Ma Mon Luk

This is from my FB note dated April 14, 2010 http://www.facebook.com/home.php#!/note.php?note_id=384049439463


May meeting ako kahapon ng 3:30PM, pero dumaan muna ako sa Banawe (Quezon Avenue) hindi upang bumili ng pyesa ng sasakyan, hindi para magreklamo sa NLRC, hindi para magbayad ng contribution sa PPSTA.... kundi para makakain sa pinakamalupit na restawran sa Kalakhang Maynila.. ano pa, eh di, MA MON LUK..

Pag garahe ko pa lang ng motor sa parking space.... ganun na ganun pa rin tulad nung mga bata pa kami at kumakain kami dito nila Erpat...

#1) ANG COUNTER:
Yun pa rin siguro yung counter dati pa... meron pa ring waiting bench para kapag walang available na mesa maaari ka munang maupo.... bago na yung kahera.. wala na yung matandang babae... nag retiro na siguro sa serbisyo.... or.. nasa China na..nagpapahinga... ha ha ha..

#2 MARBOL NA MESA
Nung naupo ako nakita ko agad yung marbol na mesa... try ko i-describe.. Malaki ito ng bahagya sa marbol na lapida na makikita sa mga memorial parks. Hindi pa rin sya ganung ka puti..hindi pa siguro naiimbento ang Asido Muriatico (muriatic acid) ng mahukay ang mga marbol na ito sa romblon.. feeling ko bago pa lang mag giyera nandun na yun.. ha ha ha...

Pag upo ko.. nandun pa rin ang mga pinagkainan ng isang pamilyang nauna sa akin.. umupo na ako kasi may nkita akong Crosswind na nag-park..mahirap na baka maunahan...

Dumating yung isang waiter... umakma akong oorder na pero oooppps.. bigla nyang hinagod yung mga natapong hibla ng mami sa ibabaw ng mesa na dagli-dagli nyang sinapo ng kanyang kaliwang kamay at mulling hinagod ng isang kulay ebak nang basahan at walang kagalang-galang na nagtanong sakin ng "ano order mo?"

#3 WAITER
Wheewww.. classic MA MON LUK ang service ng mga waiters pa rin...bakit kanyo? heto ang ilan.. hindi bumabati ng good afternoon ang mga waiter sa MA MON LUK, kahit siguro magkabanggaan kayo ng balikat ng mga mokong dedma pa rin...Puro bata na ang mga waiters maliban sa isang lalake (senior waiter siguro) na maputi na ang buhok at nakasuot ng salamin.. sya na lang siguro ang natitira sa original na waiter ng MA MON LUK..pero feeling ko baka hindi na rin sya original kasi malakas pa ang katawan nya.. or kung original waiter man sya malamang totoy pa lang sya nung nagbukas ang MA MON LUK..

#4 PAINTINGS/STORE DECORATIONS/ CLEANLINESS
Nandun pa rin yung obra maestra na naka balandra sa dingding ng MA MON LUK..yun bang painting nung lalaking founder ng MA MON LUK.. or sya yata si Mr. MA MON LUK....makapal na ang alikabok ng painting pero tingin ko sa pagiging institusyon ng MA MON LUK sa Pilipinas may collectors value na ito.. or pwede nang ideclares as a national tressure ng NHI... palagay nyo?

Nasa mga dingding nga rin pala ang mga larawan ng mga sikat na personalidad na kumain na sa MA MON LUK.. madami mahirap isa-sahin, merong artista, pollitiko, beauty queen, at marami pang iba.. Nakapaskil din ang mga clipping at mga articles tungkol sa MA MON LUK na ginupit mula sa ibat-ibang pahayagan at mga magazines dito sa Pinas at maging sa buong mundo...

#5 COMFORT ROOM...
Nung nag CR ako.. expected ko na ang makikita kong CR ay yung lumang style na banyo.. yung bang banyo na kapag pumasok ka ay maaalala mo yung mga POW ng mga hapones nung WWII habang sumasailallim sa torture sa loob ng banyo or yung parang sa Scorpion Nights na movie ni Joyce Jimenez at Albert sa isang paaralan.. pero nabigla ako.. meron nang urinal at parang may flash na yung upuan.... wheewww... world class na ang MA MON LUK.. pwedeng mag pa ISO certification..parang eData....

Nung dumating yung order ko, syempre ano pa ba... isang malaking special beef mami at isang super laking special asado shopao at isang coke in can (opo may in cans na sa MA MON LUK)..may kasamang isang basong tubig kahit hindi ako umorder ng tubig (walang el Nino) siguro assuming na sila na hihingi din naman ako ang tubig later... meron ding extrang sabaw (eto special request ko talaga ito)....tsaka dala din nung waiter lahat ng ito na walang gamit na tray... talented... Yung baso nga pala... yung dati pa rin..yung bang makapal na transparent...mukhang luma na kaya feeling ko mataas ang probabillity na yung baso na ginamit ko kahapon y ang baso din na maaring ginamit ni Imelda Marcos nung syay nagawi nung 70"s sa MA MON LUK.. hmnnn....

Ten (10) minutes lang ang itinagal ng tsibog sa ibabaw ng mesa.... kahit ako lang mag-isa ang kumain.. na enjoy ko talaga ang pag-tsibog.. kahit merong dalawang intsik na malapit sa likod ko na naguusap sa kanilang lenggwahe okay lang..

FYI, madalas din naman akong kumakain dito pero as expected yun pa ring experience na pagkain sa isang resatwran na pinakamatindi sa Pilipinas ang naranasan ko...kasi kung binati ako ng waiter ng "good morning sir welcome to MA MON LUK!" or yung service with a smile ay hindi na ako tutuloy baka kasi mapagkamalan ko lang na nasa CHOWKING lang ako..

Sa pagkain ng MAMI at SIOPAO ASADO, di ko alintana ang panganib ng Chinese Restaurant Syndrome (dahil sa secret ingredient nito or sa MSG) or ang risk ng HEPA A (dahil sa posibleng pagsawsaw ng daliri ng waiter sa baso. yaks!) ang mahalaga SOLVE ako at hindi nanghihinayang sa perang ibinayad ko pagkatapos ibigay sa akin ng waiter ang bill ko....

At syempre.. iniwan ko yung barya dun mesa bilang "tip" not for a good service but for refreshing me sa mga precious memories sa MA MON LUK at para din sa masarap na pakiramdam ba nagsasabing "ANG SIMPLENG BUHAY AY TUNAY NA KAY SAYA!"

Pag-laki ng konti ni George (anak ko) isasama ko rin syan dun.. at ikukwento ko sa kanya ang mga bagay na ikinuwento ko sa inyo sa araw na ito.....

Attention nga pala sa mga manunulat ng EDATA NEWS LETTER, pwedeng bang isama nyo sa food review ang MA MON LUK sa susunod na version ng eDition....

Salamat at binasa mo ito. ..Ako po si Kgd. Christopher George "TOPEY" Angad, magandang araw po..

Comments

Popular posts from this blog

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Titi ni Pacquiao

Kisses Nanganganak...