Posts

Showing posts from August, 2011

The One...

Pwede mong dayaain ang sarili mo, Maaari mong ipasinungalingan ito... Kung siya na nga dapat ikaw ay masaya, Pagkat kasiyahahan mo ang tunay na mahalaga...   Gawin mo ang nararapat yan ang tama, Nararapat kang lumigaya at iyo ay hindi masama... Nawa'y sa bisig nya iyong matagpuan, Tunay na ligaya na iyong inaasam-asam...

Balita???

May nabalitaan ako... Mula sa isang mapagkakatiwalaang source.. Totoo ba ito? o kasinungalingan? Kung ano man ang sagot ay hindi ko rin alam... Subalit kung sa iyo ko maririnig ikaw ako'y maniniwala... Sapagkat alam kong tapat ka sa iyong mga salita...  

Earth Run August 28, 2011

Image
Tatakbuhin ko sa Linggo ang 3rd half marathon ko para sa Earth Run 2011.. Gaganapin ito sa The Fort... Sana gumanda ang panahon sa Linggo ng umaga pero ganun pa man rain or shine lalarga ako.. Good luck to all the runners!  Keep running!

Papel

Sayang lang ang mga papel na ginagamit sa walang kwentang paraan. Kaya nga may computer para wag nang pagdiskitahan ang mga kawawang papel. Mga papel na nagmula pa sa mga matatayog na puno sa kagubatan at kung saan-saan. Tapos gagawin nyo lang na scratch??? Kamote talaga kayo!

Maling Akala

"Hello... Kmusta ka na" "Hmnnn... sensya na sa abala" Akala ko pa naman ay may mapaghihingahan ako  ng sama ng loob sa mga oras na ito. Akala ko ganun pa rin ang sitwasyon na palagi lang nandyan sa mga pagkakataong kailangan ng bawat isa ng balikat na maaring sandalan at mga payong maaari kong pagbunutan ng lakas... Pero hindi ako pinansin... Parang nangumusta lang ako sa isang malamig na pader... Nagkamali nga ba ako? Hmnn.. Hindi ako alam.. Maling akala yata ang tawag dito...  

U-Turn Officers

Parang tanga lang yung ilang mga tauhan ng MAPSA dito sa Makati... Halos sa araw-araw na pagpasok sa opisina ay parang mga u-turn violators lang ang  kanilang hinuhuli... Nagtatago... Parang mga asong ulol dun pa naman mismo sa tapat ng kanilang central office.. Sana tumulong na lang kayo sa pagsugpo ng traffic para wala nang driver na gagawa ng traffic violations hindi yung hinihintay nyo silang mag-violate para mag Ko_ong kayo... Ang ganda pa namang ng mga uniporme nyo! Mga kamote!

Too Long and Too Hard To Handle

Matagal-tagal na rin ako dito sa kumpanyang ito; halos walong taon ko nang binubuno ang pakikinig sa mga dictations ng mga Amerikanong doktor.. Minsan naiisip ko na parang sinayang (sinasayang) ko lang ang aking kabataan sa isang hanapbuhay na hindi naman nakakapagbigay sa akin ng kaligayahan; maging ito ay financial o kung ano pa man...   Nakita ko sa kumpanyang ito ang iba't-ibang klaseng mga nilalang nung pa lang unang araw na tumuntong ako dito; simulan mo na sa boss na ubod ng kunat, manager na pasikat, supervisor  na walang alam at mga kasamahang pakitang gilas pero wala naman talagang ibubuga...   Pero kung tatanunging ako kung bakit ako nananatili dito... ang tanging sagot ko ay "hindi ko alam".. nagpapaloko ba ako sa mga gagong ito.. hindi ko alam..... dahil ba madali lang ang trabaho dito? di ko alam..   Pero hindi naman ako nababalam sa mga fukinanginangmgaito.. hindi ako tatayuan ng kahit isang balahibo o bulbol para kabahan sa mga kagaguhan nila..  ...

Men and Women In Black

May listahan daw nang mga taong nagsuot ng itim sa isang pagdiriwang.. Animo'y nagluluksa... Parang nagproprotesta.. Sino ang may kapakanan ang kanilang katanungan.... Tangina nyo! Kahit magtanong ka sa akin ang sagot ko sayo, "Hindi ko alam"...  

Ninoy Aquino Day Run sa UP

Nag subscribe ako sa 1 day unlitext sa Globe kahapon.. Dahil dito, napag tripan kong mag forward ng mga good morning messages ko sa ilang mga kaibigan... Nag reply si Richard... Nagyayayang tumakbo akala nya siguro uurungan ko sya.... Tumakbo kami sa UP Diliman Acedemic Oval approx 2HRS26mins.. Alas 10 ng umaga hanggang 1:30 ng hapon... Si Jeff nga pala nakahabol din (mga 1 hour late) sabay tsibog ng tapsilog with extra rice sa Rodic's..   Sa uulitin muli mga ginoo!  

A Photograph Of You

Image
I still have the photograph of you I've kept it all these years... I guess it would make you laugh to know It still brings back the tears... From another place and time When your love was mine...   A picture of innocence your eyes They move me even now.. If I had the confidence I'd try To bring you back somehow To another place and time When your love was mine... Mayve I'm just a sentimental fool Bringing back memories From a photograph of you...     Mapagmalaki nyang ipinagyabang na naitabi (naitago) pa niya ang luma nyang larawan... Subalit napahiya sya ng sumagot itong nasa akin pa rin ang picture mong ibinigay mo sa akin ng tayo pa ay nagmamahalan (walang tiklop at parang bago pa) Classic... :)          

Relo Lang

sampung taon nagpakahirap.. relos lang??? @(&&**&%&*&(*&%*&(*&^%*O*)^

Today is the 10th Year Anniv of eData

Image
Hmnn... wala lang... nabanggit ko lang..... yun lang.. wala namang talaga eh..    

Bagong Patakaran (na naman)

Parang naghihigpit na naman ang mga kamote, pati paggalaw ng mga tao pinapakialamanan.. Sigurado ako kapwa na naman nating pinoy ang may mungkahi nito; syempre nagpapasikat dun sa kupal na Meksikano..  Ano naman kaya ang susunod? Baka ipagbawal na ang paghikab, o di kaya'y pag-ubo, pag-bahing, pag-kurap ng mata...   Heto lang ang masasabi ko sa inyo sa mga bagong patakaran na ito... $&&*&^^%&^*&()()(*)$#$#%#+_(( PASIKAT T KAYO!  @$%^$%&^*^&((*()

Nars

Inaalagaan mo at ginagamot ang sakit ng bawat tao, Sa araw-araw sa pagamutan sila'y kasama mo... Subalit bakit ang iyong sariling puso ay may sakit, Sa pagkawalay sa iniirog mong puro hinanakit...

Araw

Kapag narito ka ikaw ang laging pansin, Sa madilim na pananaw ikaw ang siyang ningning... Subalit sa pagkawala mo sa oras ng takip silim, Patluloy na umaasang magbabalik ka sa akin...

Pahinga Para sa Pagal na Mata

Pitong oras na akong nakatitig sa computer monitor sa harap ko, Walang gawain at walang gagawin ang grupo sa araw na ito... Ano sa palagay mo ang dapat kong gawin, Upang ang oras ay kumilos at makagalaw na ako sa pagkakadiin...  

Hangin

Image
Tinatangay mo laman ng isip ko, Sa mga lugar na nais ng puso ko... Subalit pagal na ang aking pananaw, Sa mga bagay na hindi ko matanaw...   Saan hahantong ang aking paglalakbay? Dito ba o duon tulad ng pusong may lumbay? Kapag nakita mo na ang tunay na mahal mo, Saang dako man ng daigdig, saang sulok man ng mundo...  

Maling Pangalan

Yun ay isang araw sa buhay nila na hindi malilimutan, Dahil magkasama ang dalawang puso kung kaya't dama ang kasiyahan... Ngunit pagdating ng gabi'y maling ngalan ang namutawi, Mula sa kanyang bibig na tunay na masidhi...   Subalit ito ay kanyang pinagsisihan, Upang ang kapatawaran nya ay kanyang makamtam.... Sa mahihigpit na yakap at diin ng mga halik, Pagibig na tunay ang parati'y sinasaliksik...    

Ilog

Image
Sa patuloy mong pagdaloy katumbas ay panaghoy.. Sa damdaming madalas malungkot at mga panahong ika'y nakasimangot... Wag kang matakot wag kang mangamba Sapagkat nananatili pa rin ang pangako ko, Dahil sa iyo ang ilog ng puso ko oh aking sinta...    

7771.47 KM

Napakalayo pala ng tatakbuhin ko... Sa 7741.47 kilometrong pagitan mo mula dito sa kinatatayuan ko.... 184 marathon ang katumbas nito subalit kung hihilingin mo'y gagawin ko, Asahan mong ako'y darating para lamang mapalapit sayo...   Cheezzzyy?    :)    

Mideo Cruz' Exhibit

Image
Nakakaatwa dahil yung nasabing art (art nga ba?) ni Mideo Cruz sa Cultural Center of the Phililppines (CCP) ay nakakakuha ng mahabang airtime mula sa dambuhlang networks ng telebisyon at radyo samantalang ang Philippine Dragon Boat Team na naguuwi ng mga medalya at karangalan mula sa kanilang sinalihang World Championship ay nakakakuha lamang ng pasulput-sulpot at kakapiranggot na oras at atensyon mula sa mga news agencies sa buong kapuluan... tsk tsk tsk

Quezon City Job Fair August 9, 2011

Image
May job fair daw ngayon sa Quezon City Hall... May mga trabaho daw both local and for abroad... Sa mga nais mag-apply magdala lang nga mga credentials nyo.. Good luck...

Nasa isip

Image
Nasa isip kita saan man ako magpunta, Ikaw ay kasama ko sa aking alaala... Ano man ang mangyari ano man ang gawin, Pag-ibig na tunay ang aking nanaisin..   Cheeezzy......

Makukulay na Lobo

Image
Magaganda at makukulay na lobo, Ano ang silbi kung suweldo nyo ay parang napako.... Kape at Milo na hindi maubus-ubos, Tila walang halaga kung ang mga manggagawa ay naghihikahos....  

One Nice Afternoon

SA ISANG lakad napakadami nilang napuntahan... Sinundo sya sa kanilang bahay Nagpunta sa SM San Lazaro para bumili ng pangregalong t-shirt Nagpunta sa Bambang may biniling scrub shirt. Nahuli ng pulis (dahil sa no entry traffic violation sa Ongpin) Nagpunta sa Binondo para bumili ng Hopia Kumain sa KFC Sta. Cruz Nahuli ulit ng pulis (dahil sa traffic violation ulit -  no right turn on red signal sa Recto) Nagpunta ng Quiapo Nagpunta ng Goldilocks Umuwi. Whewwsss... Dami :)

My 35th National Milo Marathon Analysis

NATAPOS KO ang 21k nung Linggo sa Mall Of Asia para sa 35th National Milo Marathon...(my second 21K) The weather Hindi nagbigay ng puwang ang ulan nung race day.  Sabado pa lang ng gabi desidido na akong tatakbo sa buhos ng ulan kinmabukasan at ganun na nga ang nangyari... 3AM Maaga ako gumising kasi alam ko na masama ang panahon..kaya pagkatapos kong mag-almusal, maligo (opo naligo ako kahit umuulan) at naihanda na ang lahat ay umarya na ako... Dinaaan ko muna sa San Andres si Jeff bago kami sumugod sa MOA sa lakas pa rin ng ulan.. Nagsimula naman ang karera ng 5am (as scheduled)... late si Mark kaya nauna na ako sa kanya... My right knee Maganda ang pakiramdam ko sa event at hindi ako masyadong napapagod.. bad trip lang at may naramdaman akong sakit sa kanang tuhod ko sa 13km point ng karera.. Parang nagsasalita ang tuhod ko at nagsasabi sa akin na tumiugil na ako pero hindi ako nagpatalo sa complain nya.. Sumasakit siya tuwing hihinto ako sa water stations pero kap...