Posts

Showing posts from February, 2012

I Will Run Again.. I Must...

Image
During QCMC's 2009 edition Medyo halos tatlong buwan na rin ako yatang hindi nakakatakbo! medyo bumibigat na yata ang aking dati nang mabigat na katawan!  Pero in fairness nakakapaglaro na naman ako ng basketball nitong mga nakalipas na panahon..  Medyo mabilis mapagod nung una, pero kahit naman papaano ay lumalakas na rin ng bahagya ang aking resistensya. Ganun siguro talaga ang pakiramdam kapag tumatanda. Pero sisimulan ko na muna sa pagtakbo para naman hindi magbigla ang aking katawan. Tama! tatakbo na ulit ako! Pangako! Umagang kay Ganda! Kape tayo...

NBA ALL STAR WEEKEND IN ORLANDO 2012

Image
Nanonood kami ngayon ni George ng NBA All-Star Weekend! Nakakatuwa panoorin ang mga malulupit na NBA players. Kanina skill challenge, then 3-point competition.. Now, here's my favorite.. the SLAM DUNK contest.. Bukas yung all star game naman ang gaganapin! Bukas ko na lang i-post kung sinu-sino ang mananalo.. Enjoy! Umagang kay Ganda! Kape tayo...

MISS YOU???

Kumain ako ng Siopao kagaabi, dahil dito bigla kitang naalala... di lang ako sure kung naaalala mo din ako... Gandang hapon! Kape tayo...

WALANG PLASTIK

WALANG PLASTIK - Nagpunta ako sa paborito kong restaurant kanina, ang Ma Mon Luk... Umorder lang ako ng dalawang special siopao at pinabalot ko (take-out/to-go)... Humingi ako ng plastic bag dun sa kahera pero ako'y nabigo.. "Sir, wala po kaming plastik" ang wika nya.   Medyo nahirapan akong iuwi sa bahay ang mga siopao na nabanggit; nakamotor ako po kasi ako... Kaya nag tuck-in na lang ako ng t-shirt at pilit kong pinagkasaya sa damit kong suot ang dalawang bagong luto at mainit na pagkaing Intsik.  Pero, naisip-isip ko, okay din naman pala kung walang plastik, kasi kahit papaano makakatulong ka laban sa pagkasira at pagdumi ng kalikasasan.  Kaya, sa susunot na pagpunta ko sa Ma Mon Luk o sa ano mang bilihan ay magsusumikap na lang akong magdala ng isang eco-friendly bag para hindi na mayuyupi na parang palitaw ang aking paboritong asado at bola-bola. Mahirap na at baka magbago pa ang lasa! He he he! Gandang gabi! Kape tayo...

Sariling Wika

Nakakatuwa ang impeachment trial sa araw na ito sapagkat ginagamit ng abogado ng prosekyusyon na si Rep. Daza at ng testigo na si Kalihim Lila DeLima ng Kagawaran ng Katarungan ang ating wikang pambansa, ang wikang Pilipino. Sa aking pananaw ay mas mauunawaan ito ng mas nakararaming mamamayan upang mas matalino silang makapagbigay ng kanilang sariling opinyon sa naturang mga akusasyon laban sa Punong Mahestrado ng Kataas-taasang Hukuman ng ating bansa... Wala na talagang mas sasarap pa sa wikang sariling atin di tulad ng wikang banyaga. Umagang kay Ganda! Kape tayo...

TODAY IS ASH WEDNESDAY

Image
"I have heard of thee by the hearing of the ear: but now mine eye seeth thee. The other eye wandereth of its own accord. Wherefore I abhor myself, and repent in dust and ashes." Job: 42:3-6 Umagang kay Ganda! Kape tayo...

FAMILY DAY

Image
FAMILY DAY - Sumaglit kami sa TriNoma nung Sunday pagkatapos naming magpunta sa duktor ni Mildred; hindi na kami nagtagal masydo ni Mildred para hindi na siya masyadong mapagod... Umagang kay Ganda! Kape tayo...

Just Like Her Sister

Nakakatawa kapag nalaman mo na ang gawain ng isang tao ay halos na parehas na gawain din ng kapatid niyang bebot.  Hindi ka pa bang napupulot na aral mula sa mga karanasan ng utol at inuulit mo pa.. katangahan yata ang tawag dyan. May pagkakataon ka pa... Hanggang bata ka pa ayusin mo ang direksyon ng buhay mo.. Tsk tsk tsk Umagang kay Ganda! Kape tayo...

Happy Walk 2012

Image
Noong Linggo ay nakiisa kami ni Mildred sa pagdiriwang ng Happpy Walk 2012; ito ay isang taunang proyekto ng Down Syndrome Association of the Philippines.  Kaisa kasi sa programang ito ang Department of Health.  Ito ay ginawa sa Sky Dome sa SM North EDSA. Kahanga-hanga ang ang mga batang may Down Syndrome; ganun din ang kanilang mga pamilya at mga suppport groups na walang sawang sumusuporta sa mga batang may kapansanan.   Sa naturang event nakita ko kung gaano talaga kahalaga ang pagkalinga at pagunawa sa mga taong apektado ng mga disabilities.  Mapalad ang mga batang may mga magulang at pamilya na sumusuporta sa kanila; na patuloy na nagmamahal.  Saludo din ako sa mga organizers ng mga ganitong mga events sapagkat natutulunga nilang mamulat ang mga mamamayan tungkol sa isyung medikal na katulad nito. Umagang kay Ganda! Kape tayo... 

With Rob Wainright

Image
WITH ROB WAINRIGHT - Picture taken in 2009 during a Phillippine Team practice at "The Zone" sports facility in Makati City...This was also just after our championship game...

From Quiapo

Kakadating ko pa lang galing sa Quiapo para makapagpasalamat naman kahit papaano kay Nazareno... Nakisakay ako sa Rescue vehicle ni Mang Henry kasama sina Kuya Efren, Frenz, Boyet at Bong.  Kaninang hapon ay isinama ko nga pala sa Quezon City Hall si George. Tumambay kami ng kaunti sa opisina ni Konsehal Onyx at pagkatapos ay umuwi na kami sakay ng isang Taxi kasama si Monet, Jhona, at Anne.

ELLEN AND EDWIN'S THIRD DAUGHTER

Image
Pumunta ako kanina sa Masambong para sa binyag ng pangatlong anak na babae nila Ellen at Edwin. Nag tricycle lang kami at nagpahatid kay kuya Reinier; delikado kasing iangkas si George. Ang nakakatawa, dumeretso kami ni George sa Posooy street; akala ko kasi dun ang reception sa tinitirahang apartment nila edwin gaganapin yun pala dun sa bahay ng mga magulang ni Ellen sa Inaman gagawin.  Nauna pa nga kami ni George sa mga ninang at ninong na sa mga oras na iyon ay nasa simbahan pa. Mamaya-maya ay dumating na rin si Astrobal at si Monet kasama ang asawa niyang si Khenjie at ayun nagkainan na rin kami.  Welcome to the Christian World Eihreen Heart!

OCHOA'S Alleged 100M Offer

The defense panel of SJ Corona conducted a press conference about an hour ago reporting the Presidential Executive Secretary Ochoa is calling members of the Senate asking the senator-judges urging them to allegedly refuse to obey the Temporary Restraining Order issued of the supreme court regardeing the foreign accounts (dollar account) of SC Corona. Medyo nakakabahala lang po talaga ang pangyayaring ito sapagkat puro alegasyon na walang basehan ang nangyayari.  Ayaw kong husgahan ang mga abogado ng depensa subalit parang napakababaw ng kanilang nabanggit na issue. Siguro mas maganda na lang para sa ating mga mamamayang Pilipino na magmatiyag at magusisa upang ang katotohanan ay lumabas sa kabila ng lahat ng kaguluhang ito.  Gandang Gabi! Kape tayo...

FIREFIGHTING TRAINING

Image
Nagkaroon ako ng pagkakataon nitong nakaraang weekend na makasama sa isang fire fighting seminar na isinagawa ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pakikipagtulungan ni Councilor Anthony Crisologo.  Ginanap ito sa Quezon City Hall.  Napaka-informative ng 3-day seminar na yun; may lecture and actual training sa first aid, bandaging, transfer, CPR, fire safety, at syempre sa firefighting.   Here are some of pictures of the above-mentioned event.