Dito Sa Pitong Gatang

Napanood ko kanina ang una at ang huli kong pelikula ang Dito Sa Pitong Gatang...Ha ha ha....

Syempre ito ang pelikula ni Da King! Fernando Poe Jr. (FPJ) at ang seksing-seksing si Ms. Nanette Medved...

 

1992

May basketball team kami nun dito sa Barangay San Antonio...

Bulls ang pangalan ng team namin kasi nung time na yun kakapanalo pa lang ni Jordan ng kanyang first NBA title (1991) laban sa Lakers...

 

May eksena kasi dun na maglalaro ng basketball si Robert Ortega habang nanood naman si Harlene Bautista...tapos yung laro nauwi sa suntukan...

 

Fun Fun Fun

Basta ang saya nung eksenang yun... siguro mga dalawang minuto lang ang naturang eksena na kinunan dun sa outdoor basketball court ng Balik San Antonio Association (BSAA)...

 

Kaya sa tuwing ipinapalabas ito sa telebisyon ay hinihinto ko kahit ano man ang aking ginagawa para mapanood ko ang nasabing pelikula..

 

The King.. The Legend..

At least masasabi ko sa pagtanda ko na mayroon akong pelikula with FPJ.... ilang Pilipino lang ba ang makakapagsabi nun.. ha ha ha....

 

 

 

 

 

 

 

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...