Posts

Showing posts from October, 2011

Feeling Better... But Not Okay...

Pinilit kong makapasok ngayon sa opisina kahit hindi pa masyadong maganda ang aking pakiramdam Ubos na kasi ang sick leave ko, mahirap namang umabsent ng walang bayad baka wala na akong swelduhin pagdating ng araw. Mukhang okay naman ako at unti-unting bumabalik ang aking lakas pero hindi pa ganun tulad ng dati... Siguro konting pahinga pa at bawas alalahanin at magiging okay na muli ako. :(

PARACETAMOL

Ang sama ng pakiramdam ko kagabi pa hanggang ngayon. May bahagyang lagnat pero iba talaga ang pakiramdam hindi ako makakilos ng maayos.. Lumiban ako sa trabaho ngayong araw na ito, Sana gumanda na ang pakiramdam ko mamaya para naman makapasok na ulit bukas...

19 Fallen (late post)

Image
Nineteen government soldiers were killed while 10 others went missing in a gunbattle with the combined group of Moro Islamic Liberation Front (MILF) and Abu Sayyaf members on Tuesday, October 18, 2011.  According to  ABS-CBN News , fighting erupted at dawn between a military special forces unit and MILF troops on the southern island of Basilan, said the regional military spokesman, Lieutenant Colonel Randolph Cabangbang. Cabangbang said the military suffered 13 casualties, while 12 were wounded, it added. In its latest ABS-CBN News update, it now reached 19 casualties and 12 wounded.  “The encounter took several hours. You cannot discount the possibility that the relatives, cousins, grandchildren or neighbors, will join the firefight,” Lieutenant Colonel Randy Cabangbang said.  The military force admitted that the group of soldiers has entered a camp of the joint MILF and Abu Sayyaf forces. According to Cabangbang, “We have received reports that allegedly our soldiers are being held h

Nonito "The Filipino Flash" Donaire

Image
Congrats to Nonito "The Filipino Flash" Donaire for winning the WBO Bantamweight Championship versus Argentina's Omar Narvaez! Ang husay talaga ng mandirigmang Pilipino! Mabuhay! Kape tayo...

Fr. Fausto "Father Pops" Tentorio

Image
Napatay ang isang Italyanong pari na naglilingkod sa Arakan, North Cotabato. Siya si Fr. Fausto "Father Pops" Tentorio... Siya ay binaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek habang papasakay siya ng kanyang sasakyan.. Nakakalungkot, dahil isang alagad ng Diyos ang kinitil sa pagkakataong ito. Ilang tao pa ang dapat magbuwis ng kanilang mga buhay upang tuluyan nang makamtam ang minimithing tunay na kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao? Tsk tsk tsk!   "Ang bayan ko sa Cotabato, kasing gulo ng mundo, Di alam saan nanggaling, di alam saan patungo... Kapatid sa kapatid, laman sa laman... Sila-sila ay naglalaban, di ko alam ang dahilan Ng gulo"...          

Corporate Greed

Image
Ganid naman talaga ang mga ilang mga mayayaman eh... Ito yung mga kumpanyang patuloy na nagkakamal ng sobrang kayamanan kahit na sobra na sa paghihikahos ang kanilang mga pangkaraniwang manggagawa. Mga negosyanteng ganid na sariling tiyan lang ang iniintindi at hindi ang kanilang mga kasamahan na kumakalam ang sikmura subalit patuloy na nagpapayaman sa kanila…   Pero hindi lang naman ang mga ganid na may ari ng mga kumpanya ang kumikilos ng kakupalan sa mundo ng mga makasariling emperyalismong ito eh. Madami na kapwa empleyado pa ang nangaapi sa kapwa nila empleyado dahil sa pangsariling adhikain. Mga taong sipsip na animo'y linta, surot at garapata sa mga kumpanya pero wala din naming alam kundi ang magpasikat at magpapansin eh wala din naming alam..   Kaya kung iniisip ng iba na ito ay nangyayari sa mga bansang nasa kanlurang bahagi ng mundo ay nagkakamali ka sapagkat ito ay nagaganap sa harap mo nang hindi mo namamalayan..   Itigil nyo na yan! Mga ganid!  

Mami at Siopao

Parang nais kong pumunta sa MaMonLuk bukas, Para makakain ng kanilang pamosong super mami at siopao.. Hmnnn.. tama! Dapat kapag naisip, dapat din ginagawa.. Attack to MaMonLuk Quezon Avenue! Walang trapik-trapik! Lapang kung lapang!

IstatusKow

Parang freeze lang muna ang sitwasyon sa bawat kanto ng lugar na ito sa mga oras ito.. Ito yata yung tinatawag na "IstatusKow" Palagayan lang muna ng taya Walang kumikilos at walang gumagalaw. Animo'y walang mga ginagawa subalit sigurado kang may nagpaplano..   Praning? Hindi naman... Mahirap na lang na basta ka na lang magtitiwala.. Iba na ngayon ang mga kalaban. May dugo silang traydor..   Nakangiti kapag kaharap, Parang matino kapag kausap, Ngunit sa minuto na ikaw ay tumalikod, Saksak sa likod mo ang tiyak na kasunod...   Kaya heto ako at nananatili dito. Sa sitwasyong ang tawag nila'y IstatusKow...    

Classic Picture

Image
Lawrence, Noel, Kath, Audrey, Chris, Richard Nakita ko lang ito sa Facebook sa pictures ni Raul/Badet...  tagal na rin nito.. ang papayat..  Kung hindi ako nagkakamali  wala pang may pamilya sa amin ng mga panahong ito... Bilis ng panahon! Whewww!

Sorry Lang!

Ang mahalaga inamin ng akusado ang kanyang pagkakamali. Inamin lahat ng aking isinaad. Lahat.. as in lahat.. Yun nga lang parang may kasama siyang tagpagtangol nya... Nag sorry na ang malaking tao... Kahit siya ang pinakamataas yumuyuko din pala ang ulo nya.. Sorry lang? Okay lang.. Pinapatawad na kita.. Sabi mo nga... hindi mo alam.. Okay na yung sorry mo (sorry nyo) Hindi ko na naman maibabalik ang nangyari eh.. Basta wag mo na lang gagawin sa iba..... tsk tsk tsk wawa ka naman... Napahiya ka.. tsk tsk tsk..      

My Battle Against Stress

Nagpatingin ako sa doktor nung Lunes, Suamama kasi ang pakiramdam ko dahil sa mga kabalastugan ng ibang tao. Mga taong walang alam kundi ang intindihin lamang ang kanilang mga sarili... Dalawang araw ang lumiban sa trabaho (Mon and Tue) Ang sakit ng likod ko at hindi ako makatulog.. Makakarma din kayo mga ulupong! Kaya ko ito..

Laban-Laban... Bawi-Bawi

Nakakatawa ang mga taong urung-sulong sa kanilang mga ginagawang desisyon.. Dahil sa hindi nila alam ang kanilang mga ginagawa sa kabila ng mataas nilang katungkulan (at malaking sweldo), napapahiya sila at nasosopla ng isang taong malinis ang kunsensya at nasa panig ng katotohanan... Tuluyan nyo na kasi para magkaalaman Mga takot! Ha ha ha!

NORA IS SMOKING...ANNE IS HOT!

Image
Medyo mahaba ang airtime na nakuka nila Nora Aunor and Anne Curtis kagabi tungkol sa mga pictures nilang dalawa na nakalathala habang yumoyosi! Okay lang naman talagang mag-yosi pero kapag madaming tumitingala sayo lalo na ang mga kabataan dapat naman siguro tayong maging responsable. Hindi kasi ako naninigarilyo kaya siguro  nasasabi ko ito pero yung pagiging responsable palagay nagkakaunawaan tayo dito.. Pero isa lang ang masasabi ko sa dalawang larawan na iyon.... NORA IS SMOKING AND ANNE IS HOT!