WALANG PLASTIK

WALANG PLASTIK - Nagpunta ako sa paborito kong restaurant kanina, ang Ma Mon Luk...
Umorder lang ako ng dalawang special siopao at pinabalot ko (take-out/to-go)...
Humingi ako ng plastic bag dun sa kahera pero ako'y nabigo.. "Sir, wala po kaming plastik" ang wika nya. 
 Medyo nahirapan akong iuwi sa bahay ang mga siopao na nabanggit; nakamotor ako po kasi ako...
Kaya nag tuck-in na lang ako ng t-shirt at pilit kong pinagkasaya sa damit kong suot ang dalawang bagong luto at mainit na pagkaing Intsik. 

Pero, naisip-isip ko, okay din naman pala kung walang plastik, kasi kahit papaano makakatulong ka laban sa pagkasira at pagdumi ng kalikasasan.  Kaya, sa susunot na pagpunta ko sa Ma Mon Luk o sa ano mang bilihan ay magsusumikap na lang akong magdala ng isang eco-friendly bag para hindi na mayuyupi na parang palitaw ang aking paboritong asado at bola-bola. Mahirap na at baka magbago pa ang lasa! He he he!

Gandang gabi! Kape tayo...

Comments

Popular posts from this blog

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Titi ni Pacquiao

Kisses Nanganganak...