Posts

Showing posts from September, 2011

What A Month (September 2011)

Image
Huling araw na ng buwan ng Setyembre ngayon... Napakadaming mga pangyayaring naganap nitong mga nakalipas na mga araw at Linggo.. Ibat-ibang emosyon, kasiyahan at kalungktan ang naramdaman ng bawat isa.. Meron tungkol sa trahedya, kamatayan, kalamidad, pag-ibig, kasiyahan, pag-asa atbp. Nawa'y mas maganda ang mga parating pang mga araw sa ating lahat. Paalam Setyembre 2011...

World Heart Day 2011

Image
Alam nyo po ba na ang September 29, 2011 ay ang World Heart Day? Opo kung kaya napakadaming mga organisasyon sa buong mundo ang sumasagawa ng mga sabayang activities upang mapalaganap ang kaalaman kung paano ang tamang pangangalaga sa pinakamahalagang organ ng ating katawan, ang ating puso! At dahil nga World Heart Day ngayon, napakasarap magsabi ng I LOVE YOU! Awoosshhhh!

World Heart Day!

Alam nyo po ba na ang September 29, 2011 ay ang World Heart Day? Opo kung kaya napakadaming mga organisasyon sa buong mundo ang sumasagawa ng mga sabayang activities upang mapalaganap ang kaalaman kung paano ang tamang pangangalaga sa pinakamahalagang organ ng ating katawan, ang ating puso! At dahil nga World Heart Day ngayon, napakasarap magsabi ng I LOVE YOU! Awoosshhhh!

Walang Pahinga

Kakalabas pa lang kahapong ni Bagyong Pedring at heto na naman at nagbabadya na ang pagpasok si Bagyong Quiel sa Philippine Area of Responsibility... Nung una kong nasubaybayan sa website ng Japan Meteorological Society ang paparating na bagyong ito ang forecast ay sisilip lang ito sa land mass ng Pinas pero sa mga nakaraang updates ay mukhang sasapul daw ito sa Northern Luzon... Tsk tsk tsk... Kapit Bayan!

Posers Are On The Loose

Image
Bwakanangina! ha ha ha.. Ang daming posers ngayon... Meron sa Facebook at ilan pang mga community networks pero meron din sa totoong buhay.. Bakit nila ito ginagawa? Hindi natin alam.. Hindi ko rin alam. Identity theft? Hmnn.. maybe... Fear of the real thing? Hmnnn.. could be... Be cautious friends... Maging mapagmatiyag! Matang Lawin

Tropical Storm Pedring

Image
Matindi ang pagod na natamo ko kahapon dahil sayo Pedring.   0300HRS Gising na ako, ang lakas na kasi ng ulan, parang may nagsusuntukang sampung pusang kalye sa bubomg   0400HRS Nag text na ako sa supervisor ko na hindi ako papasok.   0430HRS Naka-monitor na ako sa TV at sa internet sa mga updates tungkol kay Pedring...   0600HRS Uminom ng paracetamol.. Naramdaman ko kasing mainit na naman ako... tsk tsk tsk   0700HRS Patuloy na monitoring sa radio ng barangay at sa iba pang frequency..   0730HRS Hinatid si Mildred sa sakayan sa pagpasok nya.   0800HRS to 1200HRS Paikot-ikot sa buong barangay (activated na ang Brgy Disaster Risk Reduction Council)   1230HRS Tanghalian   1300HRS Back to monitoring   1330 to 1800HRS Nawalan ng kuryente sa buong Frisco area.. Nnatiling nakamonitor sa mga pangyayari... Bigay ng updates sa mga friends sa Facebook...   1830HRS Bumalik na ang kuryente Bumalik na rin ang lagnat ko Paracetamol ullit   1900HRS Ligo (opo ga...

FownCol

Salamat sa pagtawag niya nung Huwebes Akala ko nakalimutan mo na ang kaarawan ko, Mali na naman ako. Kinumpleto mo ang araw ko... Salamat sayo.

All About My 35th Birthday! (AN OPEN LETTER TO ALL OF YOU)

Gustung-gusto ko sana pasalamatan lahat ng bumati sa akin sa Facebook (FB), kasi kahit kung saan-saan dumadaan ang mga messages ng mga nagmamahal sa inyong lingkod ay naipadala nyo pa rin ang inyong mga pagbati! May ongoing updates yata na ginagawa ang FB kaya ganun ang situation kahapon. Parang gusto ko na tuloy bawiin ang mga donation at pledge ko sa FB dahil dito.. Kaya mas minabuti ko na lang gawin ang liham na ito para sa inyong lahat na nakaalala at nagpadama sa inyong lingkod.. Of course, in no particular order. 1976 A.D. Unang-una 35 years old na po ako.. taong 1976 ako ipinanganak; ongoing ang martial law sa bansa nang mga panahong iyon; idinaos din ang summer olympics sa Montreal, Canada nung time na yun, 1976 din ng unang itinayo ang Apple Computer Company... At ang pinakamahalaga sa lahat, 1976 ipinanganak si second-born child nina Jorge Maranon Angad at Asuncion Pedasay-Angad si Christopher George P. Angad.. (haba ng pasakalye).. Ipinangalan mula sa a...

Edata Medical Center

Bwakanangina! Kaliwa't kanan ang ubo, bahing at singhot ng mga tao ngayon dito sa opisina! Kung papakinggan mo, iisipin mo na nasa isa kang pulmonary ward ng isang ospital sa dami ng umuubo! Binilang ko kanina! 40 ubo,  20 singhot at 5 bahing (in one minute) Whewww! Grabe ang lulusog ng mga tao dito! Healthy lahat! I think I can already call this madapaking company "Edata Medical Center"! Bwakanangina!    

MULTISPORTS (ULTRA EDITION)

Nakausap ko ang isa kong tropa kanina lang.... Tumakbo daw sya at lumangoy sa Phil Sports Arena (ULTRA) sa Pasig City... Nung tinanong ko sya kung magkano ang bayad sa ULTRA; ang sagot nya TAKBO 35 SWIM 60. Kaya tinanong ko na rin sya kung magkano ang IHI at TAE ; Ang sagot sa akin ng gagong kaibigan kong ito.. IHI, TAE LIBRE JAKOL MAY BAYAD..   Ewan... :)

Martial Law - Isang Paggunita

Image
Ngayon ang ika 39th na anibersaryo ng pagkakadeklara ng dating pangulong Ferdinand Marcos noong December 212, 1972.. Hindi pa ako ipinapanganak ng mga panahong iyon pero isa din akong martial law baby tulad ng marami sa mga nakakabasa ng sikat ng blog kong ito (naks!) Karamihan sa mga istorya tungkol sa martial law ay narinig ko na lang sa aking mga magulang, sa telebisyon, at sa mga aklat noong ako ay nagaaral pa sa paaralan.    Basta natatandaan ko kumakain ako ng nutribuns dati noong ako ay nasa mababang paaralan pa.. Ito yung tinapay na may sangkap daw ng pampatalino at pampalaks upang maging mahusay ang kabataan sa pagaaral at paglalaro (naniniwala ako dito ng konti).   Madami daw nagbuwis ng buhay ng mga panahong yaon at ang kalayaan ay hindi mo daw matanaw; pero mayroon din akong mga naririnig na mga matatanda na nagsasabing mas maganda pa daw ang buhay ng tao nung panahong iyon! Ang kasagutan siguro at depende sa antas ng buhay mo (noon at ngayon)..   Basta ako, mas n...

United Nations International Strategy for Disaster Reduction (UNISDR)

Image
Tulad ng nakwento ko kanina umattend ako ng seminar workshop kahapon... That was a workshop for the United Nations International Strategy for Disaster Reduction (UNISDR); medyo mahaba ang pangalan ng organization ha ha ha... Basically, disater risk reduction as well as disaster management ang topic ng nasabing workshop.  We assesed the current capability of our city kung paano ba talaga ang approach ng ating lungod kapag may dumating na kalamidad.  Unfortunately, on a scale of 1 to 5 (5 being the highest), 3 lang ang ibinigay kong grade.. Hindi dahil sa kuripot ako sa pagbigay ng grado kungdi yun naman talaga ang kasalukuyang kakayanan ng ating lungsod.   Pero, madami naman akong natutunan lalo na sa mga ideas and sharings ng ibang mga participants na nandun... At least, kahit papaano ay mayroon akong maaring i-share sa mga constituents ko and para mailatag din sa barangay council ang ilang mga suggestions in order for us to be more prepared and react positively when disaster strike...

SUPSUP NA SUPSUP

Image
Nasa Quezon City Hall ako kahapon upang umattend ng isang seminar work shop regarding disaster assesment and management from the United Nations.  Paparating pa lang ako sa bulwagan ng city hall ay kapuna-puna na ang kapal ng tao. Nung naitanong ko sa isang parking attendant kung ano ang meron, sinabi nya sa akin na darating daw si "Shancy" Sapsap.. Hindi ko alam kung joke lang yun or mali ang dinig ko  pero ganun talaga ang sinabi nya... Malamang sobrang pagod  na ang magandang dalaga sa biyahe sa eroplano, interviews, meeting with PNoy (bago magpunta ang pangulo sa Amerika), pero game pa rin sya sa kanyang mga activities.... Syempre, tulad ng inaasahan mo hinintay ko din ang pagdating ng ating 3rd runner up sa katatapos lang na Miss Universe 2011 na ginanap sa bansang Brazil... Nung dumating si Shamcey, nasa kotse pa lang sya ay napansin ko na na napakapayat na tao ng babaeng ito, pero nung lumabas ay parang nagiba ang ambiance sa city hall.... na star struck ang mga tao...

Wakohsey

Ano ba dapat kong isulat ngayon? Dapat ba poetry, politics, love, jokes, or current events ang topic ko? Ala eh, empty ang mind ko... Galing-galing na husay-husay pa kasi eh.... Mamaya-maya meron na akong mailalagay na update dito.. Sensya na sa mga mambabasa.. Kindly standby... Mag-update ako later.. Good morning!

Mayweather 9:18

Image
      May matututunan din pala ako sa walang kawenta-kwentang laban kanina nina Ortiz at Mayweather... Protect youself at all times at dont trust anybody.... maliban dun wala na..         Nakakatakot lang, kasi alam natin si Pacquiao mahilig makipag touch gloves... pero hindi naman sya syepre estupido tulad ni Ortiz...            
Image
Nakakatuwa talaga ang lyrics ng kantang ito...  Nung Biyernes pa ng gabi ako na-LSS dito eh.. Simple lang ang lyrics pero makahulugan... Sarap ulit-ulitin..

Basta't Kasama Kita

Image
Maraming salamat kay Leo sa pagpasa sakin ng kantang ito (via Bluetooth)... Ganda! Old school na old school! wheww! Sa tuwing tayo'y magkakalayo, hindi matahimik ang puso ko.. Bawat sandali hanap kita, 'di mapakali hanggang muling kapiling ka… Dahil kung ika'y makita na, labis labis ang tuwang nadarama… Magisnan lamang ang kislap ng iyong mata, kahit ano pa ay kakayanin ko na… Basta't Kasama kita, lahat magagawa lahat ay maiaalay sa'yo … Basta't kasama kita, walang kailangan pa wala nang hahanapin pa basta't kasama kita Giliw, sana ay ikaw na nga, ang siyang mananatiling kasama ko Dahil kung ika'y mawawala, pati lahat sa buhay ko'y maglalaho Basta't Kasama kita, lahat magagawa lahat ay maiaalay sa'yo … Basta't kasama kita, walang kailangan pa wala nang hahanapin pa basta't kasama kita Walang kailangan pa.. Wala nang hahanapin pa Basta't kasama kita

100 Days To Christmas

Image
Ang bilis talaga ng panahon parang kailan lang ang nakalipas na pasko at heto na naman isang daang araw na lang Pasko na ulit! Nakita ko lang ito sa mga posts ng ilan kong mga kaibigan sa Facebook kanina. Hindi ko man lang namamalayan na "Ber Months" na pala ngayon! Super late na talaga ako. Naalala ko dati ang maternal lolo ko dati, kapag ganitong Setyembre na nagsisimula na siyang magpatugtog ng mga Christmas songs gamit ang kanyang turn table (de-plaka). Iba ang feelings kasi ng mga tao kapag papalapit na ang kapaskihan, parang masaya na may halong lungkot! Masaya dahil syempre dahil sa mga parties, regalo, decoration, activities etc pero malungkot ka dahil naaalala mo ang mga taong hindi mo kapiling at hinding-hindi mo na makakapiling sa pagdiriwang ng kapaskuhan. Pero ganun pa man, Merry Christmas sa inyong lahat! :)

Smart Gilas Pilipinas lost to China 60-75

Talo ang ating pambansang koponan kanina laban sa mga Intsik 60-75 sa kanilang second game sa FIBA Asia Champiosnhip na ginaganap sa Wulan China. Very evident and height advantage ng kalaban kaya out-rebounded ang mga pinoy. Pero hindi pa tapos ang laban may laban pa ang mga Pinoy bukas against Bahrain. Keep the fire burning and keep your head up! Kaya nyo yan! Go Philippines!

Fwd: Ms. Shalani Soledad Ikakasal Na?

Image
---------- Forwarded message ---------- From: chris angad < chris.angad@gmail.com > Date: 2011/9/16 Subject: Ms. Shalani Soledad Ikakasal Na? To: chris.angad.kagawad@blogger.com Ikakasal na daw ang dating nobya ni PNoy na si Valenzuela City Councilor Ms. Shalani Soledad kay Pasig City Representative Roman Romulo... Ano kaya ang reaction ni PNoy dito? Sad din kaya sya? ha ha ha! Hindi naman sa nakikialam pero parang ang bilis kasi eh.. Wala lang.. Best Wishes! (in advance) :)

Another Locker Substitution

Kamakailan ay nakipagpalit ako sa isang babae sa ROR department ng locker sa pantry kasi nakita ko na medyo matatas para sa kanya ang locker nya.. Kaya at that time, from locker #40 ako ay naging locker #425 ako.... Two weeks ago sinabi sakin ni Enrico na nag-resign na raw ang bebot na yun kaya ibinalik nya na saking yung original locker ko.. Sayang ang ganda pa naman (nung locker) he he he! Kaya from Im back to locker #40.... Im back!!!

Congrats Ms. Shamcey Supsup

Image
Medyo two days late na ang post kong ito pero okay lang na maihabol... Congrats kay Ms. Shamcey Supsup sa pagkakapanalo ng 3rd runner up para sa Miss Universe 2011. Nakakaasar lang dahil may mga tao na hindi pa masaya sa pagkakapanalo ng magandang dalaga. Hindi kasi maganda yung reactions ng iba na parang sinasabi nila na nadaya si Shamcey sa nasabing contest. Hindi kasi magandang halimbawa para sa mga kabataan na kapag natalo dinaya, kapag hindi nanalo sa election dinaya, kapag hindi nakapasa sa board exam hindi nagaral, etc. Dapat matuwas tayo kung ano ang ibinigay sa atin at maging masaya sa tagumpay ng ating kababayan. Kaya para sayo Shamcey ito ang masasabi ko.... Hanga at ipinagmamalaki ka ng lahing Pilipino!

Good Start

Image
As expected wagi ang pambansang koponan ng Pilipinas (Smart Gilas Pilipinas) laban sa United Arab Emirates sa score na 92-52 bilang pagsisimula ng kampanya ng RP para sa FIBA Asia Championship 2011 na nagsisilbing qualifier para sa London Summer Olympics sa 2012.  Mahina lang ang team ng UAE, pero bukas ang powerhouse China ang makakalaban natin, at stake dito ang Spratlys! Joke! Sa Sabado naman ng umaga ay ang koponan naman ng Bahrain ang ating makakalaban... Good start boyz! Take it one game at a time! Go Team Pillipinas!

Bulsa

Suot ko ngayon ang isang pantalon na mahigit isang taon ko nang hindi naisuot.... Natuwa ako dahil pagsuot ko nakakita ako ng isang 50-peso bill sa back pocket.... pero mas nabigla ako nang  nakita ko ang isang super lukot na papel... isang scratch paper... halos masira na sya pero mababasa ko pa rin ang nakasulat.. Nakasulat dito ang celphone number ng isang matagal ko nang hindi nakikitang espesyal na tao... Dito ko ito isinulat yung kanyang cp number nung nagkaroon ng isang pagpupulong nung nakaraang taon...Si theresa ang nagbigay sakin ng number na ito... anyway naka save din naman sa phone ko ang number... pero parang may sentimental value pa rin ito sakin....baduy! haayy.. bilis ng panahon.... ang bilis....

Tambay Sa GY

Image
TAMBAY Talagang may pagkakataon sa trabaho na kahit gusto mong gumawa ay wala ka namang gagawin.... 'Tinatamad na naman siguro ang mga Kano kaya wala silang mapadalang basura dito sa atin para gawing trabaho.  Ganyan talaga yatya ang mga pagsubok ng outsourcing, minsan meron minsan wala..   LOTS OF TIME Kaya dahil dito, napakadami kong pagkakataon sa gabing ito na magmuni-muni tungkol sa mga pangyayari sa aking buhay nitong mga nakaraang mga araw... tungkol sa pagtatapat, tungkol sa maling akala, tungkol sa pag-ibig at tungkol sa madaming mga bagay sa buhay-buhay.. Wag ka nang kumontra giliw kong mambabasa.  Nakikibasa ka na nga lang kokontra ka pa! Jowk!   BALITA Ilang araw pa lang ang nakakalipas nang may maka chat ako- nangangamusta.. nakikibalita.. akala ko pa naman tunay na kinukumusta talaga ako pero masamang balita lang pala ang kanyang dala. Pero okay lang, basta balita okay na yun.. basta sa kanya nagmula ayos na rin sakin...   MALING AKALA Masakit sa pakiramd...

Taxi Naligaw sa Quezon City

Natatandaan ko pa... Di ko akalain na sa tinanda ko dito sa Quezon City ay maliligaw pa rin pala ako dito... Opo.. naligaw ako...  Sa isang pambihirang pagkakataon na ipinikit ko ang aking mga mata ay di ko namalayan na nawawala na pala ako habang nakasakay sa isang taxi... Sa pagkakapikit ng aking mga mata ay naramdaman ko ang kasayahan na handog ng kalangitan kung kaya't sa maikling pagkakataon na yaon ay parang ayaw ko nang magising sa isang sitwasyon na animoy isang panaginip... Panaginip nga ba o katuparan ng pangarap na kay tagal ko nang inaasam-asam... Hindi mo binalak subalit nangyari... Ito ba ang tinatawag na hatid ng tadhana? Di ko alam... Marahil... Di ko makakalimutan ang gabing iyon... Hinding-hindi kailanman... Haayyy.... Buhaaayyyy....

Define Ergonomics

Nakakaasar sapagkat sa kabila ng kitang-kita namang mga reklamo tungkol sa hindi magandang disenyo ng mga mesa, upuan, keyboard, monitor etc ay ipinagpatuloy pa rin nila ang proyekto sa gusaling ito.. Halatang walang pakialam kung ang mga ito ay makakabuti or makakasama sa kanilang mga taon.... Nung una akala ko hindi na itutuloy sapagkat hindi talaga may kagandahan ang kinalabasan ng unang paggawa or di kaya ay nakinig sa mga tao.... Pero hindi itinulkoy pa rin nila... tsk tsk tsk

Gawin Mo ang Nararapat

Dapat mong isagawa ang isang mahalagang bagay at desisyon, Dahil GUSTO mo itong gawin... Hindi dahil DAPAT mo lang itong gawin... Malaki po ang pinagkaiba nun...Malaki... Pagnilay-nilayan mo... pag-isipan mo... Kape tayo...  

Three Hours Only

Part of my musings and contemplations on whats happening with my life these days is about a young boy who once made my night complete... Parang 5 years yata sya nung sinabi nya ito but the fact na sinabi nya ito and without any form of hesitation ay sapat na para humanga ako sa kanya... Sayang nga lang at hindi ko na siya yata makikita ng madalas because of many reasons.... Heto ang kanyang mga salita... "Mommy... huwag kayong magtatagal ni tito huh... three hours lang kaya para mabilis.. okay?" Wheewww..... Wataboy... Saludo!

Love That Lasts A Day After Forever

Minsan lang ako humiling ng favor, Hindi mo pa ako napagbigyan... Simple lang yun at payak, Subalit hindi mo ibinigay kayat ngayon ay matamlay...

Ninong Sa Kasal

Nagninong ako sa kasal kahapon Sept 8, 2011 sa Most Holy Redeemer Parish sa Masambong... Ayaw maniwala nung mga staff ng simbahan na primary sponsor ako.. Akala nila abay lang either sa veil or sa cord... Tanda ko  na talaga yata....  

STO. DOMINGO CHURCH

Dalangin ko'y iyong kaligayahan, Pag-ibig na tunay nawa'y iyong makamtan... Kaligtasan laban sa anumang sakuna, Palagi kong hangad na ikaw ay lumigaya... :)

The Pasong Tamo Experience

Dahil wala akong magawa ngayong gabi, mas minabuti ko pang maglakad ng medyo malayo para naman malibang ang aking inaantok na katawan... Umabot pa ako sa kanto ng Pasong Tamo at Buendia Ave para lang kumain ng aking meryenda ngayong madaling araw.... Sa aking paglalakad ay napakain ako sa isang tapsilogan.. At syempre dahil sa tapsilogan ang aking pinuntahan ay hindi ako kumain ng hamburger kungdi kumain ng tapsilog, isang special iced tea at ang walang kamatayang extra rice... Busog! Solve! Naglakad muli ako pabalik sa RCBC.... Pinagpawisan ako ng maganda.. Heto ako ngayon, gutom ulit.... Haaaayyy.....

BUTAS NA GULONG

Nahirapan akong makauwi nung Huwebes..... Napakabagal ng pagpapaandar ko ng aking motorsiklo... Papaano, may tumubong bukol dun sa front tire ko... parang boobs ng isang dalagita.. nakakaasar parang bumiyahe ako sa isang malubak  na kalsada mula dito sa Makati hanggang sa Quezon City... haayy buhay.... Kapag sinuwerte talaga ako ng kaunti bibili ako ng kotse.. yung walang suso sa gulong...

My Left and Right Hand

"Don't let your right hand know what your left hand is doing"   Isa yan sa mga mahahalagang aral na natutunan ko sa bibliya.. Ang pag-gawa at pagtulong ng hindi nagmamalaki... Ang pagtupad sa tungkulin na hindi na dapat ipinagsisigawan... Alam na ng tao ang iyong ginagawa at lalong alam ng Diyos ang kundisyon ng puso mo habang isinasagawa mo ang kabutihang ito. :)

Inconsistent Manila Weather

Parang may water proof ang buong Makati City kanina... Napakalakas ng ulan kanina pa lang bago ako umalis ng bahay at tulad ng dati lakas-loob kong sinugod ang hagupit ng ulan suot ang aking pamosong kapote... Hindi tumitigil sa pagbayo ang ulan na may kasabay pang panaka-nakang kulog at kidlat. Pero nang dumating ako sa boundary ng Makati at Maynila ako ay nabigla sapagkat parang disyerto sa pagkakatuyo ang mga kalsada sa Makati.. Nagtitinginan tuloy ang sino man na nakakita sakin na parang bumubulong " Parang tanga yung mama, ang init-init naka kapote"... Hmnnnn.....