About the RH Bill

Mainit ang debate sa mga panahong ito regarding the Reproductive Health Bill, House Bill 96 filed by Rep Edcel Lagman of Albay (Reproductive Health Act and Population Development Act of 2010. 

My Opinion
The debate and discussion regarding the RH Bill has so many wings and factors that needs to be considered.  Para sa akin, hindi dapat madaliin ang pagpasa ng bill na ito sa kongreso.  Kailangan pa ng higit na masusing pag-aaral upang maging maayos ang kahahantungan ng bill na ito...Sangayon at hindi ako sangahon sa ibat-ibang laman ng RH bill.. Heto ang ilan. 

Maternal and Child Care - sangayon ako dito

Isa ito sa mga provision ng bill na sangayon ako, ang pagtanggap ng mga ina at ng kanilang sanggol ng tama at wastong pangangalaga sa kanilang kalusugan. 

Distribution of birth control pills/condoms - hindi ako sangayon

I am against this part of the RH bill just because it's like the government is about to promote these devices/pills just like a common commodity.  Baka naman ma-encourage lang ang mga kabataan to go into pre-marital sex dahil alam nila may free access (from the government) to have these (free) birth control devices.

Prevention and Management of STDs - sangayon ako.

Obviously, cases of HIV/AIDS and other forms of disease are consistently climbing up in our country and these needs to be addressed properly. 

RH Education for the Youth - hindi sangayon.

Kasi naman, meron dapat particular na age group ang target ng information desimination.  Hindi yung pati sa mga pinakabatang elementary students (as early as grade 1) merong RH education.  Tama na muna sigurong malaman nilang lalaki o babae sila sa edad nilang ganun.

Opinyon ulit:  The Poor should not be blamed

May mga tao kasi na parang sinisisi nila ang mga mahihirap sa kahirapan ng ating bansa.  Aminin man nila o hindi iba ang pagtingin nila sa mga nakadadaming tao na naghihikahos.  Isa sa mga sinasabi nilang dahilan ay ang patuloy na paglaki ng ating populasyon. 

Dapat may gawin ang gobyerno upang hindi lumaki ang populasyon sa pamamaraang hindi mababastos ang pananaw, paniniwala, pananampalataya at karapatan ng mga mamamayan ng estado.  Ang pamamaraan makabago ay okay subalit kapag labag ang mga ito sa utos ng Diyos ay dapat tapakan muna ang preno. 

Hindi ako lubusang sang-ayon pero hindi din lubusang hindi sumasangayon.. Masyadong mabilis ang pagsulong nito sa kongreso. Nararapat lamang na bigyan pa ng mas mahabang paguusap at konsultasyon bago aprubahan at isakatuparan ang nilalaman ng RH Bill. 

Mamaya ay makikisali ako sa isang rally laban sa bill na ito... Hindi upang tuluyang ibasura ito kundi ang pag-aayos at pag-revise sa mga dapat at hindi dapat na nilalaman ng RH Bill...

Halika... Kape tayo...

Comments

Popular posts from this blog

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Titi ni Pacquiao

Kisses Nanganganak...