sa akin ang isang tao sa akin.. subalit mukhang nagkamali na naman ako.  Haaayy..iba na nga lang ang ikkukwento ko... Kanina nagbabad ako sa computer... pagkatapos ay nagsimba ako sa San Antonio de Padua... then tumakbo ako for my Christmas Eve run.... tumakbo ako mula dito sa bahay hanggang Welcome Rotonda! Buti na lang eksakto ang dating ko para sa Noche Buena! Maligayang pasko! Kape tayo...

MEETING DE AVANCE

Image
December 12, 2011 (Masambong, Quezon City Philippines Noong nakaraang Ika-12 ng Disyembre nga pala ay muling nagkita-kita kaming magkakaibigan.  Nandito kasi sa Pilipinas ang matalik na kaibigan naming si Beth para magbakasyon dito sa Pilipinas kasama ang kanyang pamilya. Medyo pasmado lang yata si Wella (kumuha ng picture) kaya medyo malabo ang larawan.. Halos kalahating taon din kasi siyang naghahanapbuhay sa bansang Saudi Arabia bilang isang nurse. Balita ko nga ikakasal na siya sa susunod na taon! Wow ang galing! Congratulations sa inyo! Best wishes! Gandang hapon! Kape tayo...

STRIKE ANYWHERE

Image
Nagkakape kahit saang lugar man abutan! Wheeeww! Ang aga ko sa SM North edsa kanina... kailangang makauna sa last minute na bilihan... pero syempre, para ma jumpstart ang puyat at pagal na katawan, kape muna... this time, sa Dunkin Donuts ang nadale ko.. Singsarap (na rin) pero di sing-mahal... Namili kami ng mga regalo para sa ilang mga mahal sa buhay. Ngayon lang kasi nagkaroon ng pagkakataon na makabili at syempre mahigpit din ang budget para sa paskong ito.  Hirap si Mildred kanina sa mall kung kaya't naisipan ko na mag rent ng wheelchair para sa kanya at buti na lang at may ganun na sa SM.  Di baleng ako ang mapagod sa pagtutulak wag lang ang mahal ko. May sinimplehan akong bilihing regalo para sa isang espesyal na tao; pero, hindi ko alam kung kailan, paano or kung ko ito nga ay maibibigay ko pa sa kanya... Hmnnnn.. bahala na si Aquaman! Gandang hapon po! Kape tayo...

THE SOUND OF SILENCE

Image
Kapag tahimik ang mga tao at hindi nag-uusap ng tulad ng dati, alam mo na ibig sabihin nun... Nasagot na yata ang matagal na katanungan na may katagalan nang hinihintay pero walang o ayaw ibigay ang nais na kasagutan. Yun na yata ang sagot sa tanong; "is it over?". Asar talo na nga sa mga iba pero understandable naman yun, ang mahalaga happy person sya! Kahit naman hindi kayo nagusap ng masaya tulad ng dati sa tingin ko wala pa din namang naiba; they "seems" to still care for each other. Today is Christmas Eve; let us be happy for each other even if others seems not.. Gandang Umaga! Kape tayo...

PASKO NA NAMAN 2011

Dalawang tulog na lang at Pasko na. Abalang-abala ang lahat ng mga tao sa kani-kanilang mga gawain; grocery, decoration, party, pagbalot ng aginaldo atbp. Pero, bakit parang minsan hindi kumpleto ang pasko sa puso ng bawat isa. Ito ay marahil sa kakulangan ng kalinga at pagmamahal sa kapwa.  Ang mga materyal na bagay kasi ay secondary lang naman para makapagpasaya sa atin sa araw ng pasko. Yung mga bagay na kaugnay ng ating puso ang makapagbibigay talaga ng tunay na ligaya! Sana, maramdaman ng bawat  isa sa atin ang tunay na kahulugan ng kapanganakan ni Hesus at nawa'y maramdaman ng bawat isa ang pagmamahal na ating inaasam-asam. Umagang kay Ganda! Kape tayo...

ISDA BA SIYA?

TOPEY: Isda ba siya? BABAE: Bakit? TOPEY: Kasi isa siyang tinik sa buhay ko! BABAE: (Walang nasabi) Umagang kay Ganda! Kape tayo...

IT'S NOT THAT CLEAR

Hindi nakakatuwa kapag ang taong kausap mo ay hindi nakikipagusap ng wasto; kapag iba ang sinasabi ng bibig kaysa sa tunay na nararamdaman.. Bakit hindi mo sabihin ang bagay na dapat mo sana'y sinasabi mo? Hindi bat karapatan ng bawat nilalang na malaman ang katotohanan. Parang timang lang kasi kapag mas nangingibabaw ang pilosopiya kaysa sa tunay na dapat gawin... Wag mong dayain ang iyong sarili baka hindi bagay sa iyo.  Huwag kang bibili ng damit na hindi naman makakapagbigay ng ligaya sa iyo kapag ang damit ay iyo nang isinusuot baka hindi ka comportable...

ANG TUMAKBO NG MATULIN

KAWIKAAN Isa sa mga kasabihan na matagal ko nang pinaniniwalaan ay ang kawikaan na "Ang sino mang tumakbo ng matulin, kung matinik ay malalalim". NOT SURE Ewan ko ba pero parang napakahalaga  ng kawikaan na ito sa aking sarili at alam ko ganun din sa inyo.  Applicable ito sa maraming aspeto; sa trabaho, desisyon, pag-ibig, emosyon, pakikipagkaibigan, pulitika at madami pang iba. MAHIRAP NA May mga pagkakataon kasio na tayong mga tao ay lubhang pabigla-bigla sa ating mga desisyon; mga desisyong maaaring makakapagbago sa takbo ng ating buhay.  Kapag kasi daw hindi mo pinagisipan ang mga mahahalagang bagay baka sa bandang huli ito ay maaari mong pagsisihan. Okay lang siguro kung tiyak kang iyon ang tamang pasya subalit papaano kung ikaw ay magkakamali? YOU CAN'T TURN BACK TIME Oras daw ang pinakamahalagang bagay sa buong mundo.  Kasi bawat segundo ng buhay mo hindi mo na maibabalik kahit anong gawin mo kung kayat dapat gamitin mo ang bawat araw nang ubod ng husay..

Bagyong Sendong

Image
THE TRAGEDY Matindi ang pinsalang idinulot ng bagyong Sendong sa mga lalawigan at bayan sa Mindanao nitong nakaraang weekend lalo na sa Cagayan de Oro at sa Iligan City. CASUALTIES Sa huling balita kong narinig ay posibleng isang libong tao na ang kumpirmadong patay dahil sa pagbaha at daan-daan pa ang hindi pa natatagpuan o nawawala na maaring patay na rin. Daang libo naman ang apektado na sa kasalukkuyan ay nangangailangan pa rin  ng tulong. THEY NEED HELP Umaapela po ng patuloy nating tulong at pagkalinga ang mga biktima ni Sendong.  Nawa'y makapagbigay tayo ng ating tulong maliit man o malaki upang maibsan kahit papaano ang mga kaawa-awang biktima lalo na at paparating na ang araw ng Pasko... God Bless us all...

Cheap Medicines

Kakadating ko pa lang sa bahay...Nagpasama kasi sa akin si kaibigang Nonong Domingo.. May pinuntahan kaming isang bilihan ng murang gamot at medical apparatus sa Project 8 malapit lang sa Road 20.  Nag meet kami sa Savemore sa kanto ng Araneta at del Monte Avenue.. Dumaan muna kami sandali dito sa bahay para sa isang bote ng softdrinks then tumungo na kami agad sa Project 8.. Hindi na kami nahirapang hanapin, tama naman kasi ang direction na nakasulat dun sa isang papel na dala ni Mike.... It is really nice to see old friends.... Ingats kayo mga chong!

OFW's In Slovenia

Salamat po sa mga emails nyo.. Actually hindi ko kayang ituro sa globe ang mapa ng bansang ikinapapalooban nyo... buti na lang at may google maps na ngayon... Keep on reading ang sending your emails.  Sana po magng masaya kayo ngayong pasko...

A Bottle Or Two

THE PARTY I attended LBK's Christmas party last December 16 Friday... Natapos ang party around 11pm at naguwian na ang lahat ng kagawad.Hindi na ako sumabay sa service namin obviously dahil meron akong motor na gamit. Hindi ko alam kung bakit sa anong kadahilanan ay napadpad ako sa lugar ng Timog Avenue. Nakita ko ang isang maliit na bar na kakaunti lang ang tao at bigla kong naisip na tumambay na muna kahit magisa. Okay naman ang sounds sa lugar na yun, hindi maingay at pwede talagang tumambay ng walang gugulo sa iyo... Umorder ako ng isa... opo isang San Mig Light.... pero nasundan ito ng isa pa.. at ng isa pa. at ng isa pa... hanggang sa napaorder na ako ng isang bucket at dalawang klaseng pulutan... ALCHOLE INTOLERANCE? Ewan ko kung bakit parang hindi ako nalalasing ng gabing yun.. parang sarap na sarap sa alcohol ang katawan ko.. Alcohol intolerance? I dont know.... Basta pang dayo ang lakas ko sa inuman... Hindi ko napansin na 1:30 na pala ng umaga... Wala akong gina

The Right Reason

HELMET - Mas mainam sa pagkakaalam ko na sa bawat desisyon na gagawin ng bawat isa na mahalaga na isipin mo muna ang tunay na dapat gawin.. "The Right Reason" ang tawag dito..hindi "I Need To" Magkaiba kasi ang dalawang iyon.. Applicable daw ito sa mga tagpo sa buhay; sa trabaho, pakikipagkaibigan, pagsubok at higit sa lahat pag-ibig.. Baka maging hindi makatarungan at fair sa ibang panig... Maaaring malinlang mo ang iba at ang sarili mo sa limitadong panahon pero tiyak akong hindi sa habang buhay... Kaya  ang aking quote sa araw na ito... 'THE RIGHT REASON"... Umagang kay Ganda! Kape tayo...

Mabuhay Ukraine

Naku! may mga audience na ako sa Ukraine... Salamat sa pagsubaybay nyo.. ingats kayo lahat dyan mga bayaning OFW... Advance Merry Christmas!

BUKID

BUKID - May kabukiran pa rin pala sa gawi ng San Jose del Monte... Akala ko parang extension na iyon ng Lungsod Quezon... Sariwang hangin at payak na pamumuhay sa isang pook na hindi nalalayo sa maingay na kalunsuran... Umagang kay Ganda! Kape tayo...

Up North Not Peter North

Image
Kakarating ko pa lang from a weekend journey in Ilocos Sur and Ilocos Norte through an invitation of Cong and Mrs. Bingbong Crisologo.. @ the house of Mayor Zaragoza in Narvacan , Ilocos Sur with kgds June, edwin, Malou, Jeff, Coun. Onyx and Lupon Benjie @ the house of Mayor Zaragoza in Narvacan , Ilocos Sur  (sariling sikap  sa  picture) r Thursday night kami umalis (actually Friday morning na yun) around 1PM...Dumating kami sa Narvacan Ilocos Sur to eat almusal sa bagay nina Mayor Zaragosa... His mother was so accommodating na parang tanghalian na ang pinakain sa amin... Pagkatapos ng mga isang oras na pahinga ay umalis na kami papuntang Cabugao, Ilocos Sur sa Cordillera Resort kung saan kami nag stay for 3 days... Yung buong Friday ay puro rest and recreation lang ang ginawa namin and some social activities nung gabi... @ Cabugao, Ilocos Sur The next day (SATURDAY) was a very busy day for all of us... First pumunta kami sa Crisologo Island.. Isang virgin