Posts

Showing posts from March, 2011

George at the Fire Station

Image
When I grow up, I want to be a fireman!   Isa yan sa mga pangarap ko nung bata pa ako ang maging isang bumbero... iba pa syempre yung mga pangarap ko dating maging isang duktor, pilot, professional basketball player, inhinyero, astronaut, sundalo at pulis. Tunay na kapag bata ka lahat gusto mo.   The Tour Kahapon pagdating ko galing sa opisina, ipinasyal ko si George sa isang fire station sa Quezon City. Alam ko kasi na amazed si George sa fire truck lalo na kapag naririnig nya na ang tunog ng sirena at ang mga makukkulay na wangwang... baligtad yata..   Fireman Rey Sa pagpasyal namin sa loob ng fire station, nakilala namin si Fire Officer Rey. Napaka-accomodating niya sa amin at masaya siyang nakipag kuwnetuhan sa amin ni George.   The Experience Syempre, hindi pwedeng makumpleto ang tour sa fire station kung hindi sasakay sa fire truck habang suot ni George ang sumbrero (kahit malaki) ng mabait na bumbero.  Hindi ko na ipinasuot kay George yung fireman's coat kasi ma...

Parang Kumain Sa Jollibee

Nakakatawa yung mga kumain dun sa pantry kanina, daig pa ang isang customer sa Jollibee or sa Mc Donalds... Hindi man lang hinagod yung mga nahulog na mga kaninin at mga tirang ulam... tsk tsk tsk.. Ke-agandang babae ke-bababoy naman...   Wag mo nyo na uulitin yun huh! sayang ang ganda mo.. sige ka.. bata ka pa.. baka kalakihan mo yang ugali mo at maipasa mo pa sa magiging anak natin.. ayyyy.... este anak mo pala...lol   May janitor tayo pero anak ka ng tipaklong kahit sa bahay ninyo ikaw kumain dapat mong linisin ang mesa para hindi langgamin at hindi naman nakakahiya sa susunod na gagamit....   Eto masasabi ko sa inyo mga binibini.. KAMOTE!        

George's pictures 2010

Image
with kuya simone with kuya simone pa rin george seksi with mildred gwapo talaga with kuya simone with kuya Pim, kuya simone and ishi with daddy topey Here are some of George's pictures last year (2011)....

With A Smile

Minsan, may mga araw na nakakatamad, yung bang parang walang sigla ang iyong katawan at tinatamad din ang iyong isipan.   Pero dapat piliting bumangon, gumalaw at mag-isip ng mga bagay  na nagpapaligaya sayo.. Haay... alam ko na alam mo din na ikaw ang nagpapasaya sa puso ko.. kaya heto ako ngayon, muling umaariba at gumagana sapagkat tunay namang kaysaya lalo na at naiisip ko ang iyong matamis na ngiti ngayong umaga...   Kaya heto ang awiting ito, na palagay ko ay babagay sayo, smile naman dyan...   Umagang kay Ganda! Kape tayo..    

RIP to the Three Pinoys Executed in China

Image
Despite doing all the necessary measures, Vice President Jejomar Binay announced that the three Filipino drug convicts have been executed in the Peoples Republic of China. They were Sally Ordinario, Ramon Credo and Elizabeth Batain, all arrested in China because of carrying prohibited substances.   We are divided.. in one way or another   This is certainly a sad day not only to the families the executed but to the our country as well. Sure that the we Filipinos are somewhat divided with regards to the issue of summary execution but this won't take the fact that 3 of our countrymen's lives has been extinguished.    No anger   China may have denied our country's plea, but this should not lead us to explode in anger against the Chinese government.  It is their law not ours... Then, what we should do is also to enforce our own laws as strictly as possible in all the levels of the society.    The Lesson   May the demise of Sally, Ramon and Elizabeth serve as a muc...

Hyundai Accent Run 2011

Image
Sa mga panahong ang mamahal na ng billihin, presyo ng gasolina, sweldong hindi itinataas, at problema ng bansa, it's nice to think that sometimes the best things in life are LIBRE!   The Hyundai Accent Run 2011 .   I will be joining this run this Saturday April 2, 2011.  Gaganapin ito sa Quirino Grandstand sa Manila.  Sa Global City dapat ang original venue for this running event pero dahil (siguro) sa dami ng sumali at nagpagregister naisip-isip ng organizer na dun na lang gawin ang takbuhan along the stretch of Roxas Boulevard.    Pwede naman palang Libre   Talagang ang mamahal na ng bayard sa registrations sa mga running events dahil aminin man nila o hindi ginagawa na nila itong malaking negosyo... Okay lang namang magbayad natural lang naman yun pero sana reasonable naman para naman umakma sa bulsa ng masang pilipino.   Replacement Runner for 10K this time   I will settle for a 10-K run at this time... Ibang name ang gagamitin ko sa singlet; replacement runner l...

Execution of 3 Filipinos in China Today

Image
The execution of the three convicted Filipino illegal drug couriers is set today, March 30, 2010 Wednesday and the entire Philippine archipelago is at prayer hoping that Beijing will have a last-minute change in their decision that may halt the execution of the three Pinoys.   The news yesteday stated that Vice President Binay wrote a letter to the Chine government to postpone the above-mentioned excecution; hope that that letter works its miracles.   Bilang isang pilipino, kasama ako ng nakararami dito sa ating bansa na nananalanging ngayong umaga na sana'y huwag matuloy ang parusang kamatayan na nabanggit.  Hindi ko na muna iniisip kung guilty or inosente ang mga nahatulan ang mahalaga maisalba ang buhay nila upang hindi naman maulila ang kanilang mga minamahal.     Hindi ko maisip kung gaano kasakit para sa kanilang pamilya na maaring ang araw na ito ang huling araw na ng buhay ng kanilang minamahal lalo na kung sa opinyon nila ay biktima din ang mga ito ng higit na mas malaking...

Pinoy Urban Legends

Kanina sa break namin, sa di inaasahang usapan ay naalala lang namin kanina ni Mark ang ilan sa mga  urban legends na gumoyo sa madami sa atin... kasama ako... ha ha ha.. heto ang ilan at tingnan mo kung natatandaan mo pa ang mga ito....   Half-man half-snake monster sa Robinsons Galleria   Wala na akong maisip na mas popular na urban legend dito sa bansa natin kundi yung di-umano'y half-man half-snake na anak ng may ari ng Robinsons Galleria, ang mga Gokongwei.  Meron daw kasing kakambal na ahas ang isa sa kanilang anak na pinapakain ng  magagandang babae na nagsusukat sa mga fitting room sa Robinsons.  Pati nga ang magandang si Alice Dixon, kasama dun sa sequel ng kwentong ito.. Nagustuhan daw ng taong ahas si Alice kaya hindi na kinaain (ahas pero may twist ng love story).  Basta mga magagandang babae daw at mga bata daw ang trip ng taong ahas kasi sariwa daw ang laman at dugo nito. Kaya daw minsan may mga reported na missing sales ladies sa Galleria dahil dito (malamang su...

Congratulations Class 2011

Image
It has been a journey... a journey that was fruitful, tough, hard, and at times tearful.  But at the end of the day after all of these and when graduation day comes to a close, there is no better gift than you can give your parent other  than your college diploma coz men! You are now a professional.   1998   After I graduated from a public school in 1993 (in Sergio Osmena), I enrolled in Fatima.  Parang kailan lang nung nag graduate ako ng college... I graduated with the degree of Bachelor of Science in Physical Therapy from the College of Physical Therapy of Fatima University then known as Fatima Medical Science Foundation Inc (FMSFI). It was indeed a hard-earned 5-year course that tested my discipline and perseverance as a student.    P.T.R.P. License #0009518   Pero hindi ka pa rin fully accomplished student hanggang hindi mo pa naipapasa ang board exam mo.. Kasi dun ka mabibigyan ng karapatang legal na i-practice mo  ang profession mo. I was able to pass the licensure exa...

She is Talking Alone

Image
Isa na siguro sa mga pinakamahirap at nakakatakot gawin sa buhay ng tao ay ang magsalita ng mag-isa.. opo.. mag-isa yung walang kausap. Yung parang ewan lang... Something like your talking with somebody when that somebody doesnt exist.  Wheww..   Ang senaryo   Tahimik ang pagpasok ko sa isang departamento kanina sa opisina, walang ingay kang maririnig kundi ang tunog ng mga keyboards ng bigla-biglang nagsalita ang isang binbini..Hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi pero bilang isang maginoo tinanong ko siya kung ako ang kausap niya... Siya'y napangiti at magalang na sinabi sa aking hindi ako.... pero ang ang tanong ko naman ay "SINO?"  Anak ng tipaklong kami lang ang magkatabi dun...   Bakit?   Ang tanong.. bakit siya nagsasalita mag-isa? Ito ang ilan sa aking mga spekulasyon (in no particular order)   1.  Iniwan siya ng kanyang boyfriend. 2.  Wala siyang boyfriend. 3.  Feeling nya boyfriend pero hindi pala siya girflriend... 4.  Hindi pa nagkakaproypre...

The Yesteryears

Just the thought that we might meet creates anticipation...

Senator Lacson is Back

Image
Senator Panfilo Lacson After  one year of elluding the hands of law enforecement, Senator Panfilo Lacson is back from hybernation. Bilib ako sa disiplina nya dahil tunay namang napakahirap iwasan ang kamay ng batas lalo ng isang popular at kilalang personalidad na tulad niya. Struggle I was able to watch on TV his press conference at the senate. I think that his struggles during his hiding outside the country deserves some admiration in one way or another because I couldn't imagine how difficuelt it was.. Siguro yung training niya as a millitary officer helped him a lot during those trying times of his life.  Not Like Gringo: Sena t or Lacson unlike Senator Honassan was able to ellude the law for the past year.  Si Honassan kasi nahuling tumatakas eh.. The truth Since the justice department has ruled out that the evidence presented against  Sen. Lacson is not sufficient, I think its time for the government...

It is somewhat Ideal

Sinabi nya sa isang kaibigan na kung sana'y sila ang nagkatuluyan, ay hindi na dapat daw siya aalis sapagkat may maghahanap buhay na para sa kanila.. Totoo daw di umano ang mga salitan iyon sapagkat ang pagkawalay sa minamahal ay hindi kayang pantayan ng ano mang yaman sa mundo... Sa tuwinang siya daw ay nalulungkot Isipin nya lang na dapat ay huwag matakot.  Sapagkat nung panahon daw na sila ay naghiwalay Ang akala niya ay yun na ang wakas ng kanyang buhay...

Another Busy Day

Image
With Councilor Anthony Crisologo & PB Ernesto Berroya With the Officers of Talipapa Vendors Association Oathtaking ceremony of newly elected officers of the Talipapa Vendors Association @1400HRS at the Senior Citizen's Hall. Election of officers for the San Antoniod De Padua Multipurpose Cooperative @1500HRS at the Comboni Missionary. Attend seminar against the RH Bill at the San Antonio de Padua Parish @1900 HRS Christian Life Program (talk 5) at the San Antonio de Padua Parish @ 2000HRS. at madami pang iba.. haayy.. bring it on..

It could have been longer

I could have turned off all our lights and appliances inside our longer than an hour in support of earth hour 2011.  Unfortunately, nagyaya nang matulog si baby george kaya obviously dapat magbukas ng electric fan kaya next year na lang ulit.... he he he... Anyway, with this worldlwide gesture of turning off all electrically powered appliances and lights, the entire could have possiblly saved lots of electrical energy in a matter of an hour.  But I think what is more important is the information and the much needed awareness regarding earth conservation to the billions of people around the world.  Sana lahat ng tao ay magkaroon ng malasakit hindi lang sa inang kalikasan at sa buhay hindi lamang tuwing pagdiriwang ng earth hour kundi sa buong taon para sa ikakaayos ng ating mundo para sa atin at para sa mga susunod pang henerasyon.... Magandang Gabi.. Kape tayo...

Pwede Basta Pwede

May mga bagay na sa tingin mo hindi pwede.... Kasi iniisip mo kasi na hindi pwede... Kaya kahit pwede naman... Yun hindi na nagiging pwede.. 

Earth Hour 2011

Image
Earth Hour Fun Run University of the Philippines (March 2010) Bilis ng panahon.. parang kailan lang nung nag-participate kami sa Earth Hour Run last year sa University of the Phililppines! tapos bukas Earth Hour 2011 na ulit.. Dapat talaga seryosohin ang problema ng mundo, mula sa patuloy na pagkasira ng ating kalikasan.  Global warming, extinction ng mga hayop, climate  change, natural disasters, etc.  In support to this endeavor, on March 26, 2011, from 8:30 PM to 9:30 PM (or longer if possible), everybody is requested to turn off all appliances, lights, and other electrically operated machines whenever possible in order to conserve electrical energy and also to generate wordwide awareness with regard to protecting our mother earth.  Kaya bukas, wala na munang FB or ano pa mang internet.. let us be a part of the solution and the solution relies in our hands..... Protect Mother Earth..Kape tayo... http://www.earthhour.org/About.aspx

Dreaming Of My First Marathon

Image
 To the Finish Line of My First 21K   Matagal-tagal na din akong tumatakbo siguro mga isang dekada na din pero on and off ang pagtakbo ko wala kasing panahon sa pag practice or tinatamad lang mag practice. My ultimate goal is for me to run my first full marathon (42 km).. Nakatakbo na ako ng half-marathon (21Km) last year during the Natures Valey Run pero iba pa din siguro talaga kapag nakatakbo ka na ng 42K para masabi ko naman hindi sa iba kundi sa sarili ko na I am a certified marathoner. Malayo pa yata... Minsan kasi nawawala yung sipag ko sa pag ensayo...Hmnnn siguro mas maganda mag set ako.. sige.. isisigaw ko!   I WILL RUN FOR MY FIRST MARATHON IN 2012! Ayan may long-term goal na ako... Malay natin baka maging 2010.. Hindi masama di ba?  Pero sabi nga, dapat meron kang short term goal para ma-achieve mo yung LTG mo.. Hmmnn.. How about running consistently? I think that is good.... sige... I do promise tha...

You Are My Sunshine!

  Sa pagmulat ngayon ng aking mga mata, Sana'y mukha mo ang aking makita... Inspirasyong aking nais, Dala ng ngiti mong ubod ng tamis....   Umagang kay Ganda! Kape tayo...

About the RH Bill

Image
Mainit ang debate sa mga panahong ito regarding the Reproductive Health Bill, House Bill 96 filed by Rep Edcel Lagman of Albay (Reproductive Health Act and Population Development Act of 2010.  My Opinion The debate and discussion regarding the RH Bill has so many wings and factors that needs to be considered.  Para sa akin, hindi dapat madaliin ang pagpasa ng bill na ito sa kongreso.  Kailangan pa ng higit na masusing pag-aaral upang maging maayos ang kahahantungan ng bill na ito...Sangayon at hindi ako sangahon sa ibat-ibang laman ng RH bill.. Heto ang ilan.  Maternal and Child Care - sangayon ako dito Isa ito sa mga provision ng bill na sangayon ako, ang pagtanggap ng mga ina at ng kanilang sanggol ng tama at wastong pangangalaga sa kanilang kalusugan.  Distribution of birth control pills/condoms - hindi ako sangayon I am against this part of the RH bill just because it's like the government is about to promote these devices/pills just like a common commo...

Nasaan si Ligot???

Image
Anak ng tipaklong! nasan na si Retired Lieutenant-General Jacinto Ligot? May order of arrest sa kanya ang Philipine Senate dahil sa kanilang pagwawalang bahala nilang dalawa ng abnormal niyang asawa... Air-conditioned na kuwarto...wtf? Naghihintay sa kanya ang isang kuwarto sa senado.. Okay na sana ang malinis at maayos na kuwarto.. pero airconditioned? wtf? babayaran pa ng mga tax payers ang ikukunsumo ng kamoteng yun sa kuryente.. Kapag ganyan dapat ipa-aircon na din ang mga city jails at ang loob ng Bilibid sa Muntinlupa.. tsk tsk tsk

WORLD TB DAY COMMEMORATION (March 24, 2011)

Image
AFP MEDICAL CENTER V. Luna Road, Quezon City Philippines WORLD TB DAY COMMEMORATION March 24, 2011 THEME: “Isulong ang laban sa TB.. Malusog na Kabataan, Pagasa ng Bayan… The bacillus causing tuberculosis, Mycobacterium tuberculosis (TB), was identified and described byDr. Robert Koch in March 24, 1882. Hence it is also called Koch’s Disease. The day of Koch’s discovery is now observed as World Tuberculosis Day. TB is contagious and is considered an airborne disease. That means that people get the TB bacillus when they inhale minute particles of infected sputum from the air. When people who have the active pulmonary disease sneeze, cough, speak or spit, they propel TB bacilli into the air. A person needs only to inhale a small number of these to be infected. Our country is among the 22 high burden countries for tuberculosis. TB is the 6th leading cause of illness and the 6th leading cause of deaths among Filipinos. Most TB patients belong to the economically product...

When I Met You

Image
  Na LSS ako kanina ng kantang ito.... Medyo mahirap tanggalin sa sistema.. Kantahin ko na nga lang There I was an empty piece of a shell Just minding my own world Without even knowing What love and life were all about Then you came... You brought me out of the shell You gave the world to me And before I knew There I was so in love with you You gave me a reason for my being And I love what I'm feeling You gave me a meaning to my life Yes, I've gone beyond existing And it all began when I met you I love the touch of your hair And when I look in your eyes I just know, I know I'm on to something good And I'm sure my love for you will endure Your love will light up my world And take all my cares away With the aching part of me You gave me a reason for my being And I love what I'm feeling You gave me a meaning to my life Yes, I've gone beyond existing And it all began when I met you You taught me how to love You showed me how tomorro...

World Time

Kapag 1:35 sa Manila 10:35 sa Los Angeles (Pacific Standard Time), 12:35 naman sa Chicago (Central Standard Time), 1:35 sa New York (Eastern Standard Time) at 11:35 sa Denver (Mountain Standard Time).   Wala lang... talagang time is gold... ikli lang ng ating buhay... kaya gawin ang dapat gawin.    

Ang Syokoy (The Merman)

Image
Ang aswang daw kahit anong pagpapaganda at pagbabalatkayo kapag nag-exfoliate ang lumang balat at nag-surface na ang bago ay ganun pa din...walang pagbabago... aswang pa din.   kaliskis pa din ang resulta.   Masasayang lang ang ipinambili ng Eskinol sa  botika. Hindi po ito nalalayo sa pagkagaspang ng mabaho at kaliskis ng isang lumalangoy na syokoy....

Execution of 3 Pinoys in China

Image
Isa itong masamang balita para sa buong kapuluan.. Tatlo sa ating mga kababayan ang sasailalim sa capital punishement sa Peoples Republic of China sa March 30, 2011.   Heroin Smuggling:   Ang mga kababayan nating ito ay sina:  Ramon Credo (42), Elizabeth Batain (38) at si Sally Villanueva (32).. Sila ay convicted dahil sa kasalanang pag-smuggle ng ipinagbabawal na heroin sa China.   Lethal Injection   Sa pamamaraan daw ng lethal injection ang parusa sa tatlong pinoy, katulad din ng ginawa dito sa atin nung panahon ni Leo Echegaray.   Last Effort   Sa aking pagkakaalam, ginawa na ng ating pamahalaan ang lahat ng diplomatiko at legal na pakiusap upang maisalba ang buhay ng ating tatlong kababayan.  Sana ay may magawa pa para kahit habang-buhay na pagkabilanggo na lang ang gawing kaparusaahan sa kanila.   Final Verdict : Sabi ng embassy ng PRC, final na daw ang hatol... tsk tsk tsk... Dahil katolikong bansa tayo, kahit alam nating guilty ang mga akusado, hindi pa din natin nais ang malung...

Presyo ng Bigas atbp.

Magtataas na naman ang presyo ng mga pangunahing bilihin..Unang-una dito ang bigas... Plus 2 pesos yata pera kilo ang idadagdag.  Ito daw ay dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo din ng mga produktong petrolyo kaya tumataas din ang halaga ng pag biyahe ng bigas.    Maikli ang kumot...matutong mamaluktot...   Kahit sobrang ikli talaga ay patuloy tayong mamaluktot... Lahat ng presyo nagtataasan na pero ang sweldo ng mga trabahador na pinoy nananatili pa rin..Pamasahe, krudo, damit at masakit sa lahat pagkain..   Hindi tayo sigurado kung hanggang kailang magpapatuloy ang ganitong sitwasyon lalo na sa mga di kagandahang sitwasyon sa mga bansa sa gitnang silangan...   Mas masuwerte... ng kaunti... At the lighter side, mas suwerte pa din tayo (ng kaunti) kaysa sa mga bansang tinamaan ng matitinding kalamidad kung saan libu-libo ang pinangangambahang namatay...   Good Luck Ano pa ba ang magagawa natin kundi ang maghanapbuhay maigi at magdasal sa Diyos.. Sabagay magandang maniwala na bilog ang...

taong bastos

Lumalapit sila animo'y humihingi ng tulong, Minsan ay mabait ang mga boses ay pabulong... Ngunit sa hilatiya ng kanilang itsura, Daig pa ang donya senyor kung mangalipusta... Kaya sa susunod kung ika'y lalapit, Lalo na kung ang bulsa mo ay gipit... Kaibigan huwag mong kalimutan, Kagandahang asal iukol mo sa sinuman...

walang meme

Hindi ako makatulog kagabi... sinubukan ko pero hindi ko magawa... haaayyy.... bakit ganun? ano ang dapat kong gawin maliban sa pagbibilang ng tupa na tumatalon o ang pag inom ng maninit na gatas....

Knock Knock

Knock Knock.. Who's there? Atenista... Atenista who?   "Atenista" the word looks blue and green And the snow capped mountains white"   Knock Knock.. Who's there? La Salista.. La Salista who?   "La Salista" the word looks blue and green And the snow capped mountains white"     Bwahahahaha! smile naman dyan!

Mahirap sa University

Sa UST...mahirap daw ang Medicine... Sa Ateneo de Manila... mahirap daw ang Managment.. Sa University of the Philippines.... mahirap daw ang Law... Sa Mapua Institute of Technology....mahirap ang Engineering... Sa La Salle..... mahirap ang Parking....  

Makating Kamay (Itchy hands)

2 percent ---probability na magkakapera ka kapag makati ang kamay mo... 98 percent--- probability na merong germs sa kamay mo kapag nangangati ito...   Maghugas ka ng kamay.. Dugyot!

Langaw Air Force

Image
Nuong Linggo, papunta ako sa panaderya mga dalawang bloke lang ang layo sa bahay namin... Pagkatapos akong makabilli ng pandesal dun sa mamang pawisan sa bakery nakita ko yung mga nakahelerang mga Bangaw sa kalsada.. Ang gagaling hindi gumagalaw.. Parang mga pasas na lumulutang..   Bata pa ako nung una ko silang napansin sa ganitong kakaibang formation.. Parang nagbabantay sa "no fly zone" sa Libya ang mga bangaw na ito. Hanggang ngayon palaisipan pa din sa akin bakit sila nakapila kapag umaga. Meron din ba silang required na flag raising? Hindi naman siguro sila enrolled sa ROTC? Nagpapaaraw nga lang ba sila? for vitamin D? parang sanggol? Hmnn. bakit? Bakit? Pero ngayon tatawagin ko na silang Langaw Air Force!

The Exodus 2011 A.D.

Image
Nagsispagalisan na talaga ang mga empleyado dun sa kumpanya sa "Paranaque"... Hindi na talaga masaya ang mga tao sa pamamalakad at sa ga-butil na pasuweldo ng Meksikanong iyon!   Wala talaga.. mayroong zipper sa balat ang walanghiya! Kaya ang daw ang ginagawa ng karamihan ang ibinibigay na trabaho lang ay yung akma sa lang sa suweldong kanilang ibinibigay.... Eh dapat naman talaga ganun e.   Tinataas daw ang paramerters ng pag-gawa at dapat mas mabillis ang produksyon ng trabaho pero ang sweldo ganun pa din.. Anong klase yun? Kamoteng Meksikanong-Amerikano!   Pero merong iilang mga tao ang hindi nagrereklamo.. Malamang nakikinabang ang mga lekat na iyon! Hmnn... batu-bato sa langit ang tamaan huwag magagalit...!!!   Pero ang tanong.. bakit nga ba umaalis... Isa lang ang sagot... ang kunat daw ng management... sila lang ang umaasenso ang mga pangkaraniwang empleyado hikahos sa buhay!   Buti at kinakaya ng sikmura at isipan nila iyon, na sila at solve-solve sa ...

Fire Exit Signs

Image
Meron nang fire exit signs dun sa opisina nila sa Caloocan, Kung pagmamasadan mo ay para kang nasa sinehan... Bakit ngayon lang nila ito naisip? Sa Fire department ba sila ay sumisipsip?    

Philippine Geography

Palagay dapat mag review ng Geography ang mga Pinoy para maiwasan ang kalituhan lalo na sa mga kalamidad...   Halimbawa:  Kapag sinabing mayroong pag-lindol sa seabed sa Karagatang Pasipiko (Pacific Ocean) ang magkakaroon lang ng tsunami warning ay yung nasa coastal areas ng silangang (Eastern) bahagi ng bansa... Bicol area, Samar, Eastern Leyte, Pollilio Island... a kung nakatira ka dun sa kanlurang bahagi ng bansa hindi ka maaapektuhan malibang lang kung ang paglindol ay magaganap naman sa seabed ng South China Sea.. Palawan, Mindoro, Cavite,  Pangasinan, La Union..

Philippine Geography

Palagay dapat mag review ng Geography ang mga Pinoy para maiwasan ang kalituhan lalo na sa mga kalamidad...   Halimbawa:  Kapag sinabing mayroong pag-lindol sa seabed sa Karagatang Pasipiko (Pacific Ocean) ang magkakaroon lang ng tsunami warning ay yung nasa coastal areas ng silangang (Eastern) bahagi ng bansa... Bicol area, Samar, Eastern Leyte, Pollilio Island...   Kaya kung nakatira ka dun sa kanlurang bahagi ng bansa hindi ka maaapektuhan malibang lang kung ang paglindol ay magaganap naman sa seabed ng South China Sea.. Palawan, Mindoro, Cavite,  Pangasinan, La Union..    

Earthquake in Philippines March 21, 2011

Lumindol kagabi dito sa Pinas.. Heto ang ilan sa mga detalye USGS: Magnitude 5.4 earthquake hits Luzon, epicenter is 57kms from Batangas or 90kms from Calapan, Mindoro Intensity 2 in Plaridel, Bulacan Intensity 3 in Quezon City I have yet to hear a full report from Philvocs but I hope everyone is okay.   57 km (35 miles) WNW of Batangas, Luzon, Philippines 87 km (54 miles) SSW of MANILA, Philippines 91 km (56 miles) NW of Calapan, Mindoro, Philippines 103 km (64 miles) SSE of Olongapo, Luzon, Philippines  

Intsik Linggo

Image
Merong lugar malapit sa amin na kung tawagin ay Intsik Linggo... Gawi ito dun sa tabi ng ilog di kalayuaan sa lugar namin.. Malapit ito dun sa likod  ng Mababang Paaralan ng San Antonio.   Intsik Nalunod. Intsik Linggo daw ang tawag sa lugar na ito kasi meron daw namatay na Intsik dito dati on a Sunday habang naliligo sa ilog... Di ko alam kung urban legend lang ito pero parang may katotohanan..   Movie location Maganda daw kasi ang lugar na ito kaya minsan daw may mga eksena sa mga pelikula dati na dito kinukunan.. Di pa yata madunong gumamit ng plastic ang mga Pinoy nun kaya hindi pa poluted ang mga ilog. Siguro ito pa yung mga panahon na namamayani pa sa pinilakang tabing ang mga pelikula ng Sampaguita Pictures at LVN Productions. Child star pa dito yata si Pidol.   Bawal Maligo Dagdag pa sa urban legend na ito ay ang pagbabawal na maligo dito ng mga matatanda.. Notorious daw kasi ang lugar na ito sa mga drowning incidents, possibly because dun sa Intsik.. na nagmumulto a...

The Kiss

Can't help but smile... reminiscing the kiss we shared.... ;0) tell me... do i have to feel guilty?...

Holly Mass by the Bishop

Naka-attend ako ng misa na pinangunahan ni Bishop Ongtioco.. Masuerte ang mga taga-san antonio dahil dinalaw kami ni aming Bishop kahit wala naman special na okasyon...

Happy Weekend

Image
Harapin ang pagsubok ng may gilas, liksi, tapang at panalangin! Umagang kay Ganda sa lahat ng matatapang na Pilipino Kape tayo...

This One Goes Out To the One I Love

Image
This one goes out to the one i love... Isa ito sa maraming awiting ng legendary rock band na R.E.M.  Ewan ko kung bakit gustung-gusto ko ang kantang ito-siguro dahil sa simple lang ang lyrics at diretsuhan ang atake ng kanta.   May unplugged (acoustic) at rock version dito ang R.E.M. parehas ko silang gusto.. Nasa elementarya pa ako nung sumikat ang kantang ito pero hanggang ngayon benta pa rin siya sakin.. Indeed.. this one goes out to the one I love.... Yun eh....    

Charisse Pempengco In Oprah

Napanood ko sa TV ang isang episode ng Oprah kanina lang.  Nagulat ako ng nakita ko si Charisse Pempengco na guest doon kasama ang isa pang sikat na bata, si Justin Beaver.  Kumanta ng live ang dalawang bata!   Malayo na talaga ang narating ni Charisse, ginagawa niya na lang na parang Eat Bulaga ang guesting sa show ni Oprah.  They even called her Charisse Pempengco, the female Justin Beaver! Pero parang mas gusto ko yung kabaligtaran Justin Beaver is the male Charisse Pempengco!    Biruin mo makasama niya dun si Justin Beaver na isa ding wordwide youth sensation.... Im sure isang malaking karangalan yun, para kay Justin Beaver.... Ha ha ha! Iba talaga ang Pinoy!

Tapsilog

Masarap yung kinainan kong tapsilogan dun sa malapit sa Makati Medical Center. Nagawi kami sa lugar na yun, wala kasi si manong sa Buendia island, baka  ummatend ng ballroom...  

The Test of Time

Ang pag-ibig kapag dumaan sa pagsubok, Lalong tunitibay gulungan man ito ng ano mang sigalot... Kapag ang isa't-isa'y tunay na nagmamahalan, Magkalayo man ang bawat isa ito ay hindi hadlang...   Ang pagmamahal nila ay tunay na totoo, Nagdaan man ang madaming taon ay iisa pa din ang puso ninyo... Sa bawat paginog ng inyong mundo, Hindi nakakalimot sa hadlangan man kayo...    

They Do Remember...

Image
Natuwa daw siya ng tumawag siya sa telepono.. Isa itong long distance call.. Hindi niya inaasahan na alam pa niya ang numero ng telepono sa kanilang bahay.  Nung una ay sa landline pero bandang huli ay sa cellphone na sila naguusap...   Nakakapagusap pa sila nuon sa telepono kahit ang isa ay nasa malayong lugar.   Ito daw ay mga panahong nagpapasaya sa kanya.  Sa una ay paminsan-minsan lang ang tawag niya pero ito ay napadalas.   Ang mga usapan ay ninanamnam ng bawat isa.  May mga pagkakataon daw na nasa trabaho ang isa pero nabibigyan pa din ng pagkakataon ang kanilang paguusap.   Pansamantala nilang nakakalimutan ang pagod sa paghahanapbuhay sa tuwinang sila'y nakakapausap.  Para sa kanila, ang mga usapang iyon ay mahalaga sapagkat ang bawat salita daw ay nagmumula pa sa kaibuturan ng kanilang puso.    Nagtagal ng mahabang panahon ang kanilang mga pag-uusap.. Linggo, Buwan, taon... Subalit madalas ang lahat ng magagandang bagay ay may katapusan... Sa hindi inaasa...

Seiko wallet commercial sa TV

Napanood na ni Mark Roja ang commercial ng Seiko Wallet! Ako hindi ko pa natityempuhan... waaahhh.... Saang istasyon nyo kaya napanood? baka once a day lang ang airing nito at tuwing alas tres pa ng madaling araw... Talaga naman! buhay na buhay pa rin ang wallet na masuwerte!

No Reply

Minsan daw ang bawat tao may mga pagkakataon na may karapatan din namang magtampo... Tinext nya daw siya ng isang libong beses pero hindi daw nagreply ni minsan...  Sa ganung pagkakataon daw ay may karapatan na ang isang indibidwal na magtampo regardless of the reason.. Nakakaasar daw talaga yun...walang reply sa wala ding kadahilanan... wtf?

Filipino Diplomats and Ambassadors

Nakakatawa ang mga Filipino diplomats sa mga bansang apektado ng sari-saring kaguluhan kung saan may lindol, tsunami, giyera, atbp... Akala mo talaga toxic na toxic sa mga activities nila samantalang nagbabakasyon lang naman kayo diyan.. Eh di lumalabas na ang mga kapalpakan ninyo ngayon kasi may mga problema sa mga bansang inyong responsibilidad.. Mga kamote! asikasuhin nyo mga OFWs dyan! Ngayon lang kayo magtatrabaho kaya wag kayong umasta na pagod na pagod kayo.. Kakapal nito!

Gaya-gaya putomaya

Image
Originality, creativity, craftsmanship and style... unfortunately wala ka ng mga nabanggit.  Gaya-gaya Bakit ka ba gaya ng gaya? idol mo ba ako? Bwahaha! Bakit ba may mga taong basta lang makagaya? Okay lang sanang gumaya kung kaya mong lampasan ang iyong ginagaya at kung ang ang pagkakagaya mo ay matinong-matino. Sunud ng sunod Sunud ka ng sunod.. para kang langaw na sunud ng sunod sa kanya.  Ano tingin mo sa kanya tae? Baka naman hindi na siya natutuwa sa iyo.  Style mo bulok Napansin na nila ang style mo.  Nahihiya lang daw silang tapatin ka kasi baka mapahiya ka masasaktan lang daw ang loob mo.  Kahit anong tago mo sa style mo, lumalabas pa din ang kulay mo.  Kitang-kita pa din sa balat mong kay kunat. Your a copycat! stupid!

Hotel & Restaurant Services

Magtatapos ang ilang kabataan ngayon sa pag-aaral ng hotel and restaurant services.  Sana'y may mga natutunan kayong lahat para naman hindi masayang ang mga panahon ng inyong pagaaral. Kakatuwa dahil ang ganda ng uniporme ninyo at sa tuwinang kayo'y aking nakikita ay talaga namang natutuwa ako.   Sana makahanap kayo ng trabaho na aakma sa inyong mga kasanayan para maging kapakipakinabang kayong mga mamamayan ng ating bansa.    

Downgraded

Nakakatuwa...kasi imbes i-upgrade ang gamit na computer eh parang downgraded na naman yata... nakita ko yung PC monitor parang jurazik na naman.. Dati kasi flat screen na iyon...hindi naman daw sa nagiinarte pero ewan, akala ko ba umuunlad pero bakit parang nagtitipid na naman... grabe talga daw  yung opisinang iyon sa Valenzuela. 

Mongolia beats Azkals 2-1

Image
Talo ang Philippines Azkals sa Mongolia kaninang umaga sa napakalamig na football venue sa Ulan Bator... Ang score 2-1....Panalo pa din ang Azkals sa pamamagitan ng aggragate scoring kaya lalaban pa rin sila sa Myanmar...Mukhang nasobrahan yata sa practice.... 

Positive Reinforcement

Okay ang approach minsan kung gamit ang positive reinforecement, para maengganyong ma-improve ang performance ng mga tao... Pero kapag galing sayo ang reinforcement at hindi realistic ang pagkakasabi para ka lang nanguuto....   Baguhin mo na style mo sir.. Bistado ka na nila...

Bingo Bonanza

Napakadaming tao ang nagpunta sa handog nating Bingo Bonanza kahapon.... Blockbuster! ubos ang ticket sa takilya.. libre kasi...Maraming salamat sa mga tumulong upang maisakatuparan natin ang mga plano ganun din sa mga nagbigay ng mga pandagdag na papremyo..   Gawin na  nating taun-taon ang pa-bingo para kahit papaano ay makapaghandog tayo ng kasiyahan sa mga mamamayan nating dito sa Barangay San Antonio...   Congratulation sa mga nanalo...            

The Not So Perfect Life

Hindi talagang pwedeng perpekto ang buhay... kahit sino.. kahit ang pinakamayamang nilalang sa buong mundo hindi perpekto ang buhay... Tingnan nyo si Mara, mabait maganda pero namatay.. buti na lang false alarm. Si Mutya naman, nagkapaa nga (isa siyang sirena) tapos na-kidnap naman ng mga pirata sa karagatan... Ang Japan, isa sa pinakamaunlad na bansa sa buong mundo, nilindol, nagka tsunami, libu-llibo ang namatay... May kumpanya, mayaman naman ang may-ari, umuunlad naman daw ang kumpanya (sabi daw nila), pero hindi ibinabahagi ang kanyang yaman sa mga empleyado niya sa kanyang opisina sa Malabon... tsk tsk tsk.... Haaaaist....Life isn't that perfect after all...

Nang Dahil sa tattoo

Sayang ang ilang kabataan na ipinadala ko sa isang kakilala na nagpatulong para maghanap ng mga kalalakihang maghahanapbuhay sa mga groceries.. Baka hindi sila matanggap hindi dahil sa kulang sa husay o dahil walang experienxce..  Maaaring hindi sila matanggap dahil sa pagkakaroon ng mga tattoo sa kanilang katawan... Kasi naman, may canvass naman para duon i-express ang kanilang sining bakit sa katawan pa...  Tapos kapag may sakit ang isang kapamilya hindi sila pwedeng mag-donate ng dugo dahil sa kanilang tattoo sa katawan... Sayang kasi healthy pa naman... ahmmm.. pwede po bang ipa-bura ang mga tattoo na iyon.... Haayyy sayang.. science na sayang....

Hundreds killed in tsunami after 8.9 Japan quake (a repost from Yahoo News)

Image
TOKYO – A ferocious tsunami spawned by one of the largest earthquakes ever recorded slammed Japan's eastern coast Friday, killing hundreds of people as it swept away boats, cars and homes while widespread fires burned out of control. Hours later, the tsunami hit Hawaii and warnings blanketed the Pacific, putting areas on alert as far away as South America, Canada, Alaska and the entire U.S. West Coast. In Japan, the area around a nuclear power plant in the northeast was evacuated after the reactor's cooling system failed. Police said 200 to 300 bodies were found in the northeastern coastal city of Sendai, the city in Miyagi prefecture (state) closest to the quake's epicenter. Another 88 were confirmed killed and at least 349 were missing. The death toll was likely to continue climbing given the scale of the disaster. The magnitude-8.9 offshore quake unleashed a 23-foot (seven-meter) tsunami and was followed by more than 50 aftershocks for hours, many of them of more than...

25th Anniversary of San Antonio de Padua Parish

Image
Ngayong taong 2011 sa Hunyo, ay ipagdiriwang ng buong komunidad ng barangay san antonio ang ika 25 anibersaryo ng pagkakatatag ng ating parokya. Parang kailan lang ng nagsimula ang isang payak na simbahan dito sa ating lugar... Ang larawan na nakikita nyo po sa lugar na ito ay kuha sa isang simbahan sa Angeles City Pampanga kung sa kasal ng aking pinsang si Kiko kung saan si San Antonio de Padua din ang kanilang patron saint. Isa sa mga pangarap ng mga taga san antonio dito at ng ating kura paroko na si Fr. Ronnie Santos ng magkaroon ng isang formation center sa ating parokya na mapagdadausan ng ibat-ibang mga activities dito sa ating lugar... Ako, kasama ang aking pamilya at buong komunidad ng Barangay San Antonio dito sa Lungsod Quezon ay nakikiisa ng lubusan at bumabati ng isang masayang 25th na anibersaryo ng SADP dito sa ating lugar. Mabuhay kayo at pagpalain nawa tayo ng maykapal!