Maraming Salamat Barangay San Antonio
Dear readers,
May I share to all of you my appreciation post published on my Facebook profile on May 15, 2018, a day after the election..
God bless us all
MARAMING SALAMAT BARANGAY SAN ANTONIO sa inyong PAGMAMAHAL!
"An offering of dedicated service and life to the people is an offering of love and life to the Lord"
Hindi po man tayo pinalad sa ating pagaalay ng buhay para kayo ay mapaglingkuran bilang inyong Punong Barangay ay nagpapasalamat pa rin ako sa ipinakita ninyong tiwala, suporta at pagmamahal sa akin at sa aking mga kasamahan.
Tulad ng palagi kong sinasabi na ang laban na ating inaalay ay laban ng ating barangay… Napakadami po ang nagtiwala subalit ito ay hindi naging sapat upang mapanalunan ang election kahapon..
Napakadami ninyong magagandang mga salita na ipinapadala sakin thru Facebook at text… Narito ang ilan:
“Kap congrats po nd man kayo manalo alam ko po lumaban ka ng patas” ROCHELLE S.
“kau pa din po ang kapitan nmen” Akira A.
“Sayang sir , ung tuwid na daan sana naging limang daan kasi . Pero para samin kayo parin ang deserving” Ann C. E.
“Kap ok Lang Yan n hndi tyo naggumpay pero nakatulong tyo sa knila “Jhong
“khit dk n2lo pnlo kp rin sa puso nmin...congrarz p rin pre...tlgng gnyn ang pulitika kpg wl kng pera dk mn2lo...pero proud p rin lht ng sumuporta seo” Ynah
“AN HONORABLE DEFEAT IS BETTER THAN UNHONARABLE VICTORY! KAPITAN TOPEY! SALAMAT PO SA LAHAT NG SUPORTA AT PAGMAMAHAL NYO PO SA AMIN! ALAM NG LAHAT ANG KARAPAT DAPAT PERO MARAMI PA RIN PO TALAGA ANG NADADALA SA PERA. KAP, IKAW PA RIN ANG PANALO PARA SAMIN!” TIN I.
"congrats pa rin kasi binigay mo naman best mo..di bale sa puso ng brgy san antonio ikaw pa rin si Kap Topey! 😊 smile lang..marame nagmamahal at nagtitiwala sayo...may next time pa...malay mo sa Congress pala tuloy mo 😉 mukha magaling ka sa batas..pray lage" CHARITO L.
“At the end of the day, its their lost. They wasted the chance to make san antonio a better place”CHARD D.
“Para sa amin kau parin ang panalo kap....nakita q ang grupo muh na khit na anung nangyari magkakasama parin kau hindi kau nagkawatak watak...naging patas parin kau..lumaban parin kau ng malinis at may mabuting puso sa tao hanga aq sa inyo kap...and2 parin poh kmi sumusuporta sa inyo...” NESLY”
“Hi kap ok lng po yan atleast lumaban po kayo ng patas..gawin nyo pa din po kung ano po nasimulan nyo para po sa san Antonio” ANGEL A.
AT MARAMI PANG IBA...
Salamat sa aking pamilya, na kailan man ay hindi nagmaliw ang tiwala at pagmamahal sakin... Sa aking asawa, salamat sa pagmamahal... Sa aking dalawang anak, pasensya na kayo kay Daddy Topey, ngayon mas madami na tayong panahon sa isat-isa.. pag lumaki na kayo mas maiintindihan nyo ako at mauunawan.. sa ngayon mag-aral lang kayo ng mabuti...Sa Mama ko, happy mothers day ulit sa iyo, mahal na mahal kita...
Maraming salamat sa nagbigay ngkanilang mga ambag at tulong para sa kampanya.. Alam na alam nyo po kung sino kayo…Hindi ko na po babanggitin sapagkat naniniwala ako na ang Diyos na ang bahalang magbigay ng inyong gantimpala.
Sa mga volunteers(opo, wala akong binayaran), salamat at hindi po ninyo kami iniwan hanggang sa huli.. Madami akong natutunan sa laban na ito... sino ang tunay na kaibigan, sino ang iiwanan ka ng dahil sa pera, sino ang tapat, sino ang nagmamahal sayo, sino ang pera-pera lang, sino ang tunay na kamag-anak, sino ang tunay na maka-Diyos, kung sino ang kandidato na matalino, sino ang may kakayahan, sino ang takot, sino ang matapang, sino ang kayang magsalita, sino ang pipi at bulag, sino ang tunay at sino ang huwad,sino ang loyal, sino ang marunong makaalala, sino ang matuwid...
Eleven (11) years po akong naglingkod bilang inyong kagawad (2007-2018), ginampanan ko po ang aking tungkulin sa abot ng aking makakaya… Nilabanan natin ang katiwalian upang maituwid ang pagkakamali.. At dahil dito ay maraming nasaktan.. Paumanhin subalit ginagampanan ko lang ang aking tungkuling sinumpaan.... alam ko na mauunawaa nyo rin ako sa ngalan ng KATOTOHANAN...
… Alam ko na napagsilbihan ko ang aking mga ka-barangay sa abot ng aking makakaya lalo na ang mga kapos-palad at mahihirap. Isang karangalan sa akin at sa aking pamilya na KAYO AY MAPAGLINGKURAN. All of you my dear constituents touched my soul….and I knew that I was able to touch and enter your hearts.
CONGRATULATIONS po sa lahat ng nagwagi at lumahok sa halalang pambarangay; mula sa Bagong Kapitan, mga kagawad at syempre sa mga SK especially kay Pao Pasco at mga nanalong SK kagawad.
Nawa’y gawin nyo po ang lahat para matulungan ninyo at mapagsilbihan ng may puso ang ating mga pinakamamahal na barangay…Maging MABUTING HALIMBAWA sana kayo lalo na sa Kabataan sa lahat ng inyong ginagawa...Nasa inyo po ang AKING SUPORTA at nandito lang po ako na HANDANG TUMULONG kung kinakailangan..Maari po ninyong gawin ang mga nabanggit kong plataporma sa panahon ng inyong panunungkulan tulad ng BARANGAY ID, EXTENDED BARANGAY WORKING HOURS, LIBRENG PAGGAMIT SA COURT, CURFEW HOURS, VIDEOKE HOURS atbp.. HUWAG PO KAYONG MAGALALA, I WONT TAKE ANY CREDIT(wala namang copyright yan)...
Sa aking mga MAHAL AT LOYAL SUPPORTERS KO, nakikiusap ako sa inyong lahat na BIGYAN NATIN SILA NG PAGKAKATAON na patunayan ang kanilang husay at galing na maglingkod... Sila po ay HINDI NATIN KAAWAY... sila na po ang ating mga bagong LINGKOD BAYAN at LEADERS natin sa SUSUNOD na DALAWANG TAON.. Sana'y GALANGIN po ninyo sila TULAD ng paggalang at pagRESPETO na ipinadama po ninyo sa akin..Pero, manatiling nakataas ang noo at proud sa pagsisikap ninyo sapagkat lumaban tayo ng pantay at may karangalan.. Tayo'y maging MAGINOO sa harap ng PAGKABIGO...
Good luck to all of you Honorable Ladies and Gentlemen...
Patuloy po tayong MAGDASAL AT MANALANGIN para ikaaayos, ikabubuti at ikakaunlad ng buhay ng mga tao dito sa ating pamayanan.
Sa mga hindi nagwagi, HUWAG tayong MAGSAWANG TUMULONG sa kapwa lalo na sa mga MAHIHIRAP sapagkat kailangan nila ang ating kalinga.... RESPONSIBILIDAD natin yun hindi lang dahil tayo ay isang official kundi dahil tayo ay tao na kapwa mahal ng Diyos…Huwag po tayong malungkot, huwag po tayong malumbay, may plano ang Diyos sa iyo, sa akin at sa ating mahal na barangay…
Maraming salamat po BARANGAY SAN ANTONIO…
Nagmamahal,
CHRISTOPHER“TOPEY ANGAD"
Comments