Trapped Inside RCBC's Tower 2 Elevator

Break time ko kanina kaya bumaba ako ng RCBC Plaza para tsumibog sa paborito kong kainan.. sa JolliJeep...

Pagkatapos kumain ng adobong manok habang nakatayo ay naglakad na ako pabalik sa opisina...

 

Nakita ko pa nga na mayroong activity sa courtyard ng RCBC Plaza bilang pagpaparangal sa ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal..

 

Pagkaraka'y pumasok na din ako sa Tower 2...

Sumakay ako dun sa elevator...

Pero sa kasamaang palad ay bigla-bigla na lang itong huminto sa pagitan ng 8th and 9th floors...

Heto pa ang bad trip, namatay ang ilaw kaya napakadilim..

Just imagine na nasa loob ka ng isang kweba..

Parang ganun yun siguro...

 

Sinubukan kong tumawag ng emergency call pagkatapos ng 30 seconds pero wala namang sumasagot...

Kalmado naman ako, ayaw ko ipahalata dun sa mga kamoteng naka monitor sa CCTV camera na naka tune in sa lahat ng elevator na takot ako mahirap na baka WOW Mali lang ang aking kinasasglakan....

 

Ang tagal! hindi lang isa, dalawa, tatlo kundi halos apat na minuto bago nagkaroon muli ng ilaw at umakyat ullit ang nasabing elevator...

Pero huminto sya ng kusa at bumuka sa 14th floor..

Dun na ako bumaba at naghintay sa kabilang elevator...

At syempre, hindi ko pinahalata na kinabahan din ako..

 

Akala ko pa naman Made in Japan ang mga elevator ng RCBC... aba' sa ganintong kalakaran ay hindi ako magtataka kung galing ang mga #^%%*&&()(&(^ 'ng mga elevators na ito sa People Republic of China! :)

 

Sabagay…

Ano nga pala ang apelyido ng may ari ng mga toreng ito?

ahhhh..

Naalala ko na…

Yuchengco!

No more questions!

:(

 

 

Comments

Popular posts from this blog

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...

Titi ni Pacquiao