Lumisan na ang ginang

Umalis/aalis na ang magandang ginang sa opisinang pinapasukan/pinasukan niya sa loob ng madaming taon...
 
Aalis siya ng may sama ng loob at may hinanakit sa kaibuturan ng kanyang puso dahil hindi niya naramdaman at ng kanyang pamilya ang pagasenso sa buhay katuwang ang pinapasukan niya, ito'y sa likod ng ulat ng patuloy na paglago at pagasesnso ng kumpanya'ng kanyang pinagsilbihan ng tapat.  
 
Patuloy na lumalaki ang sahod ng mga matataas ang posisyon at ang malalapit sa kaban samantalang ang empleyadong tulad niya ay patuloy na naghihikahos sa pamumuhay.
 
Marahil siya ay makikipagsapalaran sa ibang bayan, mawawalay sa kanyang pamilya ng madaming taon, bilang isang bagong bayani.. bilang isang OFW. 
 
Kung sana daw ay naging mas makatarungan ang kumpanyang yaon sa kanya at sa kanyang mga kasama sa hanapbuhay ay magkakasama-sama pa sila ng mahabang panahon...
 
Pinilit niyang isipin na sa naturang kumpanya'ng yaon siya magreretiro habang nakikita nyang nagtatapos sa pagaaral sa magandang paaralan ang kaniyang mga anak... Subalit, hindiing-hindi na ito mangayayari.. sapagkat buo na ang desisyon niya.. "Tama na", ang winika niya..
 
Lumisan/lilisan na siya..

Comments

Popular posts from this blog

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Titi ni Pacquiao

Kisses Nanganganak...