Posts

Showing posts from July, 2011

Two Days Before the 35th National Milo Marathon

Image
Dalawang araw na lang Milo Marathon na ulit.. First time this year na gaganapin sa Mall of Asia.. 21K ang tatakbuhin ko  ngayon sa Milo. Pangalawang 21K ko na ito (Natures Valley Run 2010 first ko) Sana maganda ang maging result ko this time.... Sana yung training na ginawa ko ay maging sapat para sa Linggo.. Keep running!

Ikalawang Kabanata (Philippine Azkals versus Kuwait) July 28, 2011

Image
Mamaya na ang laban ng Philippine Football Team laban sa National Team ng bansang Kuwait na gaganapin sa Rizal Memorial Stadium… Lamang ang Kuwait ng tatlong goals…. Gusto ko lang itama ang mga salita at pahayag ng ilan na "imposible" na daw na manalo ang Pilipinas laban sa mga arabo.. Dapat kasi ang tamang salita ay "improbable" hindi imposible.. Magkaiba po kasi yun... Pero tulad ng sa basketball at sa ibang sports (na may bola) Active pa naman ang kasabihang "Bilog ang Bola"! Down man ng tatlong goals ang mga Pinoy ay naniniwala ang mga Pilipino na kaya natin ito... Basta suportahan na lang natin ang mga rock stars ng ating pambansang koponan sa futbol.. Mabuhay Azkals!  

Nothing Permanent Except Change

May na-encounter na naman akong classic example ng kasabihan " There is nothing permanent except change".. Nakakagulat.. Nakakapagtaka.. Pero totoo talagang nangyayari.. True to life story... Kahit sa mga taong hindi mo inaasahan ay nagaganap ang pagbabago... Maraming dahilan daw kung  bakit ito nangyayari, Nanadyan na ang pera, kapangyarihan, posisyon.. Dapat talaga hindi ka basta-basta magtitiwala sa lahat. Mahirap magtiwala ng lubusan Mahirap ding makipagkaibigan ng lubos.. Haaayy.. What a rainy day...    

Thanks Mam Cel

Image
Galing sa Singapore si Mam Cel... Sa bansang hindi pa uso ang babolgam.. Nagbakasyon sya dun ng limang araw... Nagpunta din sya sa Malaysia ... Malamang nakita nya din ang mga malls dun na parang nasa Ever Gotesco ka lang.. Back to work na sya ngayon... May pasalubong akong Merlion metal keychain.. Salamat Mam Cel.. Sana araw-araw kang nagbabakasyon.. Ha ha ha  

Transformers 2

Bwakanangina! kahapon ko lang napanood ang Transformers 2 sa HBO... Super late na talaga ako dahil nasa pinilakang tabing na ang Transformers 3... Salamat sayo HBO binuo mo ang kulang kong mundo....  

Tropical Storm Juaning

Image
May tropical storm ngayon sa Philippine area of responsibility... Kasama ang Recto Bank (ha ha ha)... Tropical Storm Juaning ang pangalan.. Medyo malakas daw ang posibleng epekto ni Juaning lalo na kapag nag-landfall sa lugar ng Aurora at Quezon provinces sabi ng PAGASA-DOST. Walang pasok ngayon ang mga magaaral sa National Capital Region ( NCR )... Basa ang paa ko sa pagpasok kanina dahil sa lakas ng ulan... Nalulungkot ako dahil sa panahon at dahil sa kulimlim ng aking kalooban.. Haayyy.....  

Lumbay

Image
Miss na kita... promise….

U.P. Run and Rodic's Tapsilog With Carlos and Mark Q.

Image
Tumakbo nga pala kami kahapon nila Carlos ang Mark Quebec sa U.P. Diliman.. Tatlong ikot around the Acedemic Oval (2.2km times 5) plus a 6-km run around U.P. Pagkatapos tsibog sa Rodic's Tapsilogan sa loob pa rin ng UP para sa isang malupit na almusal  kung saan nakakita pa ako ng isang original na sketch ni Larry Alcala sa loob mismo ng Rodic's tapsilogan titled UP in the 50s' (cool).. Masaya ako dahil first time ko makasama si Carlos sa isang practice run... Sa uulitin mga katoto... Keep running!    

4th Place Volleyball Finish

Kanina lang natapos ang sportsfest ng edata... 4th place lang kami  sa volleyball, third ang red, second ang green and champion ang blue.. Pero second kami sa overall awards... Congrats sa lahat ng naglaro... Mabuti naman at natapos ang palaro ng walang nasaktan.. New friends.. new pals.. God bless sa lahat ng players tsup... he he he  

State of the Nation Address of His Excellency Benigno S. Aquino III President of the Philippines To the Congress of the Philippines

Image
State of the Nation Address of His Excellency Benigno S. Aquino III President of the Philippines To the Congress of the Philippines Delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasan Pambansa Complex, Quezon City on July 25, 2011 Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; Chief Justice Renato Corona at ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kasapi ng diplomatic corps; mga butihing miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga Local Government officials; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan; At sa mga minamahal kong kababayan, ang aking butihing mga boss: Humarap po ako sa inyo noong aking inagurasyon at sinabing: Walang wang-wang sa ating administrasyon. At ngayon, patuloy nating itinitigil ito. Naging hudyat a...

Goodbye GY

Image
Salamat at natapos na naman ang isang napakahirap na schedule.. ang graveyard shift.... Hirap-na hirap ako sa nakalipas na dalawang Linggo.... Buti na lang at PM shift na ako next week. Mas okay yun dahil kahit papaano makakatulog ako ng mas mahaga... Thank you Lord! J

Limang Ikot sa U.P. Academic Oval

Image
Tatakbo dapat kami ni James (pinsan ko) sa Amoranto Sports Complex sa Roxas District pero hindi kami nakatakbo doon dahil may event ang Jesus is Lord sa nasabing venue kaya napagkasunduan na lang naming tumuloy sa U.P. Diliman para doon namin ipagpatuloy ang pagtakbo tutal nakamotorsiklo naman kami kaya wala namang problema.   Tinakbo ko ng limang ulit ang kahabaan ng Academic Oval... Sabi nila around 2.2km daw ang isang ikot (halos ganun din ang sukat ko sa odometer ng motor).. so mga 11km din pala ang distance na na-cover ko kanina.. malamig na buko juice ang nagsilbing rehydrating liquid ko kanina.. tatlong baso ang naubos ko...   Bukas ulit.... yahooo!!!!    

Congrats to Chris and Raymund!

Image
Best wishes to the Newly Weds!   Mr. and Mrs. Raymund and Chris Marianne Angad-Fuentebella!!   God bless you and your family!

Dahil Mahal Kita

Image
Ano man ang sabihin nila, Ika'y patuloy kong mamahalin... Maging sino ka man, Di na magbabago ang pag-ibig ko... Dahil minamahal kita, Walang makakapigil sa aking damdamin...   At dahil mahal kita handa akong magparaya, Kahit katumbas nito'y kasawian… Dahil mahal kita sa 'yo lamang liligaya, At di na muling iibig pa!        

My Reebok ZigReturn XT

Image
Parang naiinlove yata ako ngayon sa Reebok.. Napagtripan ko bumili ng running shoes sa SM North... 30percent off kasi sya kaya pinatos ko na... Sana maganda ang performance ng pares na ito.. Welcome to the running world my new Reebok ZigReturn XT....

Walang Kapote

Image
Pauwi ako galing sa opisina kahapon... Sa dinami-dami ng araw na dala ko ang kapote ko ay natiyempuhan na hindi ko sya dala kahapon. Sinubukan ko munang pahintuin ang ulan pero nabigo ako.. Kaya, dahil sa medyo gabi na ay napilitan akong sugurin ito tutal pauwi na naman ako.. Syempre, basang-basa ang damit ko nang makarating ako sa bahay, sapatos, pantalon atbp...   Kanina naman ang lakas ng ulan sa Quezon City kaya syempre nakakapote akong pumasok. Ang siste, pagdating ko sa SM CenterPoint wala nang ulan. Hindi ko na hinubad ang kapote baka kasi pinapadama lang ako ng sikat ng araw. Nakarating ako ng Makati na pawisan ang katawan at pinagtitinginan ng tao at feeling ko sinasabi nilang "anong problema ng lalaking ito? nakakapote"...   Climate change nga naman.. Hmnnn... Siyyyyettt.!!!!

A Toxic Day

Image
Medyo late na kwento nito pero kwento ko na rin...   Last day nabaka-busy ko... maaga nagsimula ang araw ko...   6:45-- pinaliguan, pinakain at binihisan si George... 7:30-- hinatid si George sa school. 8:00 hinatid si mildred sa DOH 8:00 - 10:00 tumambay sa DOH Central Library 10:00 nagpunta sa Balagtas Elementary School at kinumusta ang mga matatandang teachers dun.. 11:00 Balik DOH.. 11:30 Lunch sa KFC sa Santa Cruz ( parang kailan lang kumain ako dito) 1:00 PM Nagpunta sa USAID sa Vito Cruz 1:30 window shopping sa Harisson Plaza 2:30 Window shopping sa SM Harrison 3:00 Tumakbo ng ilang laps (kahit nakapantalon) sa Rizal Memorial track and field 3:30 Nagpunta ng Cartimar Pasay 4:30 Dumaan sa China town (Ongpin) para bumili ng En Bee Tin hopia (parang kailan lang din) 5:00 home 7:00 dinner 9:00 tumakbo ng 12.4km 11:00 nag check ng FB 11:30 TAPS...   What a day! Whewww    

Reebok Stick and Move

Image
Hmnnnn... Nakakita lang ako ng picture ng basketball rubber shoes ko sa internet.. Reebok Stick and Move.. Dati kasi akala ko Reebok Stop and Dish ang pangalan nya mali pala ako Reebok Stick and Move pala ... Sya ngayon ang kaagapay ko sa mga labanan sa hardcourt.. Kareretiro lang kasi nung Anta sneakers ko after two years of service... Masuerte na nga ang mga sapatos ko ngayon inaabot na ng taon konti na lang kasi ang sinasalihan kong liga di tulad dati six months pa lang nagrereklamo na ang paa ko.. But for now, si Reebok Stick and Move muna ang bestfriend ko.. :) My RBK Stick and Move    

Dito Sa Pitong Gatang

Image
Napanood ko kanina ang una at ang huli kong pelikula ang Dito Sa Pitong Gatang...Ha ha ha.... Syempre ito ang pelikula ni Da King! Fernando Poe Jr. (FPJ) at ang seksing-seksing si Ms. Nanette Medved...   1992 May basketball team kami nun dito sa Barangay San Antonio ... Bulls ang pangalan ng team namin kasi nung time na yun kakapanalo pa lang ni Jordan ng kanyang first NBA title (1991) laban sa Lakers...   May eksena kasi dun na maglalaro ng basketball si Robert Ortega habang nanood naman si Harlene Bautista...tapos yung laro nauwi sa suntukan...   Fun Fun Fun Basta ang saya nung eksenang yun... siguro mga dalawang minuto lang ang naturang eksena na kinunan dun sa outdoor basketball court ng Balik San Antonio Association (BSAA)...   Kaya sa tuwing ipinapalabas ito sa telebisyon ay hinihinto ko kahit ano man ang aking ginagawa para mapanood ko ang nasabing pelikula..   The King.. The Legend.. At least masasabi ko sa pagtanda ko na mayroon akong pelikula with FP...

Trapped Inside RCBC's Tower 2 Elevator

Image
Break time ko kanina kaya bumaba ako ng RCBC Plaza para tsumibog sa paborito kong kainan.. sa JolliJeep... Pagkatapos kumain ng adobong manok habang nakatayo ay naglakad na ako pabalik sa opisina...   Nakita ko pa nga na mayroong activity sa courtyard ng RCBC Plaza bilang pagpaparangal sa ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal..   Pagkaraka'y pumasok na din ako sa Tower 2... Sumakay ako dun sa elevator... Pero sa kasamaang palad ay bigla-bigla na lang itong huminto sa pagitan ng 8th and 9th floors... Heto pa ang bad trip, namatay ang ilaw kaya napakadilim.. Just imagine na nasa loob ka ng isang kweba.. Parang ganun yun siguro...   Sinubukan kong tumawag ng emergency call pagkatapos ng 30 seconds pero wala namang sumasagot... Kalmado naman ako, ayaw ko ipahalata dun sa mga kamoteng naka monitor sa CCTV camera na naka tune in sa lahat ng elevator na takot ako mahirap na baka WOW Mali lang ang aking kinasasglakan....   Ang tagal! hindi lang isa, dalawa, ...