IstatusKow

Parang freeze lang muna ang sitwasyon sa bawat kanto ng lugar na ito sa mga oras ito..
Ito yata yung tinatawag na "IstatusKow"
Palagayan lang muna ng taya
Walang kumikilos at walang gumagalaw.
Animo'y walang mga ginagawa subalit sigurado kang may nagpaplano..
 
Praning?
Hindi naman...
Mahirap na lang na basta ka na lang magtitiwala..
Iba na ngayon ang mga kalaban.
May dugo silang traydor..
 
Nakangiti kapag kaharap,
Parang matino kapag kausap,
Ngunit sa minuto na ikaw ay tumalikod,
Saksak sa likod mo ang tiyak na kasunod...
 
Kaya heto ako at nananatili dito.
Sa sitwasyong ang tawag nila'y IstatusKow...
 
 

Comments

Popular posts from this blog

Maraming Salamat Barangay San Antonio

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Kisses Nanganganak...