Posts

Showing posts from 2013

MAN OF STEEL (FATHER AND SON BONDING

Image
Nagpunta kaming dalawa ni George sa SM City noong Sabado... Nangako kasi ako sa kanya na manonood kami ng Man Of Steel; ang latest Superman movie. Ayaw sumama ni Mildred kasi hindi nya naman masyado type daw yung pelikula tsaka syempre sya na muna ang magaalaga sa bunso  namin.. Sa pila pa lang sa takilya ay masayang-masaya na si George dahil makikita nya nang lumipad ang taong may pulang kapa. Chumibog muna kami ni George sa Tokyo-Tokyo; di ko alam ang dahilan kung bakit parang naging favorite na ni George ang Pork Tonkatsu... hmnn... Pagkatapos kumain pumunta na kami agad ni george sa The Block; dun kasi yung cinema 4..Pero bago kami  pumasok sa sinehan ay nagpapicture muna kami sa ilang naggagandahang mga Superman posters; kaya sinamantala na namin ang kodakan... Tuwang-tuwa si George sa pelikula  (ako rin).. medyo nakaiglip lang ng konti si george (mga 5 mins) sa kalagitnaan ng movie pero nagising agad nang marinig ang mga mati...

Fire Prevention Month 2013

Image
Nakiisa kami kanina sa pagdiriwang ng fire prevention month.. Kasama ko ang ilang miyembro ng BPSO na pumunta sa Agham Road Fire Station. Naglakad kami patungong Quezon City Memorial Circle. Ito ay bahagi ng paghahanda ng Bureau of Fire Protection (BFP) para sa taong ito. Mag-ingat po tayo sa sunog! Gandang hapon!   Kape tayo...

VDAY 2013

Araw ng mga  puso ngayon pero hindi ko maintindihan kung bakit medyo bad trip pa rin ako? Ang aga ko naman gumising kanina dahil may schedule kaming game ni Roger sa Ateneo Football UAAP. Maganda naman ang mga laban lalo na yung second game ng Ateneo at La Salle kung saan nanalo ang Ateneo. Kapag uwi may dinaanan lang kami ni Roger pagkatapos naming magmeryenda ng mami sa  Frisco. Pero bakit ganito? Animo'y parang kulang ang araw ko. Bad trip ba ako o talagang bad trip pa rin. Ang gulo.. Parang billihan ng bulaklak sa Dangwa. Ang gulo..   Kape tayo...

Tatlong aratilis

Image
Matagal na akong hindi nakakakain ng aratilis. Kung hindi ako nagkakamali aabot na siguro sa halos 20 taon na akong hindi nakakatikim nito. Wala na kasing mga puno ng aratilis kung ikukumpara noong mga bata pa tayo na tumutubo lang ito sa tabi ng mga kalsada at mga bakanteng lote.   Kung kaya, nung nagkaroon ako ng pagkakataon na makakain nito ay hindi ko pinalampas. Sa bahay ng isang kaibigan ay nakita ko na may puno ng aratilis. Ang masarap nito ay masaya akong kumuha at kumain nito. Masarap at matamis. Pero ang mas espesyal ay kung sino ang kasama kong kumain nito. Kung sino ang tao na kasama kong nanguha sa puno at binigyan ko ng aratilis. Maliit na bagay subalit malaking kaligayahan. Parang mga bata. Parang noong tayo'y mga bata. Sana ay muling maging bata. Tsk tsk tsk.   Kape tayo...   TATLONG ARATILIS  SA KAMAY NG ANGHEL...   

MEDYO LASING

Lumabas kami noong nakaraang araw kasama ang ilang mga barkada nung high school... Nagpunta kami sa isang bar sa may Thomas Morato.. Nakailang bucket din kami ng san mig Light dito at ilang mga masasarap na pulutan bago kami lumipat sa isang bar sa may Mother Ignacia. Masaya ang gabing iyon.. Ako masaya ewan ko lang sila. Masarap ang tulog maganda ang gising kinabukasan kahit bitin sa pahinga ang pangangatawan. Sana palagiang ganun. Sana araw-araw may ganun.. Gandang Gabi!   Kape tayo....

Canadian Dream

Dati... mga ilang taon na rin ang nakakaraan ay nais ko ding pumunta sa isang bansa sa North America..  Dahil na rin siguro sa pangarap na makaranas ng mas magadang buhay pero siguro dahil mas inspired ako mangarap ng mga panahon yun... Pero, bakit sa isang pagkakasabi at narinig ko mula sa isang tao ang salitang "Canada" parang may kung anong kuryente akong naramdaman na "oo, gusto kong makapunta doon". Ewan ko, pero ganun siguro talaga ang bilis ng isipan ko kapag nakakinom ako ng kape. Tsk tsk tsk, kape lang talaga ang katapat ko.  Konting udyok pa, huwag mo akong subukan, magpapasa talaga ako ng requirements para sa visa sa Canada.. Topey's Canadian dream? Hmp! Why not?   Gandang Gabi!   Kape tayo...

US VISA APPROVED

Hindi sakin kundi sa mga biyenan ko..  sinamahan ko sila kaninang umaga sa US embassy..  medyo matagal din akong nagantay sa labas pero sulit naman nung nalaman ko na approved naman daw ang kanilang application ng US visa..  salamat sa diyos!