Posts

Showing posts from June, 2011

12.4km Practice Run

Kumain ako agad pagdating ko kagabi sa bahay mga 10:45PM ... tapos after ng mga 15 minutes suot agad ng running shoes tapos botak agad sa labas ng bahay..   Tinakbo ko mula sa haybol namin (brgy san antonio ) papuntang Welcome Rotanda via Del Monte Avenue and Kanlaon Streets tapos pabalik ulit... Dala ko ang bagong bili kong New Balance hydration bet (naks!) kaya hindi na ako humihinto sa 7-11 para uminom..   Nasukat ko na kasi ang distance ng nabanggit kong route using the digital odometer ng Raider R150 motorcycle ko kaya more or less accurate yun!   Heto ang time ko.. Medyo mabagal (talagang mabagal pala).. Anyway ensayo pa lang naman iyon..   1Hr 32mins 56 secs  

Philippine Azkals 1 Sri Lanka 1

Image
Natapos ang laban ng Philippine Azkals vs Sri Lanka na tabla ang score para sa first round ng AFC Qualifiers na ginanap sa Sri Lanka! Tag isang puntos ang nagawa ng bawat koponan...... Ang dami kasing ibong itim na nasa gitna ng field eh. Animo'y nanonod din ng laban... Di ko malaman kung mga uwak o bwitre! ha ha ha Kung napanood nyo malamang napansin ninyo din!   Nanood kami sa pantry ng opisina at excited ang lahat para sa nasabing futbol match... Pasensya na lang po ang mga tagahanga ng mga telenovela.. paminsan-minsan lang naman po.. he he he   Sa Sunday ang second game ng pambansang koponan ng futbol ng Pilipinas na gaganapin sa Rizal Memorial Football Field!   Go Azkals!    

New Balance Hydration Belt

Image
I am about to start training for my 21K half marathon scheduled on July 31, 2011 for the 2011 edition of the Milo Marathon..   Naghahanap ako ng hydration belt na pwede kong magamit para may water source ako if ever na magkaubusan ng tubig...   Nakakita ako sa Sports Warehouse kaninang umaga....a New Balance Hydration Belt... Mukhang okay naman dahil naisukat ko comportable naman sa pakiramdam.. Last stock na yata iyon.. Kailangan ko nang balikan ito bukas baka magsisi pa ako.... Sana nandun pa sya….    

Bagyong Falcon (repost from PAGASA)

Image
Typhoon Falcon ( Bagyong Falcon ) Track Bagyong Falcon or Tropical Storm Falcon was estimated by Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ( PAGASA ) at 370 km East Northeast of Tuguegarao City , with maximum sustained winds of 85 kph near the center and gustiness of up to 100 kph, according to the 5:00 a.m. update by the weather bureau. In a DZMM radio interview at 6:00 a.m. today, DOST Undersecretary Graciano Yumul said that Typhoon Falcon has strengthened and been aided by the southwest monsoon. He added that the Typhoon Falcon is now moving in the North Northwest direction at 19 kph. Yumul explained that more rains is expected in Luzon as Typhoon Falcon moves out of the country by Saturday evening. PAGASA weather forecast expects rains with gusty winds in the islands of Calayan , Babuyan and Batanes . The rest of Luzon and Western Visayas will have monsoon rains that may bring flash floods and landslides. Mostly cloudy skies w...

Typhoon Falcon

Image
Isang ganap na bagyo na si tropical storm Falcon... Kakaiba ang  pangalan parang character ng isang local na James Bond.. ha ha ha!...   Napakalakas na ng ulan kahapon pa ng umaga kaya medyo mahirap na ang biyahe ko habang nakamotor...   Kahapon ay nakamonitor na kami nila kapitan Berroya sa water level sa ilog, tumataas na kasi ito at malapit nang umabot sa tulay para kung kinakailangan lumikas ang mga residente sa tabing ilog ay maisasagawa ang evacuation plan.... Ang pagpapakawala kasi ng tubig ng La Mesa Dam ang aming inaantabayanan....wag naman sana... Awa ng Diyos at bumaba naman ng bahagya ang level ng tubig kaya tayo ay nagpapasalamat..   Wala nga palang pasok ang mga mag-aaral sa mababa at mataas na paaralan ngayong araw na ito sa Kalakhang Maynila at sa ilan pang mga lalawigan dito sa Luzon … May mga ulat na rin ng  pagbaha sa madaming lugar.   Sana lang ay maging ligtas at walang masaktan sa pagdaan ni Falcon... Kapit Bayan! J  

Running My Second Half Marathon

Image
It's official!   I will be running my second 21K half-marathon on July 31, 2011 sa 35th Edition of the Milo Marathon sa Mall Of Asia ...   Salamat kay Mark at siya ang nagregister sakin  sa Glorietta.. Salamat din kay Leo at ipinagipon nya kami ng Milo wrappers sa pantry!   This is approximately one year after my first 21K during the Natures Valley Run sa Fort Bonifacio ... Isang taon na pala yun? L   Kasama ko sa tatakbo ng 21K this time ay si Mr. Mark Quebec na nangakong sasabayan nya ako sa buong takbo... Promise mo yan pare! ha ha ha..   Madami pang tatakbo sa Milo dito sa amin sa office.. Jeff, Ruby, Popay and Carlos ay tatakbo ng 10K and others will run 5k!.. Sa mga first timers, welcome to the stat runners of Edata! J   Sana makapagtrain ng maayos para naman ma-enjoy ko ang run next month....   Kaya mo Yan!   Kaya ko ito J  

Yun Pala ang Brazilian Wax...Now I Know.... :(

Image
May dalang isang brochure si Mark Q. kanina.. Brochure ito ng isang beuty shop dito sa Makati .. Nakatawag pansin sa akin yung service na "Brazilian Wax'.. Tinanong ko kay Mark kung ano yun.. Hindi niya rin alam... Nag search kami sa google... Yun pala yun! Wala palang kinalaman ang bansa ng Brazil .. Or khit ang mga seksing supermodel ng nabanggit na bansa… Parang ahit Ruby lang pala… Kaya pala hindi kumikibo ang mga kababaihan... Ngayon alam ko na... Salamat sa Google! Mas matalino na ako ng kaunti kaysa kahapon.. Ha ha ha  

Salamat Salonpas!!! :)

Image
Halos naubos ko kahapon ang supply na Salonpas patch sa opisina dahil sa sakit ng balikat ko.. Kahit na alam kong superficial lang ang effect ng mainit-init na pakiramdam na dulot ng Salonpas ay pinatos ko ito dahil kailangan kong maginhawaan... Haayy salamat at hindi  na siya masakit ngayon... Parang maaari kong sabihing ito'y epektibo!   Salamat Salonpas!!    

Post Volleyball Soreness?

Image
Naglaro ako ng volleyball kahapon sa Society of St. Paul para sa sportsfest ng eData! panalo kami laban sa Yellow Team.. Dehado kami kahapon parang NBA ang yellow team PBA lang kami (Blue team).... Pero nakuha sa tiyaga at may kasama na ding suwerte and chamba! ha ha ha!   Hindi naman talaga ako naglalaro ng sports na ito eh pero dapat makiisa at tulungang koponan kaya yun jumoin ako! ha ha ha!   Kaya heto ako ngayon, malapit ko nang maubos ang Salompas na supply ng edata dahil sa sakit ng kanang balikat ko..   Is there such as thing as "post volleyball soreness"?  Arrrraaaaaaayyyy!    

Forever and A DAY

Image
Nung Sunday nga pala habang nasa Trinoma kami ng aking pamilya ay nasulyapan ko ang isang promotional show ng abs-cbn para sa bagong nilang pellikula.   Ang "Forever and A DAY ". Tampok dito sina Sam Milby at KC Concepcion...   Nakita ko ang dalawa sa entablado sa Activity Center ng Trinoma at tunay namang naghihiyawan at kinikilig ang kanilang mga tagahanga... Ang ganda ni KC… Wala akong pakialam kaySam.. ha ha ha   Nakatawag pansin lang sa akin ang title ng kanilang pelikula... Yung katagang "Forever and A DAY ".... Parang familiar sa akin ang nasabing phrase... Parang narinig ko na na ito kamakailan lang... Hmnn... Tama... Narinig ko na nga ito... Ang sarap sa tenga.. "Forever and A DAY ".... Haaaaaaiiisssstt..... : (  

Locker Substitution

Nakipagpalit ako ng locker sa pantry sa isang girl sa kabilang departamento kani-kanina lang... Napansin ko kasi na hirap na hirap siya habang inaabot nya ang kanyang locker na nakapuwesto sa isang napakataas na lugar. Di ko natiis na isipin na ganung kahirap ang kanyang gagawin sa araw-araw kaya ako na mismo ang nagkusang ialok sa kanya ang aking locker na nakapuwesto sa mas mababang lugar. Kaya ngayon from locker #40... locker #425 na ako ngayon... Okay lang yun para hindi naman siya mahirapan.... Yun lang, di ko nakuha ang pangalan nya.. Ha ha ha.. Mahina.... :)    

Lunar Eclipse April 15, 2011

Image
Sayang at sumablay ako..... Inabangan ko pa  naman yung lunar eclipse kahapon pero nagwagi ang kapangyarihan ng antok... Science na sayang talaga! Balita ko kitang-kita daw kasi maganda ang panahon... Buti na lang at may u-tube at mapapanood ko kahit sa internet man lang... Hu hu hu Science na sayang sobra!    

edata's 5th Anniversary Circa 2006

Image
Retro pixs of edata taken its 5th year Anniv.. Nanood pa kami ng Miami Vice dito sa Glorieta!

Maraming Salamat mga Fans! ha ha ha

Salamat nga pala sa mga taga-basa ng ng blog kong ito na nag PM sakin kanina... ang dami nyo na talaga... wag kayong magalala, hindi ko babanggitin ang mga pangalan nyo..  hindi ko din naman kayo mga kakilala.... Maraming salamat mga giliw kong fans! Ha ha ha! fans talaga!

George's First Day of School

Unang araw ng pasok ni George sa eskwela nung Lunes... Tanghali sya gumising kaya halos eksakto lang ang time in nya sa school... Parang mas excited pa nga kami ni Mildred kaysa sa George...

SADP@25

Image
Ngayong weekend na ito ay ipinagdiriwang ng parokya ng San Antonio de Padua ang 25th Silver Anniversary ng pagkakatatag nito bilang isang ganap na parokya..   Espesyal ito kung kaya't madaming pinaghandaang mga programa ang isinagawa ng SADP at ng pamunuan ng Barangay San Antonio upang maging matagumpay ang nasabing pagdiriwang...   Happy Fiesta and Happy 25th Silver Anniversary San Antonio de Padua Parish, Barangay San Antonio Quezon City!!!!  

On Standby Mode

Image
Kahit wala akong hinihintay na email, Kahit busy ako... Kahit standby lang.. Hindi ko alam kugn bakit araw-araw akong online sa gmail account ko.... Meron ba akong hinihintay? Nakasanayan ko na ba ito? Ang sagot… Hindi ko alam.. Oopps.. Alam ko pala ang kasagutan... At tanging sagot na ako lang ang nakakaalam...  

Edata's Collective Diarrhea

Pagkatapos ng company outing sa Nasugbo, Batangas noong Linggo, napagalaman ko na madami pala sa mga ka-opisina ko ang nagtae o sumakit ang tiyan paguwi galing sa Nasugbo... Sumakit din ang tiyan ko nun pag-uwi kaya nag stop over muna ako sa CR ng opisina sa RCBC para magbawas... mahirap na baka sa motor pa ako matae... ha ha ha... Si cel nga balita ko ay dinala pa sa ospital.. Ano kaya ang may gawa? A. ice tea na tinatabo B. Jollihotdog C. may tumae sa swimming pool. D. all of the above...  

Buwena Manong Walang Pasok

Image
Bwena mano para sa SY 2011-2012 at para sa mga magaaral ngayon sa elementarya at high school sa Kalakhang Maynila at ilang lalawigan dito sa Luzon .. Nagpa-anunsyo na ang DepEd na walang pasok ngayon dahil sa magdamag na pagulan, kaya malamang boundary ang baon ng mga bata ngayon... Hindi pa daw ito bagyo kundi dulot pa lang ng isang low pressure (malamang bagyo din ito)...   Ang sarap talaga kapag suspended ang klase kasi may libre kang isang araw na restday from school.. Yun nga lang kapag arawan ang baon mo (tulad ko dati) wala kang datung tunganga ka lang sa haybol.... Saraapp...  

Rainy Nights... and Etcetera

Tinatamad na ako pumasok kanina.. ang lakas na naman kasi ng ulan...  Pero dahil kailangang pumasok, kahit napipilitan ay sinugod ko pa rin ang napakalakas na buhos ng ulan..     Nanalo ang Mavs kontra Heat sa game 4 ng NBA Finals... Partida, may lagnat pa daw si Nowitski kanina... Sana araw-araw syang mag lagnat para panalo palagi ang Dallas ...   Siya nga pala.. hindi na daw matutuloy ang election ng ARMM... Sa 2013 na lang daw... sabi ng kongreso...   Kumain ako sa KFC kanina dun sa may Mabuhay Rotonda... May naalala akong tao... Dun din kasi kami kumain dati.. Wala lang...

It's Kinda Different

Lumabas ang tropa namin kagabi.. balik bayan kasi ang asawa ni MeAnn mula sa gitnang silangan.. Masaya naman ang nagkita-kita muli ang tropa pero pakiramdam ko talaga parang may kulang... Nung una parang nadadaya ko pa ang sarili ko na isipin na kulang sa kasayahan hanggang may nakausap kami sa telepono... it's then i realized why? we were still happy wiht each other's companies... but I knew it was different.. yes it is... it is certainly different...

Inverted RP Flag PNoy's Website

Image
  Ibang klase yung pagkakalagay ng inverted flag dun sa website ni Pres PNoy... Parang   nasa state of war ang ating bansa, Nasa itaas kasi ang kulay pula... Ironic kasi flag day pa naman nang lumabas ang inverted na watawat sa official na website ng ating pangulo... Honest mistake? hmnn.. Apology accepted.... Just like what PGMA said "I'm Sorry". Ha ha ha!!! Kape tayo....  

eData Company Outing 2011

Image

edata Fun Run 2011 Pictures

2011 NBA Finals

Image
Simula na mamaya ang bakbakan ng dalawa sa mga pinakamahusay na team sa NBA para sa game one ng 2011 NBA Finals... Magsasalpukan ang Miami Heat ng Eastern Conference at ng Dallas Mavericks ng Western Conference.  Rematch nila ito marahil sa labanan nila nung 2006 kung saan nanalo ang Miami .. Makakbawi kaya ngayong ang Dallas .. Abangan!   It's game time!  

It's Just a Clouded Mind

Minsan o madalas, ang iniisip niya ay siya ang argabyado o ang mas apektado… Subalit kung kanya sanang iisipin ng mas malalim, ay parehas lang ang sitwasyon na kanilang kinalalagyan... Sobra marahil sa pagiisip at maling gamit ng emosyon… Kung kayat nababalot ng makapal at madilim na ulap ang pagiisip na dapat sana'y mga tamang mga salitang dapat na lumabas sa kanyang bibig... Haayy… ang sabi niya….Haayy din ang wika naman ng isa...      

FIBA-Asia Champiosnhip Cup 2011

Pilipinas ngayon ang host ng FIBA-Asia Championsip Cup 2011.    Ginaganap ang mga laro sa Philsports Arena (ULTRA) sa Pasig City .  Syempre kasama dito ang ating pambansang koponan sa basketball, ang Smart Gilas National Team.  Isa itong taunang event ng basketball sa Asya at masuwerte tayo at dito ito ginaganap mula May 28 hanggang June 5, 2011 .  Makapanood nga bukas...   Go Team Philippines !