Posts

Showing posts from July, 2012

IWAN MUNA

Papauwin na raw ng doktor si Mildred  bukas.. Ang medyo hindi magandang balita ay maiiwan daw muna pansamantala si baby Camile sa nursery.. Nagkaroon kasi daw ng infection ang bata kung kaya't mas mainam daw na gamutin muna bago pauwiin... Excited na nga kaming maiuwi sya pero okay lang, basta yung health and safety nya ang mas mahalaga... Gandang gabi! Kape tayo...

CAMILE GEORGIA MELENDEZ ANGAD

THE DAY THAT THE LORD HAS MADE - Sa buhay ng bawat tao ay may mga araw na tulay na napaka espesyal; isa ang July 24, 2012. Martes; para sa buhay ko. Mga bandang 2:30 ng umaga ng ako ay gisingin ni Mildred; sumasakit daw kasi ang kanyang tiyan ng bahagya. Hindi pa namin expected na manganganak siya sapagkat sa August 8 pa namin inaasahan ayon na rin sa kanyang OB-GYNE doctor na si Dr. Valev Co. Inobserbahan pa namin ng ilang minuto ang kanyang nararamdaman subalit ang sakit ay napaka-intermittent, dumarating at nawawala.  Tinawagan ko na sa kanyang cellphone si Dr. Co at sinabi ang kanyang nararamdaman at kami ay kanyang sinabihan na tumungo na sa Chinese General Hospital (CGH). Dahil dito ay dali-dalian kaming naghanda ng ilang mga kagamitan ni Mildred at ng baby.  Medyo nabigla kami pero ano ang magagawa namin. Nagpatawag na ako ng taxi at ilang minuto pa ay nasa ER na kami ng CGH.  Nang inexamine si Mildred ng resident OB sa ER ay napagalamang nasa 6 to 7 inches na daw si M

SONA 2012

Image
Habang ginagawa ko ang post na ito, ay kasalukuyan akong nakikinig sa radyo at nagaabang sa talumpati ng pangulong PnoY Aquino para sa State of the Nation Address (SONA) 2012.  Sana mabanggit ng pangulo ang mga hinihintay kong mga issue na sana ay kanyang bigyan ng pansin. Kagabi, ay kausap ko sa chat ang isang dating kaiibigan. Nagb-browse lang ako sa internet nang nalaman kong siya ay online.. Medyo may katagalan ko na ring hindi nakakausap ang kaibigang ito sapagkat sya ay nasa malayong lugar.  Pero sa pakikipagkausap ko sa kanya kagabi, napansin ko lang na parang may kakaiba sa kanya; hindi ko alam kung ano pero pakiramdam ko ay mayroon siyang problema.  Iba kasi talaga ang pakiramdam ko; malapit naman kasi sa akin ang kaibigan kong iyo kung kayat aking nararamdaman na kakaiba ang pakikipagusap  nya sa akin kagabi. Sana ay okay lang sya at kung ano man sana ang kanyang pinagdadaanan ay malagpasan nya ang mga ito sa lalong madaling panahon.. Basta nandito lang palagi ako

36th Milo Marathon

Image
36th Milo Marathon Dahil sa husay ni Carlos na makumbinsi akong sumali para sa taunang marathon ng Milo, heto ako at registered na para sa 36th Milo Marathon na gaganapin sa ika-29 ng Hunyo, 2012..  Twentyone (21K) ang distansya na aking tatakbuhin para sa nasabing event katulad din nung nakaraang taon.. Si Carlos nga pala ang sabi nya sakin 21k din at nalaman ko din na ang pinsan kong si James ay tatakbo  ng kanyang kauna-unahang 21K sa pagkakataong ito.. Sigurado ako kayang-kaya ito ni James kasi regular naman syang nakakapag ensayo.. Last year nga sa 10k run nya sa Milo ang bilis nya eh, not bad for a first timer then. Nag text na ako kay Mark Quebec pero ang sabi nya sakin hindi daw sya nakapag register pero susubukan nya pa daw kung makakasali sya.. parang reunion daw ng mga Stat Runners ng edata. He he he. Sa Riovana ako ng register. Ito ay isang running store sa Katipunan (tapat ng Ateneo) na sa palagay ko ay pagaari ni Coach Rio Dela Cruz. Muntik na akong hindi umab

TULAD LANG NG DATI

Hinintay ko nitong mga nakaraang mga araw, pero hindi dumating... Bakit ba naman ako magtataka Eh ganun din naman dati... Naghintay ako pero hindi sya dumating... Buhay nga naman.. Gandang umaga! Kape tayo..

HINDI MAKATULOG

Ang lamig ng panahon.. Madaling araw na... Umuulan... Tahimik ang paligid maliban sa mahinang tunog ng pagbagsak ng ulan sa bubong ng aming bahay.. subalit hindi ako makatulog... Bigla na lang may nagbabaliktanaw sa aking gunita. Akala ko wala na ito pero bakit bumabalik pa rin ang iyong alaala... Lumisan ka na pakiusap ko.. Okay na ako. Tama na... Gusto ko nang makalimot. Nais ko nang matulog. Haaayyy... Umagang kay Ganda! Kape tayo...