HIRAP MATULOG

Madaling araw na ako nakatulog pero wala naman akong ginagawa. 
Natapos ko na yung DVD pero hindi pa rin ako inaantok.
Bago ako humiga kagabi ay tumakbo muna ako ng kaunti para naman kahit papaano ay pagpawisan ako.
Tumakbo ako mula sa bahay patungong Frisco (via West Riverside). 
Dumaan pa nga ako sa tapat ng bahay ng dati kong classmate na si Bien pero wala naman siya doon kaya nagpatuloy na lang ako sa pagtakbo.
Nagpahinga lang ako ng kaunti sa 7-11 sa Frisco for a water break; siguro mga 15 minutes lang ako dun tapos takbo na ulit pauwi sa bahay.
Medyo napagod na rin ako pero ayaw pa rin talaga ako antukin.
Ewan ko ba, may mga bagay na hindi maalis sa isipan ko. Hindi ko naman iniisip pero parang kusang pumapasok na lang sa pananaw ko.
Bakit may mga bagay na dapat mangyari at bakit may mga bagay na hindi nangyari ang ilan sa mga katanungan kol; ano ang dapat gawin at ano ang mangyayari sa kinabukasan.
Siguro, talagang may mga bagay na wala tayong control at tunay na wala na tayong magagawa.
Mas mainam siguro kung ang kasagutan sa mga bagay na ito ay ipagkatiwala na lang natin sa ating Diyos; kasi siya lang naman talaga ang pwedeng magdesisyon ng tama kung ano ang mainam na gawin.
Kahit pilitin kong gawin ang nais ko ay hindi na ito mangyayari sapagkat maaaring hindi ito makabuti sa aking sarili at sa ibang tao.

Ito ang aking dalangin...

Umagang kay Ganda! Kape tayo...

Comments

Popular posts from this blog

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Titi ni Pacquiao

Kisses Nanganganak...