Posts

Showing posts from November, 2011

OVERTIME

Nag rest day overtime ako kahapon... May group meeting kasi kami kaya required pumasok sa opisina.. Tatlong taon na yata nung huli akong nag render ng overtime.. Tsk tsk tsk Sayang ang rest day.. :)

Like A Formula One Race Car

JUST ANOTHER WORD PLAY Ang bilis mo! Parang isang iglap lang nakakarating ka na sa nais mong paroonan. Dahil sa taglay mong husay para lahat ng mapuntahan mo'y iyong ding dadaanan... Sana'y wag ka nilang daaan tulad ng mga dating daan.. Ang kotseng matulin mabilis ding maubusan ng gasolina...  Kung sino ang matulin kung matinik ay ubod ng lalim..  Kaya't sa mga ngiti na parang bakla, madami ang minsan ay humahanga.. Baka nga sa isip nila sya ay isang tunay na bakla!

Basketball Practice

Nagpractice kami kagabi sa covered court ng barangay Sto. Cristo para nalalapit naming championship game para sa Inter District Basketball League ng mga kagawad ng barangay sa buong Lungsod Quezon. Yun nga lang, walo lang kaming nakarating sa ensayo pero tinuloy pa rin namin ang practice. Pagkatapos ng game, pinanuod na lang namin ang laro ng  Orange Team ng District III and Blue Team ng District II... Hanggang half time lang ang aming pinanood dahil umalis na rin kami...  Lamang ng tatlo ang Orange pero hindi na ako sure kung sino ang nanalo sa nasabing laro... Good luck sa lahat!

NAKAUPO

Sa pagtatapos ng Linggong ito habang ako'y nakaupo, May mga bagay na sa isipan ko'y pilit na pumapalo... Kapiranggot na alaala'y sakin ay gumugulo, Minsan kung iisipi'y parang nakakaloko... Gandang happon! kape tayo...

Tanong At Sagot

Minsan may kausap ka na tinanong mo ng diretso tapos sumagot din ng diretso. Masaya ka na sana dun sa kanyang sagot eh pero siguro mas magiging maayos ang lahat kung yung taliwas sa sagot nya ang kanyang sinabi. Ang hirap ng ganung sitwasyon para kayong nakabitin sa puno ng bayabas.. Ewan ko trenta y singko anyos pa lang ako pero parang hindi ko ito makakalimutan habang buhay.. Bad trip ako sa iyo...

QCIM 3

Buti na lang at hindi ako nakapagregister para sa third edition ng Quezon City International Marathon (QCIM).. Meron pala akong naka-schedule na three-day lakbay patungong Vigan sa Ilocos.. Disappointed ako kasi hindi ko nagawa na balak ko na takbuhin sa QCIM ang aking kauna-unahang full length marathon.. kakaasar... Pero okay lang madami pa naman event na pwede kong gawin yun.. problema ang schedule ko sa practice dapat ayusin ko talaga para maisakatuparan ko na ang isang pangarap... Next time...

Manny VS Juan Manuel III (post fight)

Image
TAMA-MALI- So nagkamali ako sa fight prediction ko sa laban ni Pacquiao at Marquez.. Pero tama ang desisyon ko na mag basketball na lang kaysa sa mag-boxing... Umabot ng round 12 ang laban pero walang bumagsak. Nanalo si Pacman sa pamamaraang hindi convincing masyado... Madami ang medyo duda sa resulta na laban na yun... Majority decission kasi ang hatol ng inampalan pabor sa hindi masyadong agresibong boksingero. Malamang worldwide ang trending sa topic sa cyberspace ang topic ni pacquiao at marquez. Pero ang mahalaga sa mga fans ni Manny nanalo tayo... Ganun talaga siguro sa sports may mga strange na pangyayari.. Sa mga pagkakataong ito mo malalaman kung sino ang tunay na maginoo.. Pangit din naman na sabihin na kapag natalo nadaya (sa election madami nun). Congrats pa rin sayo Pambansang Kamao... Ibang level ka na talaga! Isang pagbubunyi muli ang paabot sayo ng sambayanang Pilipino! Viva! Este.. Mabuhay pala! he he he

Pacquiao vs Marquez III (my prediction)

Image
 The Trilogy is now Complete Kailangan ko talagang ihabol ang post na ito, Ilang oras na lang kasi magsisimula na ang ikatlong installment ng laban nila Manny Pacquiao at ni Juan Manuel Marquez na gaganapin sa MGM Grand sa Las Vegas USA.. Hindi ako makatulog, super excited ako sa paparating na laban. Eh bakit naman hindi, si Pacquiao yata ang maglalaro! Heto na ang walang takot kong fight prediction (mula sa isang hindi boksingerong tulad ko). "PACQUIAO WILL WIN THE FIGHT VIA UNANIMOUS DECISSION... MARQUEZ WILL HIT THE CANVAS BETWEEN THE 7TH AND 10TH ROUNDS" Go Congressman Manny!

We've Made It

Panalo ang koponan ng District kagabi sa knockout game namin versus the Violet Team ng District III.. Hindi naging madali ang laban dahil dumating ng handa ang District III.  We'll be waiting kung sino ang makakalaban natin sa other knockout game ng District II Blue and District III Oranage. Maraming salamat sa lahat ng sumupoorta! Go District I

RIP Teofanes Calo - Former BPSO Ex-O

Image
Namatay na kahapon ang aming former BPSO Ex-O na si Teofanes  Calo dahil sa kumplikasyon ng kanyang matagal na sakit nang diabetes mellitus.  Siya ay binawian ng buhay sa East Aevenue Medical Center. Nakalagak ang kanyang bangkay ngayon sa multipurpose hall sa Guerrero Street.. Paalam Ex-O.. hindi ka namin makakalimutan.. Maraming salamat sa mga taong paglillingkod mo sa mga mamamayan ng Barangay San Antonio.. May you Rest In Peace...

AngeliCopter - My New Crush

Image
Meron akong bagong crush ngayon.. DJ naman para maiba. Meet Angelicopter Nag-improve at gumanda... Excuse me muna Ms. Gretchen Fullido... :)

My First November Entry

Ewan.. Halos dalawang Linggo yata akong hindi nakapag-entry dito sa blog ko... Naging busy yata ako sa mga bagay-bagay at tungkol sa mga buhay-buhay... Try ko nga alalahanin ng kaunti ang mga pangyayari sa mga nakaraang araw...   October27: bumilli ng bulaklak sa Dangwa tapos nagpunta sa Laloma Cemetery. October 28: maaga kaming nagpunta din sa Holy Cross.. nandun ang buong pamilya (including tita mommy) November 6: nag swimming kami sa Novaliches November 6 (pa rin) pagtapos magswimming sa Nova nagpunta ako kina Noel sa Goodwill Subd.... farewell paalis sya ng Tuesday kasi (Nov 8). November 8 Naglaro kami ng basketball para sa District I LBK versus Violet team ng Dist 3 sa Masambong -  panalo kami.   Dami pa pero medyo tinatamad ako mag type ngayon... basta madami akong nami-miss... mga lugar, tao, pangyayari.. pero kasama sa nami-miss ko ang blog kong ito dahil ito ang pinakamalufet na blog sa buong mundo.. Ha ha ha