Posts

Showing posts from February, 2011

the irony of truth

Pinilit nilang pigilan ang pagsasalita pero dahil sa daloy na alak ang katotohanan ay halata... sa bawat kilos ng kanilang katawan tanga lang ang magsasabing walang namamagitan...

celebrity

Palagian na lang na lang na nababanggit ang name niya saan mang usapan...ang mga tao sa paligid, sila'y hindi makalimutan.. celebrity ba kayo?

Manhid ka!

Ang pagwawalang bahala sa mga taong patuloy na nagpapayaman sa iyo ay isang uri ng pagsasamantala...   Kasama marahil dito ang hayagan kawalan ng simpatiya sa mga nilalang sa paligid mo.. Ikaw ba ay manhid sa kahirapan ng nakikita mo o sinasadya mo lang na huwag pansinin ang kanilang hinaing hanggang sa makita mo silang isa-isang bumulagta sa pagod at paghahanapbuhay.   Ang tulad mo ay walang kasinglupit.. Mas malupit ka pa kaysa sa mga Espanyol, Hapon, at Amerikano na nagsamantala sa bayan na ito.  Isa ka kasing "M_ks_k_n_".  Ang paraan mo ay isang uri ng panggagahasa sa kakayahan, talino, kabataan, galing, kasanayan ng mamamayang Pilipino...   Kung sa boksing lang sana, sa tulong ni Pacquiao, itutumba lahat naming mga Pilipino ang mga manhid na katulad mo...isama mo na ang mga makapili na alalay at sipsip sayo...   Siyet!    

Lumisan na ang ginang

Umalis/aalis na ang magandang ginang sa opisinang pinapasukan/pinasukan niya sa loob ng madaming taon...   Aalis siya ng may sama ng loob at may hinanakit sa kaibuturan ng kanyang puso dahil hindi niya naramdaman at ng kanyang pamilya ang pagasenso sa buhay katuwang ang pinapasukan niya, ito'y sa likod ng ulat ng patuloy na paglago at pagasesnso ng kumpanya'ng kanyang pinagsilbihan ng tapat.     Patuloy na lumalaki ang sahod ng mga matataas ang posisyon at ang malalapit sa kaban samantalang ang empleyadong tulad niya ay patuloy na naghihikahos sa pamumuhay.   Marahil siya ay makikipagsapalaran sa ibang bayan, mawawalay sa kanyang pamilya ng madaming taon, bilang isang bagong bayani.. bilang isang OFW.    Kung sana daw ay naging mas makatarungan ang kumpanyang yaon sa kanya at sa kanyang mga kasama sa hanapbuhay ay magkakasama-sama pa sila ng mahabang panahon...   Pinilit niyang isipin na sa naturang kumpanya'ng yaon siya magreretiro habang nakikita nyang nagtatap...

is going to Canada

Minsan nag-post ako ng status sa Facebook...Ang nakalagay, "IS GOING TO CANADA".. Mabilils dumami ang mga nag-post ng kanilang mga comment instant hit sa panahong iyon. Madami ang nagtanong, marami ang nagulat, meron ding mga nagduda at meron ding mga ilan na hindi naniwala...

Isn't that ironic!

Muntik na naman akong ma-late sa opisina ngayon... Nagtraffic kasi dun sa may intersection sa may Pandacan, Maynila..   At dahil ako'y nakamotorsiklo. sumingit-singit ako hanggang makarating sa unahan.. Nakita ko ang isang malaking truck ng langis ng Shell Philippines na diumano'y dahilan ng masikip na trapiko..    Ako'y nagusisa, nang tanungin ko ang isang traffic enforcer na naka uniporme kung bakit nakahinto ang nasabing truck, ang nakakatawang sagot nya sakin ay:   "Sir, naubusan ng gasolina! inutusan na po nung driver yung kanyang paynante!"    Ayos!   Isn't that ironic!

Babaeng Nakasalamin

Hindi lahat ng nakasalamin matalino.. Impression kasi yan ng karamihan na basta nakasalamin dalubhasa na kasi daw lumabo ang mga mata dahil sa pagbabasa ng madaming aklat...   Sa pelikula kasi, yung mga henyo palagiang nakasuot ng napakakapal na salamin kaya kapag nakasalamin daw Genius! wtf?   No offense sa mga nakasalamin, pero siyempre hindi lahat....Pero cute din ang paminsan-minsan nakasalamin lalo na kapag alam mo na ang nagsusuot ay tunay na matalino... Yun para sakin ang seksi! Yun bang babaeng nakasalamin, maganda, matalino, mabait biba.. di naman kagandahan kung tatanga-tanga...

true love

Matagal na niya  itong katanungan, Meron nga ba nito at kung mayroon man ay nasaan... Dahil ang kuwento nilang pagmamahal ay kakaiba, Maging sa gabi o sa umaga..   Sa Friendster minsan sila'y nagbatian, Maikli lang at hindi kahabaan... Sapagkat ang pagkakalayo daw ay masakit, Ito'y kumikirot at lumalangitngit...    

SOSHS Capoas Annex/Masambong High School

Muling nagkita-kita ang mga magkakaibigan, kamagaral, at mga dating kaeskwela.  Ito'y naganap sa isang lugar kung saan dati ang lahat ay araw-araw magkasama.. Kami'y tumungo hindi upang magdiwang kundi upang magbigay parangal sa aming dating guro na siya nang namaalam (R.I.P. Ms. Gallos).  Paalam sayo mahal naming guro, Nawa'y kasama mo ang Diyos saan ka man patungo...

Do not invite them to the party

Sinabi daw sa kanila na  sa kung sila ay lillisan, huwag na daw magyaya ng iba.  Dahil siguro baka daw mabawasan ang mga tao at kaluluwang nautuo nila...Hayaan na lang daw na mabulok sa makapal at mabahong putik na kasalukuyan nilang kinalulugmukan.

hold on

Ang damdamin nila ay kanilang pinipigilan, Sapagkat minsa'y naiisip na wala itong papupuntahan... Nananatilli ang komunikasyon sa isat-isa, Dahil ang bawat salita ay tunay na mahalaga.     

25th Anniversary of EDSA Revolution

Image
Sa araw na ito ay ipinagdiriwan natin ang ika-25  anibersaryo ng mapayapang rebolusyon sa EDSA nung 1986.  Bilang pagbabalik tanaw, nais ko sanang ibahagi ang aking naaalala sa makasaysayang araw na ito bilang isang BATA at higit sa lahat bilang isang PILIPINO.. Nawa'y ito ay magdulot ng tunay na pagbabago ng bansa, sa lahat ng institusyon at higit sa lahat sa puso ng bawat isang Pilipino. 1986 Grade 3 pa lang ako ng makasaysayang Pebrerong ito sa ating bansa.. Nakuwento ko na ito ng madaming beses pero ikukuwento ko pa rin.. blog ka ito.. wala kang magagawa.. Esteban Abada Elementary School Kakatpos pa lang ng klase namin nuon, pang-umaga ang schedule namin nung grade 3... Naglalaro kami nun ng "agawang base"..Ilan sa mga natatandaan kong kasama nun ay sina ariel guttierez, belvedere mata, Leonito Villar, Christopher Tesoro, Roberto Padua at marami pang iba pa.. si Ruffy Lapizar hindi kasali (self explanatory) musta Ruffy... Tora-tora Sa kasarapa...

Gagaling

This is from my Facebook note dated September 8, 2009 http://www.facebook.com/home.php#!/note.php?note_id=128604854463 Sakit ng kalamnan, ubo, sipon, panghihina, kawalan ng gana sa pagkain at marami pang iba..... Ilan po lamang yan sa aking naramdaman nitong mga nagdaang araw....nagsimulang mag rally sa katawan ko ang mga nasabing sintomas nun miyerkules ng gabi habang nandito pa ako sa opisina...masuwerte na lang din at nakapag-drive pa ako pauwi ng aming tahanan duon sa Lungsod Quezon... salamat sa panginoon.... Swine-Flu (AH1N1) Bilang isang low-ranking local government unit official, isa sa mga responsibilidad ko na maging isang huwaran hindi lamang sa mga nasasakupan kundi sa mas maraming tao....nais ko po sana pumasok sa trabaho nung Huwebes pero dahil akala ko Swine Flu nga ang tumama sa akin ay mas minabuti ko nang magkulong sa aking silid sa posibilidad na baka ako makahawa.... Dengue Fever Isa pa ito sa mga nagpa-paranoid sa paranoid ko nang pagiisip....on and off...

Ma Mon Luk

Image
This is from my FB note dated April 14, 2010 http://www.facebook.com/home.php#!/note.php?note_id=384049439463 May meeting ako kahapon ng 3:30PM, pero dumaan muna ako sa Banawe (Quezon Avenue) hindi upang bumili ng pyesa ng sasakyan, hindi para magreklamo sa NLRC, hindi para magbayad ng contribution sa PPSTA.... kundi para makakain sa pinakamalupit na restawran sa Kalakhang Maynila.. ano pa, eh di, MA MON LUK.. Pag garahe ko pa lang ng motor sa parking space.... ganun na ganun pa rin tulad nung mga bata pa kami at kumakain kami dito nila Erpat... #1) ANG COUNTER: Yun pa rin siguro yung counter dati pa... meron pa ring waiting bench para kapag walang available na mesa maaari ka munang maupo.... bago na yung kahera.. wala na yung matandang babae... nag retiro na siguro sa serbisyo.... or.. nasa China na..nagpapahinga... ha ha ha.. #2 MARBOL NA MESA Nung naupo ako nakita ko agad yung marbol na mesa... try ko i-describe.. Malaki ito ng bahagya sa marbol na lapida na makikita sa m...

UP-UP-DOWN-DOWN-LEFT-RIGHT-LEFT-RIGHT-B-A-SELECT-START

Image
This was lifted from my FB note dated Feb 1, 2011 http://www.facebook.com/home.php#!/note.php?note_id=10150089561504464 Sa ibang tao walang kahulugan ang titolo ng note na ito.. pero sa iba meron! alam na alam nila lahat ito sure ako! Aminin! lagay natin dito ulit.. " UP-UP-DOWN-DOWN-LEFT-RIGHT-LEFT-RIGHT-B-A-SELECT-START".. Ano ang katagang ito? clue.. hindi ito ang password para mabuksan ang huling paraiso sa Isla Noah! AWT:can/02012011

(almost) everything

Image
Raider R150  ang service ko sa araw-araw saan man ako magpunta, Kasama ko sya sa tuwi-tuwina... Alam nya (halos) lahat ng aking aktibidades, Umaga man o gabi upang ang lakad ko ay mapabilis...   Kaya mahal ko siya, At mahal nya rin ako... Sa araw-araw kami'y magksama, Maging sa hirap mano ginhawa...

It must be the genes!

Image
Simple lang ang buhay, dumadaan lang naman lahat tayo sa paglalakbay sa mundong ito.. Dahil dito may mga kasabihan na aking taimtim na pinaniniwalaan...   Heto ang ilan: 1.  Kapag maikli ang kumot matutong mamaluktot. 2.  Ang tumakbo ng matulin, kung matinik ay malalim. 3.  Ang di marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan. 4.  Di baleng magtagal sa s_so, wag lang sa baso. 5.  Kapag matakaw sa pulutan, siya ang nagpabilli nun. 6.  Kapag may tattoo, hindi pwedeng magdonate ng dugo (pansamantala) 7.  Mabuti nang late, wag lang pregnant. 8.  Dapat sa Facebook original ka, kundi, copy paste lang yun.... 9.  Walang manloloko kung walang magpapaloko.   at higit sa lahat   10.  Kapag gwapo ang tatay.... automatic na yan... gwapo din ang anak...

Only Time Will Tell

Paglipas ng napakadaming taon, halos dalawang dekada nang hindi sila nagkitang dalawa...   Naibigay ng isang "common friend" ang celphone number nya...Nabanggit at narining pa lang niya sa usapan ang pangalan ng kanyang iniirog ay umalingawngaw na ito ng paulit-ulit sa kanyang tenga..Natuwa siya sapagkat magkakaroon na muli sila ng komunikasyon..   Pinalipas muna nya ang dalawang araw.  Nag-ipon daw diumano ng tatag ng loob para makapagpadala ng text.     Buong kaligayahan ang kanyang naramdaman pagkalipas ng ilang minuto sa nakasulat na tugon (reply) sa kanyang text na nagsasabing: "NAPANGITI NAMAN AKO NUNG NALAMAN KONG IKAW PALA!"

Promotion is Equal to Demotion

Image
Itataas daw di umano ang kanyang posisyon sa kumpanyang pinapasukan... Ung matugunan daw ang patuloy na paglaki ng "volume" ng trabahong dumarating mula sa ibang bansa...Parang promotion ito sa unang tingin subalit nagkakamali ka kaibigan kung iyan ang iyong iisipin.   Itinaas ang kanyang antas pero ang antas na sahod ay nanatili na parang hubad.. Subalit mas masakit ang balitang ito para sa kanya sapagkat may tiyansang mabawasan pa ang kanyang kinikita kung hindi niya matutugunan ang trabahong sa kanya'y iaatang...kawawa naman ang kanilang mga pamilya...   PROMOTED=DEMOTED MORE WORK=LESS PAY FLY NOW=PAY LATER   Nakakatawa.... nagbago na yata ang kahulugan ng salitang ito sa diksyunaryo....

Balintataw

Magaaral dapat sila sa isang paaralan, subalit hindi ito nangyari, Bakit ang tanong niya sa kanyang sarili... Uminog ang mundo at nagpatuloy ang agos ng buhay, Pero ang isipan ng isat-isa ay hindi nawalay....

angad we trust: naghihintay

angad we trust: naghihintay

Makulimlim na Umaga

Makulimlim na umaga at magulong kaisipan...dapat harapin pagsubok ay labanan...

naghihintay

Naghintay siya ng matagal, duon sa lugar ng kanilang pinagusapan... Subalit hindi siya dumating...Umulan ng malakas subalit patuloy pa rin syang naghintay... Napagod, nainip, nalungkot sya at lumuha....masakit ang kaloban ng sya'y lumisan.. dahil doon pinilit nyang lumimot... nagiba ang takbo ang landas ng kani-kanilang mga buhay... Pinilit magsimula ng bagong kabanata..

Long Time No See

1998 Papunta ako sa Maynila, patungo sa isang affiliated clinic nung ako'y isang PT intern pa... Maaga pa, mga 7:30 pa lang.  Sumakay ako ng jeepney.  Bahagyang inaantok pa ako kaya sa may gawing Frisco pa lang ay pumwesto na ako sa bahagyang likuran ng driver...   Maya-maya lang ay may sumakay sa jeepney ang isang dalaga, mayumi at sadyang maganda... Pagpanaog pa lang niya ng jeepney ay napatingin na sa kanya ang dalawang mama na nakaupo sa may bandang hulihan, marahil dahil sa taglay nyang ganda.. Umupo sa tapat ko ang dalaga...Ako ay napangiti sa aking kinauupuan, nagisip kung ano ang sasabihin sa dalaga... ako'y nahiya, natakot at biglang kinabahan...Nagkasalubong ang aming paningin....Nagkangitian kaming dalawa... Natulala ako at namutla sa naramdamang kaba...   "Uy George ikaw pala! Kamusta ka na?" tanong sa akin ng magandang dalaga...   Itutuloy...      

She Bangs

Image
Maganda sana siya, Hindi lang kagandahan ang kanyang bangs... Akala nya siguro'y bagay, mukha tuloy syang trolls...

Mission Imposible Backlog

Feeling nya daw na sa trabaho'y sya ay toxic, Ngunit ang katotohanan'y isa syang plastic.. Backlog na feeling nya'y imposibleng matapos, Kapal ng mukha mo, hindi naman ikaw ang mapapagod kami din naman ang kikilos..  

Eat Bulaga

Image
Muntik na ako ma-late sa office kanina... No entry kasi dun sa  may likod ng Pure Gold Supermarket sa Makati na regular na dinadaanan ko... Sabi kasi nung matikas na tanod na napagtanunagan k:  "Nandun pop kasi yung mga staff ng Eat Bulaga!!"   Parang gusto ko sana ngang makiusyoso kung medyo napaaga lang ako eh, pero napagisip-sip ko na baka si Jose at Wally lang ang nandun eh wag na... kalbo din naman ako... sawa na ako sa kalbo madami na ring kalbo sa paligid ko.. hindi pa kasama ang nakakalbong kagubatan at bulubundukin ng Sierra Madre....        Pero siguro kung si Pauline Luna yun kahit hindi na ako pumasok makikipagsiksikan ako...ha ha ha...

Magnitude 5.3 Hits Luzon

Lumindol kaninang umaga...marami siguro hindi nakaramdam baka kasi sinasabayan nila.. wheew clasic joke...   Ako, naramdaman ko.. nagtitimpla kasi ako ng gatas ng anak ko eh nakita ko yung tubig gumalaw ng bahagya parang sa Jurrasic Park....akala ko nga ako lang nakaramdam eh si Ninang Rosel din pala naramdaman habang nakasandal sa tricycle na nakaparada...   5.3 daw ang intensity... tectonic daw ang origin.... syempre wala namang bulkan sa Maynila... wala naman daw yatang casualties sabi ng NDCC... haay.. buti naman....

Sustagen Premium Body Age Challenge

Image
Eto ang link sa Body Age Challenge http://bodyagechallenge.com/ Merong survey kanina sa pantry ng edata.. nandito yung dalawang babae from Sustagen premium to conduct a body age testing in order to determine what is the current biological body age ng subject as comapred to the actual age..Nakita ko kasi na magbibigat ng isang pack ng Sustagen premium kaya sayang din.. as usual pinatos ko din.. hirap yata ng buhay ngayon.    After completing a set of questionnaire, I was subjected into a test.. Yung female operator placed some kind of an electrode into my right ring finger then asked me to deeply inhale and exhale paced dun sa bola in her laptop computer.. parang tanga nga e..pero tama ang hula mo sinunod ko rin..Siguro nag inhale-exhale ako ng mga 2 minutes....kaya mga 2 minutes din ako nagmukhang tanga..   And after 2 minutes lumabas na ang result..... 31.8 yrs old lang daw ang biological body age ko according to the test as compared to my age of 50... joke...34... so that makes me ...

R.I.P. Ms. Gallos

Image
I have just received a report that Ms. Gallos, a high school teacher of mine died.  She was our Practical Arts teacher during our freshman year in Sergio Osmena.  As advised by my friend Monica, Ms. Gallos apparently suffered a cardiac arrest...    May her soul rest in peace...    

Pinakamabangong Pepe sa Buong Mundo

Image
Yung word nga palang "Pepe" as used in this note ay hindi yung malaswang bagay na iniisip mo....Manyak!...  I am respectfully referring dear ladies and gentlemen of the board to us sweet-smelling Filipinos in general! ex.. Pepe and Pilar..Doc Rizal was Pepe then? remember?  wag mo na ipagpilitan pang bastos yun!   Kapag nakakaamoy ako ng putok dito sa RCBC, palaging napaparanoid ako! dami kasing lahi ng banyaga ang nandito eh.. daming embassies..(canadian, australian, taiwanese, amerikano, korean, chinese etc.).   Is it me they're talking about or is it someone else?   sabay amoy sa kili-kili (left first then right)...pero yung mga kaliwete siguro una ang kanan.. ewan ko sayo!   Can i consider  it odor neurosis? (uncontrollable or involuntay urge to smell oneself)...yun lang naman ay para ma-sure ko na hindi ako ang may putok! bago ako sumigaw ng "Bwakananginang mga (insert nationality here) mas malakas pa sa lolo thunder sa Bocaue an...

Paulit-ulit na tikoy

Hindi talaga nakakatuwa yung paulit-ulit na katanungang: I kowt.. "Ano ba ang significance ng tikoy sa Chinese New Year?" ankowt.. At syempre ang paulit-ulit din na ang sagot naman na: ikowt.. "Kasi yung tikoy malagkit kaya nagiging mas close ang bond ng family kapag kumakain ng tikoy kapag new year.." ankowt.. Pordyozporantho! sino pa ang segment producer ng mag news items na ito? templetized ang tanong.. templetaized din ang sagot... common man! be creative naman sa sagot para hindi nakakaburyong! how about: "Kasi ang tikoy may state of the art phylogenetic super special ingredients na makukuha lang sa boundary ng Tsina at Quebec halfway to the peak of Mt Everest near camp 3 na nilagyan pa ng mataimtim na dasal ng mga Monks dun sa Budhist temple malapit sa 10th Avenue sa Caloocan at binalot sa isang box made by the Kung Fu masters in Hongkong para maging prosperous, safe, happy and sweet ang paparating na taon ng Metal Rabbit.." Yan ang...

kalbo 2011

tinuluyan ko na nga pala ang pagpapakalbo ngayon.. nagpagupit na ako nung Thusrday pero kailangan kong tuparin ang napagkasunduan namin nina Roja at Domingo.. Napansin ko din kasi na para akong tanga dun sa una kong gupit..para akong manok na may palong sa tuktok ng aking ulo. Natakot din ako baka mapungusan ako o di kaya ay mabugahan ng hininga ng isang D.O.M. na sabungero.... Well, my promised has been fulfilled..eto na lang ang meron akong karangalan at kagwapuhan....ha ha ha Pero parang okay nga na bokal ako ngayon kahit buwan pa lang ng Pebrero.. iba pala ang feeling kapag nakauna ka ng summer get up... parang gusto ko na tuloy magswimming...haisstt.. Now let me call the a pre-empting the fun activities of summer.. whewwww,.... Hot!

ang pagbabalik ni noel

Tinawagan ako ni Monet kagabi... nagiimbita kasi dumating na daw ang isa sa mga tropa namin.. si Karen.. joke lang... si Noel... Ewan ko kung bakit bumalik na agad si noel mula sa kaharian ng Dubai, parang 3 months pa lang nung sya'y umalis.. di na ako masyadong nagtanong.... pero para sakin ang mahalaga safe sya na nakauwi dito sa bayan nyang sinilangan.. Sa FJ's kami nagkita-kita.... at dahil kakalabas ko lang sa ospital hindi ako nakipagsabayan ng inuman ng beer sa kanila.. Redwine ang binira ko.. nakakalasing din pala yun.... Pero kahit madaming masasarap na pulutan, nilagang itlog ang pinulutan ko...Opo mga giliw kong fans.. itlog... nilagang itlog... Muntik na namang mawalan ng trabaho yung gitarista ng maagawan ko sya ng eksena sa kanyang pangalawang set.. ha ha ha..

mga aral ko sa pagtakbo

Image
this is from my original facebook note dated Feb 5, 2011 http://www.facebook.com/profile.php?id=578617956#!/note.php?note_id=10150091260359464 Sa ilang taon ko na ring pagtakbo, madami na rin akong natutunan.. Heto ang (partial) list ng mga ito, in no particular order: 1. Wwag dapat nakabukas ang bibig habang tumatakbo----- mataas ang probability na may pumasok na langaw o lamok... 2. Hindi mo namaaamoy ang utot mo while running----- kaya okay lang kahit kumain ka ng iscambol at nilupak the day before the runnign event..good luck na lagn dun sa runner sa likod mo.. 3. Kapag kinawayan ka ng isang magandang babae....asahan mo hindi ikaw ang kinakawayan kundi yung hunk sa likod mo.. sayang! 4. Hidni dapat tumatakbo na may dala kang backpack---- wala pa kasi akong nakikktang kampanerang kuba na tumapos ng marathon.. 5. kahit bilisan ko ang takbo ko hindi pa rin ako mananalo..maraming mas mabilis sakin.. 6. Kahit bagalan ko ang pagtakbo.. hindi pa rin akoang last runne...

Buhay ng Bulaklak

Image
This is from my original note sa Facebook ko... http://www.facebook.com/profile.php?id=578617956#!/note.php?note_id=10150095887694464   dated Feb 14, 2011 Naisip ko lang na ang buhay ng ng flowers parang buhay din ng tao... Iba-iba din ang kapalaran... Pagkatapos nilang mamuhay sa kabundukan ng Benguet, pipitasin cla ng tao para sa balentayms. Pero ibat-iba ang posible nilang kahantungan.. Hmnn, eto ang ilang naisip ko dagdag lng kayo: 1) maibigay sa tunay na pagibig, 2) maibigay sa kaopisina, 3) maibigay sa kamagaral, 4) maibigay sa magulang, 5) maibigay sa guro, 6) maibigay sa taong 2mulong sayo, 7) maibigay sa may karamdaman, 8) maibigay sa nakasamaan ng loob, 9) maibigay sa boss, 10) mabili para maipadala sa sarili, 11) mabili para lang hndi tanggapin ng sana'y pagbibigyan, 12) maunahan ng ibang flowers kc may nagbigay na, 13) malanta kc walang bumili, 14) itapon na parang basura, 15) mabadtrip kc nasabihan na hndi mabango, 16) malungkot dahil hndi n...

the long and winding road

It has been a very tiring and challenging weekend for me.... di ko alam pero parang sinusubok ako.. masyadong  maraming mga bagay ang naglalaro sa isipan ko... wala lang maiba lang. Back to running na naman ako... I started practicing last saturday....I practically ran from our house to Sto.Domingo via roosevelt ave and quezon ave and back via sto. domingo ave and del monte ave... Nahirapan ako for the first couple of kilometers of my run... especially nung nakaramdam ako ng pain sa right knee ko... medyo nagreklamo sya of course malamang dahil sa kawalan ng ensayo... pero yung breathing patterm ko seems fine during the run and i dont experience any difficulty with breathing.  Mas problema ko pa nga yata ang luma kong running shoes na ginamit...kailangan na talaga ng pamalit... Nag water break nga lang pala ako sa Mini Stop dun sa Masambong.. tapos takbo ulit.. Mamaya ulit... tatakbo ako hanggang Quiapo.. pero sa labas lang ako ng simbahan.. hassle naman siguro kung ...

Mister Shawarma

Sumakay ako ng elevator kanina para makabili ng juice sa 7/11…kung bakit ba naman anim ang elevator ay dun pa napasakay ang isang Indian-looking na mama sa may 8 th floor….   Bwakanang malas! Ang lufet ng amoy.. Parang shawarmang tatlong araw na sa basurahan ang amoy!   Di ko alam baka may dala ngang shawarma eh…   Parang ang tagal ng biyahe pababa ng elevator mula 8 th floor pababa… yun na yata ang pinakamatagal na biyahe ko sa elevator sa buong buhay ko…   Parang nag flashback sakin yung buhay ko! Tingin ko, mapapahiya yung mga Koreanang nakakasabay ko sa amoy ni mokong!   Wheww! Dalawa lang kami sa elevator… tumitingin pa nga sakin ang kamote na para bang ako pa ang may amoy! The nerve!   Parang kumapit sa t-shirt ko yung amoy... parang gumagapang... feeling ko amoy shawarma pa din ako ngayon! waaahhh....    Dear Lord, magpapakabait na po ako… hu hu hu….

Ms. Marciano

Habang nasa WalterMart ako kahapon at tumitingin ng ilang mga babasahin aklat at magazines sa BookSale, nagkita kami ni Ms. Marciano.. isa sa mga teacher namin nung ako'y nasa mataas na paaralan pa.. still young Parang wala namang nabago kay mam, halos ganun pa rin sya tulad ng dati.. pati boses at mga hand gestures nya ganun pa rin.... beautiful pa din... what a memory Natuwa lang ako na meron syang sinabi sakin... hindi ko alam bakit nya nasabi yun pero natawa ako dahil alam na alam nya.. kung ano man yon di ko sasabihin... sakin na lang yun.. Ha ha ha... good boys? Sabi sakin ni man, na mas okay pa daw kami dati compared sa mga estudyante ngayon kasi nagaaral daw kami ng mga lessons namin dati ngayon daw puro facebook at cellphone and inaatupag ng mga bata.. kami nagaaral... ha ha ha... Ganun pa man, i thank god na nakausap ko ang isa sa mga guro namin dati.. sana mas madami pang kabataan ang ma-inspire sa inyo mga mahal naming mga guro... good health and long life ang palagiang...

What a busy day! (February 18, 2011/ Friday)

Napaka busy ko kahapon… Absent nga ako sa office para maasikaso ang maraming mga bagay…Umaga pa lang bangon na agad ako…   First stop: Health center May inquiry lang ako kay Dr. Grace dito... Nakita ko na toxic ang lahat pati ang mga nurse at mga barangay healthworkers.. Daming batang may sakit… dala siguro ng papalit-palit ng lagay ng panahon…   Second stop: Quezon City Hall After 20 minutes (approximately), nakarating kami sa Quezon City Hall .. tambay muna ako sa office ng isang city councilor… at presto may libreng kape! he he he….salamat kay Che for the much needed assistance.    Third Stop:   NBI Wala namang kaso kaya mabilis lang… madami pa ring tao.. di ko alam kung sinu-sino dun ang criminal na trying to get his NBI clearance… Wala akong abu sayaff na nakita...   Fourth stop:   City health office: Dito kami natagalan… medyo madaming kailangang kakusapin at pilahan…. Madaming tao… madami ding nakagat…. Ng aso…   Fifth stop:   Relay for Life: Heto ang gust...

retained surgical tools (not a medical malpractice) wtf?

Napanood ko sa abs-cbn kahapon yung kaso ng isang lalaki na namatay... pangkaraniwan lang ang balitang namatay sa TV patrol pero ang kakaiba sa kwentong ito natagpuan sa tiyan ng bangkay ang ilang piraso ng surgical tools..   Tama ang nabasa mo kapatid, tools, may "S"... kasi hindi lang isang gamit ang naiwan kundi madami... nangyari daw ang nakakabwisit na pangyayari ito sa isang ospital na pagaari ng FEU.... hindi ako masyado famililar sa mga surgical equipments pero parang "off" talaga ang nangyari dito.. Tatlong forceps yata ang naiwan sa tiyan ng kaawa-awang biktima kasama ang ilang sponge. natagpuan daw ito  ng embalsamador sa isang funeral parlor.   Sabi ng director ng nasabing pagamutan sinadya daw talagang iwan sa loob yung mga gamit na yun.. aba! mayaman! nagiiwan ng gamit... kaya hindi daw masasabign medical malpractice yun! wtf?   Parang kamote ang pahayag na iyon... ibig nyang sabihin kapag tatlong forceps lang ang naiwan hindi medical malpracti...

Congratulations Richard Del Rosario and Dr. Clai Manangan

Malufet na pagbati ang ipinaaabot ko sa dalawa sa mga pinakamahuhusay na potograper ng bansang pilipinas, walang iba kundi Mr. Richard del Rosario at Dr. Clai Managan..   Sun Buffers Ito ang title ng entry ni richard na nanalo sa RCBC photo contest 2011... Hindi ko alam kung paano  nya naisip na kunan ng litrato ang gilid na panels ng RCBC.... parang genius... pwede ding special child!  I therefore conclude na kapag humahaba ang biigote ay humuhusay din ang kakayanan sa larangan ng sining! nagpapahaba kasi si richard ng bigote malamang dahil sa pagkakapanalo nya dito hahaba na yun ng parang sa ermitanyo! sayang hindi daw sya naka-attend sa awardign ceremony..nagkasakit kasi...Di ko tuloy mapigilang tawagin syang Mr. Sun Buffer     Doc Clai Hindi ko matandaan kung ano yung exact title nun photo entry ni Clai, mahaba kasi.. parang "Malufet na RCBC 10 years and beyond" ha ha ha.. nice try...kinunan naman ni doc clai yung mga pintong tanga dun sa Lung Center ng RCBC..opo ...

What a different atmosphere...

Image
Napansin ko lang nitong mga nakaraang araw iba ang kilos ng mga tao sa opisina....tahimik at parang palagiang may dumadaang mga anghel...   Parang upbeat ang mga tao ngayon... parang naririnig ko nga yung kantang Supersonics (jayjayfad) eh dito sa production area....lahat animo's parang nagpapakitang gilas... tapos parang suddenly naging workaholic ang madlang pipol... puro tunog lang ng keyboards ng mga hindi touch typist tulad ko ang iyong maririnig na parang nagsasabing "hey wanna dance with the music"... wtf?   May kinalaman kaya ang pagdating ng malufet na CEO ng kumpanya mula sa Estados Unidos? di naman siguro...pero pwede din.  marahil...kasi papasok pa lang si bossing naririnig ko na yung malakas na tawa nya na parang nagsasabing HO HO HO NANDITO AKO!  pero in fairness mas maganda naman ang tawa nya kaysa sa tawa ni Dick Israel sa mga pelikula nya!   Makahingi nga ng libreng movie pass!!!      

Lion Katol

Image
Heto..kasabay din ito sa pagka-LSS ko dun sa seiko seiko wallet... ang walang kupas na Lion katol ...   Hindi ko na sya napapanood ngayon sa TV sa mga patalastas... dati kasi madalas ito ipalabas sa commercial ng mga championship boxing match (syempre every sunday Manila Time)... Siguro hindi na nila kayang makipagsabayan ng airtime sa mga patalastas ngayon... dati every round breaks hindi sila  nawawala kasama din yung commercial ng BEAM toothpaste...   Dati natatandaan ko nabasa ko sa diyaryo na may taong naaresto ng mga pulis dahil sa pagnanakaw napakaraming box ng Lion Katol... hindi ko na matandaan kung kalan yun... biruin mo makululong ka dahil sa katol.... ha ha ha.. parang tanga lang... kung sabagay may mga kakilala akong katol ang tinitira kaya minsan mukha na ring lamok tapos iba ang trip! ha ha ha!   Super Classic kasi talaga yung Caucasian na nagsasalita sa Lion katol commercial.. parang si Indiano Jones ang costume! tapos malufet din ang background music....at syem...

seiko seiko wallet (part 2)

Image
Medyo na LSS talaga ako sa seiko wallet na ito.... mga tatlong araw ko na itong kinakanta pagtapos marinig sa radyo... Nalaman ko na dalwang versions pala ang pinapatugtugtog nila sa ere.... yung bago at syempre yung classic version... Heto ang kanilang pinagkaiba... CLASSIC VERSION: Seiko, Seiko Wallet Ang wallet na maswerte Ang wallet na maswerte Balat nito ay genuine (bigkasin ng: jin-yoo-wayn) International pa ang mga design Ang wallet na maswerte Seiko, Seiko Wallet!!!!! NEW VERSION: Seiko, Seiko Wallet Ang wallet na maswerte Balat nito ay genuine (bigkasin ng: jen-yoo-in) World class pa ang mga design ("International" to "World Class") Ang wallet na maswerte Seiko, Seiko Wallet!!! Medyo upbeat yung bago pero may ibang dating talaga yung luma.... ayoss... next post ko.... DRAGON KATOL......

seiko seiko wallet

Naala ko na nung pauwi ako last month galing sa kasal ng pinsan kong si Kiko sa Angeles, Pampanga.. habang nakasakay kami sa kotse ni Tito Danny.... narinig ko yung jingle ng Seiko Wallet.... meron pa pala nun! Medyo may konting variation yung kanta pero ganun-na-ganun pa rin syempre.... parang napakanta nga ang kaluluwa ko sa kanta habang binabagtas namin ang madilim na NCLEX... di lang ako masyado sure kung yung genuine ay ganun pa rin ang pagkakabigkas.. jinuwayn.... Ang wallet na maswerte...Seiko Seiko Wallet....

post valentine in sta.mesa

Pupunta akong sta. mesa mamayang hapon.. dun sa malapit sa stop and shop..malapit din dun sa PUP.. tapos pupunta ako dun sa isang Hotel na di kalayuan dun.... Hmnnn.. ano na naman ang nasa isip mo? kasal kasi ng officemate kong si Rika.. dun ang simbahan sa Stop and shop tapos sa Town and Country Hotel and wedding reception... Ewan ko ba kung bakit kapag sinabing Hotel sa Sta. Mesa yun agad ang pumapasok sa kokote ko... at feeling ko sa kokote mo din... Ha ha ha.. Parang huling hirit sa Valentine! huuuuwwwiiiiii! Best Wishes Rica!

ternarawndtaym (TAT)

Nakita namin kanina Mark Roja yung latest result nung turn around time (TAT) report ng lahat ng groups dito sa company...nakapaskil dun sa maliit na bulletin board na malaki ng konti kay Mahal (artista). Topnotcher na naman pala ang Group 7 with an average score of 98++ perceent... ang Lufetttt!! Muntik na naman akong mapakanta ng Laklak! awooooo! Ang tanong! ano kapalit nito? hhmnnnn..... wag kayong magalala.. wala namang umaasa eh... parang for monitoring and display purposes (yata) lang yun!! Peace!

Lady Gagooohhh....

Parang tanga lang si Lady Gaga dun sa Grammy.... parang kulang sa buwan... maharot pa sa kumbatchero..

parang appendix

Image
N akakaasar ang mga walang pakinabang at mga walang silbi...parang appendix... existing pero questionable ang function...posible pang mag cause ng harm than good...sa mga tao may mga ganun din... nakakagulo lang... pahirap sa ibang nilalang...

Christopher George Younghusband???

Image
Patok na patok ang Philippine Futbol team ngayon! ang huhusay lalo na yung mga poging manlalaro... Buti na lang hindi ito ang surname ko.... parang hindi bagay.... ha ha ha... try ko na rin! Q : what is your complete name? KGD: My name is Christopher George P. Younghusband... Q: Di nga? KGD: Pwede Q: Ha ha ha! Feeling? KGD: Gago mo! Bwahahaha.. AWT: can/2112011

SUPER TITI

Image
Nakita ko nga pala kanina sa internet ang picture na ito... Panalo sa pangalan ang brand ng lecheng crackers na itetch.. Hindi lang Titi...kundi Super Titi! Indonesian made daw ito pero Fillipino inspired... mabentang mabenta ito for sure sa mga kaibigan nating bading... Sana isang araw makagawa ng isang patalastas dito sa atin tungkol sa crackers na ito.. Kung sakali, kapag available na ito dito sa Pinas, first time kong makakatikim ng Super Titi! ano kaya ang lasa ng titi? hmnnn... ha ha ha.. Kaya ano pa ang hinihintay mo... bili na! ang pinakamasarap na chichirya habang nasa loob ng sinehan.... "Ang Super Titi"

pagtatae to the max

Image
Na-confine ako ng dalawang araw sa st. lukes Medical Center.... malufet kasi yung pagtataeng dinanas ng inyong lingkod nung nakaraang sabado at linggo.. emergency room habang nasa emergency room ako, 5 times pa akong umebak (syempre sa CR) kaya napilitan na yung magandang doktor na i-admit na ako.. Rm 534 Dalawa kami sa kwarto ng isa pang pasyenteng na stroke.... okay sana si manong ang problema lang para syang baka humilik sa gabi tsaka kasama nya ang kanyang buong pamilya mula sa batangas..Mabuti na lang at magaganda at maiskaso ang mga nars.. he he he

RCBC photoshoot

Image
Isa lang ang masasabi ko dun sa nakaraang photoshoot namin sa RCBC helipad. It was FUN! Entities present were myself, mark roja, essy, nonong and richard.. Ang lulufet lalo na yung model namin na wiling magpost kahit ano.... great day guys!