Tatlong aratilis
Matagal na akong hindi nakakakain ng aratilis.
Kung hindi ako nagkakamali aabot na siguro sa halos 20 taon na akong hindi nakakatikim nito.
Wala na kasing mga puno ng aratilis kung ikukumpara noong mga bata pa tayo na tumutubo lang ito sa tabi ng mga kalsada at mga bakanteng lote.
Kung kaya, nung nagkaroon ako ng pagkakataon na makakain nito ay hindi ko pinalampas.
Sa bahay ng isang kaibigan ay nakita ko na may puno ng aratilis.
Ang masarap nito ay masaya akong kumuha at kumain nito.
Masarap at matamis.
Pero ang mas espesyal ay kung sino ang kasama kong kumain nito.
Kung sino ang tao na kasama kong nanguha sa puno at binigyan ko ng aratilis.
Maliit na bagay subalit malaking kaligayahan.
Parang mga bata.
Parang noong tayo'y mga bata.
Sana ay muling maging bata.
Tsk tsk tsk.
Kape tayo...
TATLONG ARATILIS SA KAMAY NG ANGHEL... |
Comments