Posts

Showing posts from September, 2012

HAPPY FOR YOU HON

Dahil nakikita kong masaya ka sa mga pangyayari sa buhay mo, masaya din ako... Be happy for the rest of your life.. Kape tayo...

HUWAG KANG PLASTIK

Image
Nag start na noong September 1, 2012 ang ordinancsa dito sa Quezon City na naglalayong i-regulate ang paggamit ng plastic sa lungsod. Pakiramdam ko matagal na ito dapat naisakatuparan pero kahit late na at least nandito na.. Sana lang ay maipatupad ng consistent ng mga kinauukulan para naman hindi masayang ang layunin ng ordinansang ito... Kaya natin ito sa Quezon City.. Kape tayo...

Tsinelas Leadership

Image
Natuwa talaga ako ng sobra dun sa bansag na Tsinelas Leadership para sa pamamahala ng namatay na secretary ng DILG na si Sec. Robredo. Yun kasing tsinelas leadership marahil na nabanggit ay sumasalamin para sa style ni Robredo at para din sa mas nakararaming tao na kanyang pinaglingkuran.. ang masang Pilipino.. Malaki ang responsibilidad bilang pinuno ng DILG; hawak nya ang kapulisan, ang BFP at ang mga LGU sa buong bansa.. Aral yun para sa ating lahat na hindi naman natin kailangang maging magara, mayaman o masyadong elegante upang makapaglingkod; mas ayos pa nga yung payak at simpleng paraan para mas lalo tayong maabot ng mga nangangailangan. Nakatitiyak ako na naipakita ito sa atin ni Robredo; paulit-ulit sa media na sinasabi na sana ay huwag masayang ang mga punlang kanyang itinanim para ang mga ito ay mapakinabangan ng susunod pang mga henerasyon...   Isa siyang bayani! Bayani hindi ito ay kanyang hiningi sa atin kundi bayani dahil ito ang nararapat na ...

Tsunami Alert Philippines August 31, 2012

Nakikinig ako sa balita kagabi at sinusubaybayan ang mga updates tungkol sa nakalipas na paglindol na nangyari malapit sa Eastern Visayas.. Nakataas ang tsunami alert warning sa mga dalampasigan ng Silangang Visayas region dahil ang epicenter ng nasabing paglindol ay nasa karagatan ng Pasipiko. Nagtaas din ng tsunami warning ang ilang bansa na nakaharap sa Pacific Ocean pero ang mga ito ay tinanggal na din. Medyo madami talaga ang mga pagsubok na naganap sa ating bansa nitonh Agosto. Nung una, bagyo, tapos sinabayan ng malakas na habagat, namatay si DILG secretary Jessie Robredo, tapos kambal na bagyo naman at humabol pa kahapon ang lindol.. haaayy.... sana magbago naman ang kalagayan at mga pangyayari ngayong Setyembre.. Good news naman sana.. Kape tayo...

The "Ber" Months

Naisip ko na lang bigla kaninang umaga na Setyembre na naman ngayon, sa kultura at kasanayang Pilipino kapag Setyembre na "Ber" months na ang tawag dito, ibig sabihin papalapit na naman ang araw ng pasko. May mga pagkakataon na naaalala mo ang ilang mga paskong lumipas, minsan naman ay ang mga paskong matagal ng nagdaan.  Nakakapagbigay ang mga ito sa atin n lubos na kasiyahan lalo na kapag alam natin na ang mga kasama natin sa mga paskong ito ay ang mga mahal natin sa buhay na ngayon ay hindi na natin kapiling..  Senti? pwede pero pakiramdam ko hindi lang ako ang ganito ang pakiramdam sa mga panahong ito..  Haayyy.....