George at the Fire Station

When I grow up, I want to be a fireman!
 
Isa yan sa mga pangarap ko nung bata pa ako ang maging isang bumbero... iba pa syempre yung mga pangarap ko dating maging isang duktor, pilot, professional basketball player, inhinyero, astronaut, sundalo at pulis. Tunay na kapag bata ka lahat gusto mo.
 
The Tour
Kahapon pagdating ko galing sa opisina, ipinasyal ko si George sa isang fire station sa Quezon City. Alam ko kasi na amazed si George sa fire truck lalo na kapag naririnig nya na ang tunog ng sirena at ang mga makukkulay na wangwang... baligtad yata..
 
Fireman Rey
Sa pagpasyal namin sa loob ng fire station, nakilala namin si Fire Officer Rey. Napaka-accomodating niya sa amin at masaya siyang nakipag kuwnetuhan sa amin ni George.
 
The Experience
Syempre, hindi pwedeng makumpleto ang tour sa fire station kung hindi sasakay sa fire truck habang suot ni George ang sumbrero (kahit malaki) ng mabait na bumbero.  Hindi ko na ipinasuot kay George yung fireman's coat kasi masyadong pang maliit si George.  Hinawakan pa nga ni George ang hose ng truck tapos binuksan ng bumbero ang ilaw at isang pasada din ng wangwang.
 
What a way for us to end the Fire Prevention Month.  It was just a coincidence that we were in that fire station yesterday. I understand that the danger fire is certainly a constant threat to all of us here in Metro Manila but the most basic knowledge of firefighting and its prevention is of great importance to be able to save lives during an emergency.
 
Sayang lang talaga wala akong dalang camera, pero babalik pa kami dun.  Kaya sa mga bumberong tulad ni Mang Rey, saludo kami ni George sa inyo! 
 
I know that my son had a great time yesterday because I can see it in his eyes that he is going to be a great fireman someday or a doctor, or a basketball player, a politician  or simply just be a good guy just like his dad... ha ha ha...
 
Umagang kay Ganda! Kape tayo...
 
 
 
 

Comments

Popular posts from this blog

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Titi ni Pacquiao

Kisses Nanganganak...