Posts

Showing posts from January, 2012

GOOD MORNING

Kapag nag ring ang telepono mo tapos hindi naka register ang number ng caller parang ayaw mo sagutin kasi baka frank caller lang.. Pero once na malaman mong kakilala mo ang tumawag ay natutuwa ka sa desisyon mong sagutin.. Pero? dapat nga ba akong matuwa? siguro mas mainam na sabihin na dapat akong magtaka... Bakit nga ba? Ganun pa man, salamat sa pagtawag.. Umagang kay Ganda! Kape tayo...

ABOUT THE IMPEACHMENT

Ilang araw ko na ding pinapanood ang impeachment proceeding sa senado; pero alam nyo, mas gusto kong panoorin ang proseso at magbigay ng sarili kong opinyon kaysa ibigay ang opinyon na naibigay na ng mga komentarista sa telebisyon. Kasi sa mga paguusap kapag inulit mo lang ang analysis ng isang broadcaster ay lalabas ka lang na gaya-gaya. Mas cool kung manood at makinig ka ng mabuti at kapagdaka'y magbigay ka ng iyong matalinong pananaw. May sarili ka din namang pag-iisip eh.. Kapag inulit mo sinabi ng iba ay isang uri ng pagaaksaya ng laway.. Gets mo? Gandang umaga! Kape tayo...

IF I KNOW THE FUTURE, IKAW ANG UNANG MAKAKAALAM...

There is such a thing that always plays in my mind is that someday I will have the ability to know the future.  Dati ko pa yata ito gusto... Ganun din ang fetish ko to go back in the past.. As in back to the future adventure talaga. Siguro ang saya nun? siguro maligaya ako dun? Obviously, hindi naman talaga mangyayari yun, pero to make the fantasy more exciting ay gumawa ako ng list ng things to do kung makakapunta ako sa past 1.  Bata pa lang ako aayusin ko na ang ngipin ko. 2. Bibili ako ng growth balls. 3.  Mag-apply ako ng scholarship para maging duktor. 4. Kung hindi ako magiging doktor papasok na lang ako sa nursing school. 5. Magpapatayo ako ng sariling hospital. 6. Mag wowork out ako ng mabuti 7.  Sampung beses kong tatapusin paulit-ulit ang high school. 8.  Gusto kong maging doktor si George. 9. Gusto kong maging basketball player. 10. At madami pang iba.. to follow yung iba... Saya! Umagang kay Ganda! Kape tayo...

HIRAP MATULOG

Madaling araw na ako nakatulog pero wala naman akong ginagawa.  Natapos ko na yung DVD pero hindi pa rin ako inaantok. Bago ako humiga kagabi ay tumakbo muna ako ng kaunti para naman kahit papaano ay pagpawisan ako. Tumakbo ako mula sa bahay patungong Frisco (via West Riverside).  Dumaan pa nga ako sa tapat ng bahay ng dati kong classmate na si Bien pero wala naman siya doon kaya nagpatuloy na lang ako sa pagtakbo. Nagpahinga lang ako ng kaunti sa 7-11 sa Frisco for a water break; siguro mga 15 minutes lang ako dun tapos takbo na ulit pauwi sa bahay. Medyo napagod na rin ako pero ayaw pa rin talaga ako antukin. Ewan ko ba, may mga bagay na hindi maalis sa isipan ko. Hindi ko naman iniisip pero parang kusang pumapasok na lang sa pananaw ko. Bakit may mga bagay na dapat mangyari at bakit may mga bagay na hindi nangyari ang ilan sa mga katanungan kol; ano ang dapat gawin at ano ang mangyayari sa kinabukasan. Siguro, talagang may mga bagay na wala tayong control at tunay na wala na tayong

MABUHAY LATVIA

Yahooo! May mga reader na rin pala ang blog na ito sa Latvia...  Maraming salamat sa inyo diyan...  Sana po ay makasama nyo na rin ang mga pamilya nyo sa susunod na pasko... Mabuhay kayong lahat dyan mga bayaning Pilipino! Gandang Umaga!  Kape tayo...

AKALA NYA LANG

Madalas akala mo lang daw na ikaw ang palaging nasasaktan sa mga sitwasyon o mga pangyayari.  Pero naisip mo na ba na nakakasakit ka din. Noong magkasama kayo na inaakala nya na ngang parang tira-tirang oras na lang ay mas minabuti mo pang i-entertain ang isang caller sa cellphone mo.   Hindi mo nga ito sinagot pero wala na pre-occupied na ang isipan mo tungkol sa kanya kung kaya't  nagmamadali ka nang makauwi. Sabagay sino ba naman siya daw para magtampo kundi daw isang taong wala namang karapatan.   Kaya huwag mo naman daw palaging sinasabing kaw lang ang nasasaktan. Parehas lang kayo.. Parehas lang...

ONCE A SCOUT... ALWAYS A SCOUT...

Image
Picture courtesy of Mrs. Ruflo Nagkita-kita kami kagabi ng ilang tropa sa bahay nila Roy.  Nag text sakin si Roy na nandun sa bahay nila si Ruthlyn (lalaki sya) kasama ang kanyang asawa (Gean). May katagalan na rin ng huli kaming nagkita-kita lalo na si Ruthlyn.  Magkakasama kaming tatlo sa Senior Scout Unit ng SOSHS dati. Senior Scribe, Advancement Chairman at 3rd Year SPL.  Masaya ang kwentuhan kagabi at syempre hindi mawawala ang mga masasayang tuksuhan.  Humabol nga din pala sina Astro at Angel na lalong nagpasaya sa gabi.. It was nice seeing you fine gentlemen once again!

HE IS UPDATED

Galing kami kina Ellen at Edwin kagabi; ipinanganak na kasi ang kanilang ikatlong anak; babae na naman.. Congrats Edwin and Ellen.  Nakakatawa nga dahil kakarating lang yata nila sa bahay at hindi pa masyadong nakakapagpahinga.  Ang saya ng kwentuhan ng mga magkakaibigan dun..  Nandun sina Roy, Vincent, Astro, ako, Edwin and Ellen.   Pero mas natuwa ako kay Roy kasi pakiramdam ko ang dami niyang nalalaman tungkol sa akin; ewan ko lang kung pakiramdam ko lang yun pero parang tama ako..  Praning? ha ha ha... Ginabi na kami ng uwi dahil medyo nagkatuwaan pa. Very accomodating naman ang mag-asawa kaya dahil dun ay nagpapasalamat ako sa kanila.   Muli, congratulations sa inyong new baby Edwin and Ellen.   Till we meet again...

CHICKSILOG... PORKSILOG

Nagutom ako bigla kagabi kaya niyaya ko bigla ang pamangkin kong si Pim para maka late-night tsibog.. Dun kami sa isang kainan sa Frisco nagawi.. Naala ko bigla na may isang kainan dun na ang pangalan ay Tres Marias Eatery na nagluluto ng ibat-ibang mga pagkain.. Mura na masarap pa! wheeww! Busog! Gandang Hapon! Kape tayo...

BOY SCOUT ROY

Nakatanggap ako kahapon ng isang tawag mula sa isang number na hindi naka-save sa telepono ko.  Akala ko nga kung sino si pareng Roy Caballero pala.  Nandun daw sila sa bahay nila Vincent Abastillas. Balikbayan kasi si Roy mula sa bansang Saudi Arabia kung saan kasama nya dung naninirahan sa Riyadh ang kanyang misis.  Present dun sa kita-kita kagabi sina Astro, syempre si Vincent, Myla (na kakarating lang din galing Dubai) at si Angel dela Cruz na nakahabol din. Medyo late na nga din natapos pero ang mahalaga ay masaya ang pagkikita-kita ng magkakaibigan.. Welcome back Roy and Myla!
Image
VIVA NAZARENO! - Bayang nananampalataya at nananalig, Sa pagsubok ng buhay tayo ay titindig... Tayo'y magkakasama kapag Ika-siyam ng Enero, Huwag mangamba o matakot kasama natin ang Nazareno! Viva Senyor Nazareno! Viva Umagang kay Ganda! Kape tayo...

HIV THESIS

Sinamahan ko sa paligid ng barangay si Shiela; kaibigan ng pinsan kong si Chris. Isa siyang nurse at isa ding scholar ng Department of Science and Technology (DOST). Kailangan niya kasing mag conduct ng isang study (thesis) dito sa aming lugar tungkol sa behavior ng mga kabataan na (posibleng) maging biktima ng HIV na nagdudulot ng sakit na AIDS.  Baka next week, bumalik siya para masimulan na ang kanyang mga interviews.. Good luck sayo... Gandang Hapon! Kape tayo...

WHY NOT ALL

Tinanggal mo na rin lang yung ibang mga pictures... tanggalin mo na lang lahat!

MAGKAIBA

Image
Kape na magkasama... pero sa katotohanan ay magkahiwalay... MY ONLY VERSUS MY ORIGINAL I just wanted to reflect that saying that "You're my only" is totally a different thing like saying "you're my first" or saying "you're my original".  The first indicates truthfulness and the latter two indicates being a copycat and a fake indeed. PARANG LEFTOVER FOOD Here's another, spending quality time with somebody dear to you isn't the same "trying" to spend left time to an important person.. Napapa-English tuloy ako.  Iba pa yung kasama ka sa original na plano kaysa sa isinama ka na lang sa plano... DAKILANG BAYANI Masakit pala yung pinakiusapan kang gumawa ng isang punyal o espada na alam mong gagamitin sa pagpatay sa iyo... Akala ko sa pelikula lang iyon maaaring gawin sa totoong buhay din pala... tsk tsk tsk..

HARD TO SAY GOODBYE

Hindi na pala ako marunong makipag-usap ng matagal sa telepono; sumakit ang leeg ko.. Approximately 3-1/2 hours yata ang latest, akala ko nga sasabog ang telepono eh. It was really different this time compared to the last time. Everything was intense and the conversation was indeed heartfelt to both parties. One of the hardest thing to do is to say goodbye to someone that is very dear to you. And it was a real "goodbye" not because it will be the last time that you will see each other but it is the fact that it will be a certain different ballgame when you will see each other again and things will never be just the same.. Ang bigat sa damdamin kapag ganun...  Kapag ang mga tao pala ay nagkakasakitan sa isat-isa, imbis magkaayos ang mga bagay-bagay at baka malayo pa ang damdamin sa isat-isa.. Nakakatuwa lang na ang huling bagay na narinig ko sa kanya ng huli sa telepono ay ang pinakamahalagang mga salita na maari kong marinig sa kanya.. at ayun na yun! para sakin moments na yu

IDAAN SA TULA

Image
IDAAN SA TULA - Sa pagtatapos ng taon na ito, Tanging kasayahan at tuwa ang nais ko para sa inyo... Nawa'y maging masagana ang papasok na taon, Samantalahin ang panahon at pagkakataon... Sa inyo mga mahal kong kapamilya, kaibigan at mahal  sa buhay, Dalangin ko'y hindi kayo manamlay... Sapagkat inyong kaligayahan ang aking hiling, Ito ang tunay kong dasal at panalangin... Patawad kung kayo man ay aking nasaktan, Sapagkat ako ay tao at hindi lahat ay nalalaman... Kung kaya't hiling ko sa inyo'y kapatawaran, Sa aking mga mga nagawang pagkukulang... Sa taong dalawang libo labingdalawa, Sana sa puso at isipan tayo pa rin ay magkasama... Sa pagsubok ng buhay tayo ay magkakampi, Magbago man ang taon ito'y palaging mangyayari... Manigong Bagong Taon! Kape tayo... Kgd. Christopher " Topey Angad " and Family