Manny VS Juan Manuel III (post fight)



TAMA-MALI- So nagkamali ako sa fight prediction ko sa laban ni Pacquiao at Marquez..
Pero tama ang desisyon ko na mag basketball na lang kaysa sa mag-boxing...
Umabot ng round 12 ang laban pero walang bumagsak.
Nanalo si Pacman sa pamamaraang hindi convincing masyado...
Madami ang medyo duda sa resulta na laban na yun...
Majority decission kasi ang hatol ng inampalan pabor sa hindi masyadong agresibong boksingero.
Malamang worldwide ang trending sa topic sa cyberspace ang topic ni pacquiao at marquez.
Pero ang mahalaga sa mga fans ni Manny nanalo tayo...
Ganun talaga siguro sa sports may mga strange na pangyayari..
Sa mga pagkakataong ito mo malalaman kung sino ang tunay na maginoo..
Pangit din naman na sabihin na kapag natalo nadaya (sa election madami nun).
Congrats pa rin sayo Pambansang Kamao...
Ibang level ka na talaga!
Isang pagbubunyi muli ang paabot sayo ng sambayanang Pilipino!
Viva!
Este.. Mabuhay pala! he he he

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...