CAMILE GEORGIA MELENDEZ ANGAD

THE DAY THAT THE LORD HAS MADE - Sa buhay ng bawat tao ay may mga araw na tulay na napaka espesyal; isa ang July 24, 2012. Martes; para sa buhay ko.

Mga bandang 2:30 ng umaga ng ako ay gisingin ni Mildred; sumasakit daw kasi ang kanyang tiyan ng bahagya. Hindi pa namin expected na manganganak siya sapagkat sa August 8 pa namin inaasahan ayon na rin sa kanyang OB-GYNE doctor na si Dr. Valev Co.

Inobserbahan pa namin ng ilang minuto ang kanyang nararamdaman subalit ang sakit ay napaka-intermittent, dumarating at nawawala. 

Tinawagan ko na sa kanyang cellphone si Dr. Co at sinabi ang kanyang nararamdaman at kami ay kanyang sinabihan na tumungo na sa Chinese General Hospital (CGH).

Dahil dito ay dali-dalian kaming naghanda ng ilang mga kagamitan ni Mildred at ng baby.  Medyo nabigla kami pero ano ang magagawa namin. Nagpatawag na ako ng taxi at ilang minuto pa ay nasa ER na kami ng CGH. 

Nang inexamine si Mildred ng resident OB sa ER ay napagalamang nasa 6 to 7 inches na daw si Mildred kung kayat inirekomenda nya ang agarang stat CS.

Nagpunta na ako agad sa admitting section ng CGH; medyo natagalan ako ng kaunti duon; medyo pupungas-pungas pa kasi ang tarantadong attendant kung kaya't medyo may kabalang ang kanyang kilos.  Nagbayad na rin ako ng downpayment para sa kanyang admision at ipinasilip na rin sa akin ang private room na aming gagamitin. 

Pagbalik ko sa delivery room ay nagulat ako ng sabihin sa akin ng nurse na naka duty doon na nasa operating room na si Mildred; sinbubukan kong habulin sya dun pero hindi ko na naabutan at nasa loob na sya. Ayaw na din akong papasukin ng bantay sa pinto (hindi umubra ang pagka-kagawad ko this time).

Napilitan tuloy akong maghintay na lang sa labas.  Medyo matagal si Mildred sa operating room; kung kaya't naghintay na lang din ako dun sa assigned na room para sa amin.  Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na ako sa OR at sinabi sa akin na nasa recovery room na si Milrdred. Pinuntahan ko sya dun at sinabi sa akin na okay naman ang kanyang kalagayan.  Pagkatapos ay piinuntahan ko na rin ang aking bagong silang na anak sa nursery pero bigo akong siya ay makita sapagkat hindi pa daw viewing time (hindi na naman umubra ang pagka-kagawad ko! he he he).

Bumalik na lang ako sa room at pagkatapos ng ilang minutong pagkaiglip ay narito na at kasunod ko na pala si Mildred na kuwarto  kasama ang mga nurse mula sa RR.  Natuwa ako sapagkat maganda naman ang kanyang kalagayan. 

Pero heto na! ang the best na part ng mahabang kwentong ito ay nung bumalik ako sa nursery upang aking masilayan ang aking anak. Sinabi ko sa nurse ang pangalan ng bata at presto! ipinakita nya na sa akin sa window ang isang anghel! Opo! isang anghel.

Napakaganda ng batang ito, napakaputi at napakaamo ng kanyng mukha; Kinunan ko sya ng ilang mga larawan gamit ang aking digital camera. Masayang-masaya ako! Hindi maalis-alis ang ngiti sa aking mga labi ng mga oras na iyon.  Pati sa mga nakakasalubong kong nurse ay aking ipinagmamalaki ang aking magandang anak! At siyempre ipinakita ko na rin ang mga larawan sa aking asawa na kasalukuyang nagpapahinga sa kkuwarto.

Habang aking sinusulat ang kwentong ito ay madaling araw na ng Miyerkules. Hindi pa din ako makatulog sa sobrang saya. Tulog na sa mga oras na ito si Mildred at si George na sumama na rin sa pagbabantay sa kanyang ina. Hinihintay ko pa ang pagdating ng aking bagong silang na anghel.

Maraming salamat panginoon sa biyayang bigay mo! Salamat po sa aking pamilya na aking mahal na mahal! Salamat sa aming bagong anak, si Camile Georgia Melendez Angad.

Gandang umaga! Kape tayo...



Comments

Unknown said…
My bff is popular 😭😭☹️

Popular posts from this blog

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Titi ni Pacquiao

Kisses Nanganganak...