Walang Kapote

Pauwi ako galing sa opisina kahapon...
Sa dinami-dami ng araw na dala ko ang kapote ko ay natiyempuhan na hindi ko sya dala kahapon.
Sinubukan ko munang pahintuin ang ulan pero nabigo ako..
Kaya, dahil sa medyo gabi na ay napilitan akong sugurin ito tutal pauwi na naman ako..
Syempre, basang-basa ang damit ko nang makarating ako sa bahay, sapatos, pantalon atbp...
 
Kanina naman ang lakas ng ulan sa Quezon City kaya syempre nakakapote akong pumasok.
Ang siste, pagdating ko sa SM CenterPoint wala nang ulan.
Hindi ko na hinubad ang kapote baka kasi pinapadama lang ako ng sikat ng araw.
Nakarating ako ng Makati na pawisan ang katawan at pinagtitinginan ng tao at feeling ko sinasabi nilang "anong problema ng lalaking ito? nakakapote"...
 
Climate change nga naman.. Hmnnn... Siyyyyettt.!!!!

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...