ANG TUMAKBO NG MATULIN

KAWIKAAN
Isa sa mga kasabihan na matagal ko nang pinaniniwalaan ay ang kawikaan na "Ang sino mang tumakbo ng matulin, kung matinik ay malalalim".

NOT SURE
Ewan ko ba pero parang napakahalaga  ng kawikaan na ito sa aking sarili at alam ko ganun din sa inyo.  Applicable ito sa maraming aspeto; sa trabaho, desisyon, pag-ibig, emosyon, pakikipagkaibigan, pulitika at madami pang iba.

MAHIRAP NA
May mga pagkakataon kasio na tayong mga tao ay lubhang pabigla-bigla sa ating mga desisyon; mga desisyong maaaring makakapagbago sa takbo ng ating buhay.  Kapag kasi daw hindi mo pinagisipan ang mga mahahalagang bagay baka sa bandang huli ito ay maaari mong pagsisihan. Okay lang siguro kung tiyak kang iyon ang tamang pasya subalit papaano kung ikaw ay magkakamali?

YOU CAN'T TURN BACK TIME
Oras daw ang pinakamahalagang bagay sa buong mundo.  Kasi bawat segundo ng buhay mo hindi mo na maibabalik kahit anong gawin mo kung kayat dapat gamitin mo ang bawat araw nang ubod ng husay... Huwag mong sayangin ang buhay mo dahil nais mo lang maghiganti o nadadala ka lang ng iyong emosyon... Ikaw din... Maniwala ka sa akin, aral yan ng buhay ko...

Gandang gabi po sa inyong lahat! Kape tayo...

Comments

Popular posts from this blog

ALIPIN 101 (Namamahay VS. Sagigilid

Titi ni Pacquiao

Kisses Nanganganak...