Typhoon Falcon

Isang ganap na bagyo na si tropical storm Falcon...

Kakaiba ang  pangalan parang character ng isang local na James Bond..

ha ha ha!...

 

Napakalakas na ng ulan kahapon pa ng umaga kaya medyo mahirap na ang biyahe ko habang nakamotor...

 

Kahapon ay nakamonitor na kami nila kapitan Berroya sa water level sa ilog, tumataas na kasi ito at malapit nang umabot sa tulay para kung kinakailangan lumikas ang mga residente sa tabing ilog ay maisasagawa ang evacuation plan....
Ang pagpapakawala kasi ng tubig ng La Mesa Dam ang aming inaantabayanan....wag naman sana...

Awa ng Diyos at bumaba naman ng bahagya ang level ng tubig kaya tayo ay nagpapasalamat..

 

Wala nga palang pasok ang mga mag-aaral sa mababa at mataas na paaralan ngayong araw na ito sa Kalakhang Maynila at sa ilan pang mga lalawigan dito sa Luzon

May mga ulat na rin ng  pagbaha sa madaming lugar. 

Sana lang ay maging ligtas at walang masaktan sa pagdaan ni Falcon...

Kapit Bayan! J

 

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...