It's not just music.. it's Acoustic Music

"I don't believe in magic but I do believe in you...
And when you say you believe in me
there's so much magic I can do"
 
 
Mula sa awitign Birthday Song ang nakalimbag sa itaas.  Kapag wala akong magawa masyado dito sa bahay at hindi masyadong busy sa mga lakad isa lang ang aking pinaglililbangan... ang aking lumang classic guitar. 
 
gitara circa 2003
Nabili ko ang gitarang ito nung 2003 sa Raon, Maynila.. Bargain na bargain ang pagkakabili ko dito kaya nugn nakita ko at nakilatis ang kalidad ay hindi na ako nagdalawang isip na ito ay bayaran. 
 
My third Guitar
Ang gitarang aking nabanggit ay ang ikatlong gitara ko sa buhay kong ito. Yung una ay nabili ko lang sa kapitbahay (ito yung nadadala ko nung high school ako) pero  hiniram ng kaibigan ng kuya at hindi na isinauli... Yung ikalawang gitara ko naman ay isang steel guitar (college time) din na nabili ko sa Sta. Mesa-may pick up ito kaya cool pwedeng ikabit sa amplifier tapos pwede ka nang kumanta ng paborito mong jon bon jovi songs kahit madaling araw..At yun nga, ang gitarang nasa bahay ko sa kasalukuyan ay ang aking ikatlong gitara.
 
In Love with acoustics
Trip na trip ko tumugtog ng mga acoustics and classic songs sa gitara.  Ganun siguro kapag tumatanda ka na nagiiba na rin ang trip mo sa musika.  Kasi parang ang sarap ng unplugged kaya kahit tulog si George pwede kong kalabitin ang gitara. 
 
It needs inspiration
Para mo matugtog ang mga magagadang love songs etc, dapat may paghuhugutan ka ng inspirasyon.. Sa mga beteranong gitaristang katulad ko hindi na kami tumitingin sa fret ng gitara, tumutugtog na lang kami with our eyes close... para marining ng puso mo ang baat kalabit ng kwerdas.. hindi na rin uso ang guitar cords kasi yung adlib ng musika ang titipa sa tamang nota. 
 
Gusto ko sanang ilagay ang list ng favorite songs ko dito pero baka abutin ako ng 2012 kapag inilagay ko lahat; pero kung itatanong mo sakin sige i-tetext ko sa inyo promise.
 
 
 
 
 
 
 

Comments

Popular posts from this blog

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Titi ni Pacquiao

Kisses Nanganganak...