retained surgical tools (not a medical malpractice) wtf?

Napanood ko sa abs-cbn kahapon yung kaso ng isang lalaki na namatay... pangkaraniwan lang ang balitang namatay sa TV patrol pero ang kakaiba sa kwentong ito natagpuan sa tiyan ng bangkay ang ilang piraso ng surgical tools..
 
Tama ang nabasa mo kapatid, tools, may "S"... kasi hindi lang isang gamit ang naiwan kundi madami... nangyari daw ang nakakabwisit na pangyayari ito sa isang ospital na pagaari ng FEU.... hindi ako masyado famililar sa mga surgical equipments pero parang "off" talaga ang nangyari dito.. Tatlong forceps yata ang naiwan sa tiyan ng kaawa-awang biktima kasama ang ilang sponge. natagpuan daw ito  ng embalsamador sa isang funeral parlor.
 
Sabi ng director ng nasabing pagamutan sinadya daw talagang iwan sa loob yung mga gamit na yun.. aba! mayaman! nagiiwan ng gamit... kaya hindi daw masasabign medical malpractice yun! wtf?
 
Parang kamote ang pahayag na iyon... ibig nyang sabihin kapag tatlong forceps lang ang naiwan hindi medical malpractice.. Siguro kapag naiwan sa loob ng tiyan ng pasyente ang hospital bed, x-ray machine, stethoscope, batuta ng guwardya sa ospital, medical record ng pasyente, o di kaya yung lunch ng attending emergency room physician...
 
tsk tsk tsk... KAMOTE!
 
 

Comments

Popular posts from this blog

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Titi ni Pacquiao

Kisses Nanganganak...