Posts

Showing posts from June, 2013

MAN OF STEEL (FATHER AND SON BONDING

Image
Nagpunta kaming dalawa ni George sa SM City noong Sabado... Nangako kasi ako sa kanya na manonood kami ng Man Of Steel; ang latest Superman movie. Ayaw sumama ni Mildred kasi hindi nya naman masyado type daw yung pelikula tsaka syempre sya na muna ang magaalaga sa bunso  namin.. Sa pila pa lang sa takilya ay masayang-masaya na si George dahil makikita nya nang lumipad ang taong may pulang kapa. Chumibog muna kami ni George sa Tokyo-Tokyo; di ko alam ang dahilan kung bakit parang naging favorite na ni George ang Pork Tonkatsu... hmnn... Pagkatapos kumain pumunta na kami agad ni george sa The Block; dun kasi yung cinema 4..Pero bago kami  pumasok sa sinehan ay nagpapicture muna kami sa ilang naggagandahang mga Superman posters; kaya sinamantala na namin ang kodakan... Tuwang-tuwa si George sa pelikula  (ako rin).. medyo nakaiglip lang ng konti si george (mga 5 mins) sa kalagitnaan ng movie pero nagising agad nang marinig ang mga matiitinding sound