Noel et al @ Cabalen

Nagkita-kita kami kanina sa opisina tapos nagpunta kami sa Greenbelt via the electric jeepney..tapos tsumibog ng walang kasing sarap sa Cabalen dun sa Greenbelt.. nalulungkot kasi kami.. aalis na si Noel, ang founder ng edata...tsk tsk tsk

Kasama ko si George.. nag MRT kami via GMA Kamuning




@ MRT Buendia Avenue...Kinunan ko ng picture si George dito pero sinita ako ng guard bawal daw kasi ang picture taking dun.. nag sorry na lang ako...  sa almost 8 years ko kasing pagsakay sa MRT hindi ko alam na bawal ang camera sa loob....napakadami kasing pelikula at commercial na nakuha na dito.. pero tinanong ko sa guard kung banyaga ba ang kukuha ng picture ay bawal din.. sabi nya opo...kaya for the benefit of the doubt.. naniwala naman ako...



What a coincidence??? pinagbawalan din kami ng guard dito para makakuha ng pictures... Kapag nakaharap daw sa RCBC bawal pero kapag nakatalikod pwede kaya hayun tumalikod na lang kami.


Waiting kami dun sa libreng sakay sa electric jeepney ng makati...suki daw kasi dun si richard...
Nakasakay kami dito sa electric jeepney..apat lang kami nila Ruby, Richard at George ang nakasakay siksikan kasi eh.. ayun si richard nagpapacute sa harap ng jeepney...


 Nagsimula nang chumibog ang grupo habang abalang-abala ang mga bata sa paghahabulan..



Ang mga batang walang kapaguran.. hindi nakakaramdam ng gutom....sanay sa third world country....


Sa mga pagkakataong ito sinusubukan ni Ruby na pigilan sa pag alis si Noel pero mukhang wala na syang magagawa... lumalaki na ang pamilya at tumataas na ang demand sa extra rice.. samantalang umeepal na naman si chard dun sa gawing likod...


Parang iniisip din ni Raul kung ano ang kanyang susunod na hakbang.. walang kinalaman sa trabaho pero marahil sa dami ng pagpipiliang ulam ay nagiisip siya kung ano ang unang babanatan....


Sinusubukan ko yatang tunawin yung yelo a halo-halo.. feeling ko talaga nagtatagumpay ako kanina...


Kasama ni Noel ang mga bagong kasal... ganda ng ngiti ni Rica samantalang templetized pa din ang ngiti ni Noel... samantalang masayang umaawing ng bahay kubo si Dhang dun sa gawing kaliwa....




Etong tatlong ito talaga ang matagal na.... high shool pa lang ako involved na sila sa medical transcription industry..... lufet nyo mga idols....
 


Ito ang kumpletong koponan.. kasama ang mga muse at escort.... kasama din sa picture na itong ang isang off-duty na waiter ng Cabalen na walang kahoya-hiyang sumama sa kodakan... buti sana kung kamukha ni John Lloyd pero wala eh...Si Joms ang nasa gitna ng class picture na animo'y sya ang punong guro ng mataas na paaralan..

Well, ganun talaga ang buhay.. may nauuna may nahuhuli.. ang saya naman ng usapan kanina.. madaming napagusapan...Heto ang ilan sa mga topics in no particular order:

Love life
rice subsidy
clothing allowance..
sex
home transcription.
extra rice.
sex ulit
wedding of the year.
how to make a baby.
peanut butter
parenting
family planning
salary adjustments
no salary adjustments
urban legends
sex ulit
shopping
sex ulit
at madami pang iba.

Ganun pa man, naway ano man ang tatahakin mong landas kaibigan noel... good luck sa iyo... isa ka nang malaya!
congrats kosa..
dadalawin mo sana kami.
tulungan mo kaming maibenta ang mga bote na may barko sa loob.
god bless you!


Comments

Ceng said…
ayos ka talaga, kagawad! panalo!

Popular posts from this blog

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Titi ni Pacquiao

Kisses Nanganganak...